CHAPTER 1- CRYSTAL
Ako nga pala si Crystal Ballen. Suplada ako lalo na sa mga lalaki. Single. Wala akong masiyadong kaclose na lalaki. Yung Daddy ko, yung kapatid kong si Kuya Yhan at mga pinsan kong lalaki lang ang kaclose kong lalaki. Nabibilang lang yung mga kaclose kong kaklase ko na lalaki, karamihan pa nga ee yung hindi mo mawari kung lalaki ba talaga siya o paMENta lang talaga siya. Hahaha! Kasi naman kung makasalita talo pa ang babae. lol. xD
I like gays kasi masaya silang kasama and at least hindi ako masasaktan di tulad ng ibang lalaki. At tsaka I forgot to tell that my brother is a gay but still I’m so proud of him. Bakit ba? Masama na ba ngaun maging bakla? Wala namang mali dun aa. Grabe! Tao rin naman sila aa. Wala namang sinabi si God na masama maging bakla. Sa doon sila masaya ee. As long as hindi naman sila nakakaapak ng tao, walang masama. Tama naman ako di ba?
Kaya marami akong friend na gays at paMenta katulad nila Mark na hindi ko alam kung lalaki ba or binabae, si Carl na hindi ko rin alam kung lalaki ba talaga o binabae rin tong isang to. Kasi naman si Mark SUPEEER ingay nyan, talo pa ang babae at madalas kasi mas marami pa silang kaclose na babae kaysa sa lalaki. Taz ito namang si Carl ganun din SUPEEER ingay. Parati ngang nag aaway si Mark and Carl ee. Nakakatawa nga silang mag-away ee. HAHAHA! Walang may gustong magpatalo. Pero mabait at matatalino yang mga yan kahit ganyan yang mga yan. Hahahaha! Pero wag ka, si Mark may naging girlfriend yan, baliw na baliw sa kanya yung girl. Taz to namang si Carl ang daming crush na babae. Ewan ko lang kung totoo. HAHAHA!
Ayoko sa mga lalaki kasi feeling ko sasaktan lang nila ako. Takot na takot na kasi akong masaktan ulit. Para sa akin kasi kung talagang mahal ka ng isang lalaki kahit gaano ka pa kasungit kung mahal ka niya talaga gagawin pa rin niya lahat para sayo mapatunayan lang niya na mahal ka talaga niya, right?
Wag niyo akong sisihin kung bakit suplada ako lalo na sa mga boys. Takot na takot lang kasi akong masaktan. Ang hirap kaya masaktan. Ang mahirap pa ee yung magmahal ka ng taong hindi ka naman mahal.
Pero okay lang naman para sa akin yun kasi nga sabi nga nila, hindi naman ibig sabihing mahal mo na ang isang tao dapat mahalin ka na rin niya. Tama naman sila. Kaya nga lang kasi nalaman kong pinagtripan lang pala ako nung jerk na minahal ko dati.
Siya yung masasabi kong sobrang minahal ko ng bonggang bongga, yung ginawa ko lahat lahat para sa kanya kahit nagmumukha na akong tanga. Okay lang naman sa akin na hindi niya ako mahal ee, hindi ko naman hiniling sa kanya na mahalin niya rin ako. Basta ang gusto ko lang noon masabi ko lang sa sarili ko na “at least may ginawa ako.” Para sa akin kasi, ayokong sisihin yung sarili ko sa huli kasi wala akong ginawa kaya yun ginawa ko lahat-lahat kahit na magmukha akong tanga. Kaya nga lang ang MASAKLAP, pinagtripan pa ako. HAAAY NAKU! Kalimutan na nga natin yun. Ayoko ng alalahanin. Nakamove on na ako dun. Bahala na si God sa kanya. Past is past.
Pero hindi siya ang dahilan kaya ako broken hearted ngaun. Meron pa. Kala niyo siya na noh? HAHAHA! Isa lang siya sa mga lalaking naging dahilan kaya ayoko na lumapit sa mga lalaki at kung bakit takot na akong sumubok na umibig ulit.
HAAAY. Stop muna sa pag kwekwento ko ng masaklap kong love story. HAHAHA! Next time nalang ulit.
Emerald: HOYYY! Ang tahimik mo nanaman dyan. Kanina pa kami salita ng salita dito ni Saphire ee. Ang lalim lang ng iniisip aa?
