POV of Crystal
Bakasyon na namin ngaun. 2 todays to go at flight nanamin papuntang Florida. Yung araw na gusto kong dumating and at the same time ang araw na ayaw kong dumating. Gusto ko kasi andun si Kuya Yhan. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Dun kasi siya nag-aaral. Gragraduate palang siya this coming May kaya pupunta kami dun nila Dad and Mom. Ayaw ko kasi... makikita ko nanaman si 3 letters. Haaay pero ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong pumunta at guguhulin ko ang summer vacation ko sa ayaw at sa gusto ko. Haaay. I feel sad right now and at the same time I feel happy. Sad kasi mamimiss ko sila Phire and Em at tsaka un nga malaki ang possibilities na makikita ko si 3 letters.
3 years ago kasi nagmahal ulit ako after nun kay Jolo.
(Jolo- Yung kwenento ni Crystal sa first chapter. Na kahit hindi siya mahal ni Jolo ee minahal pa rin ni Crystal ng sobra sobra pero pinagtripan pa siya.) ---Author
Naalala ko nanaman ang lahat ng nangyari dati 3 years ago.
Haaay sa wakas nakarating na rin kami dito sa Florida. \(^w^)/ Haba ng byahe. Ang sakit sa pwet. Hehe! Andito palang kami ngaun sa Orlando International Airport sa baggage area. Pagkatapos namin kunin mga baggage namin nila Dad lumabas na kami sa baggage area at nakita na namin yung magsusundo sa amin. Si Kuya Yhan, yung pinsan ko na si Ate Mia at tsaka si Tita Rencee kapatid ni Mom. Dito kasi sa Airport may waiting area para sa mga magsusundo at yung mga naghihintay ng sundo nila dito sa loob ng Airport. Ohhh yea, pwede kayong pumasok. I think lahat naman ng airport nagpapapasok sa Pinas lang ata ang hindi pwede. Psh. =.= Ang arte kasi sa Pinas ee.
Andito na kami ngaun sa bahay namin dito sa Florida. Kakaalis lang nila Tita Rencee at si Ate Mia. Magluluto pa kasi sila for our welcome party and for my birthday. Birthday ko pala ngaun. Hehe! Kaya mamaya pupunta kami sa bagong bahay nila Tita Rencee ta dun magaganap ang party. Actually kami kami lang at tsaka ibang pang family close friends.
Pagkatapos naming ayusin yung mga baggage namin. Naligo na kami. Syempre naman halos isang araw din kaming hindi naligo noh. Ganun katagal ang byahe papunta dito sa Florida. Pagkatapos naming maligo nagpalit na kami ng damit at nag ayos ng sarili at kung ano ano pa. At yun lumabas na kami.
Bago kami pumunta sa bagong bahay nila Tita Rencee. May sinabi pa sa akin si Kuya Yhan. sabi niya "AHEM. May ipakilala ako sayo mamaya teh. Yung sinasabi ko sayo dati nung last kung uwi sa Pinas na ipapakilala ko pag pumunta kayo dito si Jov. Ahyyy! teh magready kana. Gwapo yun!"
Ako naman. Nag fake smile nalang ako. Alam kasi niya yung nangyari sa amin about kay Jolo. Kaya siguro gusto niyang ipakilala yung sinasabi niyang gwapo raw sa akin kasi siguro ayaw niya akong nalulungkot. Kaya sumasakay nalang ako sa mga sinasabi ni Kuya and pretending na okay lang ako. Kahit alam ko naman na ang sakit sakit pa rin. Pakiramdam ko nga parang broken talaga yung puso ko. Gabi gabi bago matulog umiiyak ako. Pag naaalala ko yung ginawa sa akin nung tarantadong hayop na yun naiiyak ako. Pero umiiyak lang ako pag mag-isa lang ako or kami lang nila Phire and Em. Ayoko kasing mag-alala lalo na sila Mom, Dad at si Kuya Yhan.
House of Tita Rencee
Andito na kami ngaun sa harap ng bagong bahay nila Tita Rencee. Wow! Ang laki at ang ganda ganda! (OoO) Dito palang sa labas yun aa. Ang yaman talaga nila Tita Rencee. Pero mayaman din naman kami. HAHAHA! Si Dad big time Contructor yan. He build houses, buildings, hotels, malls, etc sa iba't ibang bansa. While my Mom manange our business in the Philippines. May