Nagulat ako dun aa. Makasigaw naman ng hoy si Emerald WAGAS! HAHAHA! Pero ganyan talaga kami mag usap ng mga yan. Parang yung mga kausap namin ee nasa kabilang bundok. Hahaha! Normal yan sa amin. :DD
Saphire: Iniisip nanaman siguro si JOV.
Me: HEEE! Tumigil- tigil nga kayo! Wag na wag niyo ngang mabanggit banggit yang name na yan. Nakakasira ng araw ee. Psh. May naalala lang ako noh!
Saphire: Ayyy! HB tayo ngaun aa. Relax lang teh. Hahaha! :DD
Emerald: Naalala, sino? Si...
Me: Sige ituloy mo Emerald. Makakatikim ka na talaga sa akin.
“Emerald: Parang kaya mo naman akong saktan. Mahal mo kaya ako. Hahaha!” Haaaay. Nagsisimula nanaman nila akong asarin. =.= Pero sanay na ako, parati naman ee. Bawian lang yan. Hahahaha! Pasalamat sila wala ako sa mood para asarin din sila ng...... HAHAHA! Wag nalang muna. Next time nalang. Hahaha! xD
Pero tama naman siya. Hindi ko siya kayang saktan. Isa man sa kanila, hindi ko kaya. Mahal na mahal ko yang mga yan ee. Kahit minsan ee parang may topak tong mga to. Simula palang nung bata kami magkakaibigan na kami. Magkakapareho pa nga kaming puro birth stone yung mga pangalan namin, pansin niyo ba? Parang tinadhana talaga. Magkakapatid kami kaya nga lang galing kami sa mga iba’t ibang Nanay. Hahaha!
Nga pala, nagtataka siguro kayo kung sino yung may name na 3 letters, yung inaasar nila sa akin. Siya pala yung tinutukoy ko na dahilan kung bakit ako broken hearted ngaun. Hindi naman halatang ayaw kong banggitin yung pangalan niya. ASA NAMAN NO! HAHAHA! Saka ko nalang ikwekwento yung nangyari sa amin nitong 3 letters na to. Ayoko muna alalahanin. Hindi ko na alam kung gaano na katagal ang nakalipas ng mangyari yun. Hindi pa rin ako sigurado kung nakamove on na ba ako o hindi pa. Basta ang alam ko lang ngaun. I HATE HIM!!!
Saphire: Nga pala maiba tayo ng usapan, di ba may quiz tayo mamaya sa Math? Nakareview na ba kayo?
Emerald: Ayyy oo nga noh? Nakalimutan ko. Nakuuuu lagot!
Me: Argh! Ako rin ee. Hindi ako nakareview. Paano na yan?
Saphire: Haaay kayo talaga. Buti nalang nakareview ako ng kunti. Sige ako na bahala sa inyo mamaya.
Me: The best ka talaga! I love you na!
"Emerald: Haaay! Buti nalang! Ikaw na talaga Saphire! Kaya mahal na mahal ka namin ni Crystal ee, di ba?" Sabay tingin sa akin ni Emerald taz tumawa na kaming tatlo.
Saphire: Hala sige! Tama na yang pangbobola niyo sa akin. Tara na sa classroom ng maka upo tayo sa likuran. Nang makakopyahan tayo.
At ayon nga tumayo na kami sa table namin total ubos na rin namin ung pagkain namin kasi andito kami sa canteen ngaun. Recess time kasi namin.
-to be continued-
Author's Note:
Thank you pala sa mga kung sino man na nagbasa po nitong story na to. Salamat po. Sana patuloy niyo pong suportahan ang "I'm waiting for my Prince". Pasensiya na po kayo kung sa tingin niyo hindi po maganda kasi po first time ko lang po gumawa ng story pero promise po I'll do my best sa story na ito para mapaganda pa. Salamat po ulit. Pakihintay nalang po ung update ko. Thank you po talaga. ^.^
BINABASA MO ANG
I'm waiting for my Prince.
RomanceIlang beses na akong nagmahal at nasaktan... Hanggang sa napagod na rin ako. Sabi ko sa sarili ko "Magmamahal nalang ulit ako kung ready na ulit akong masaktan at kung nakamove on na talaga ako. Basta sa ngaun, sarili ko muna ang iisipin ko at mama...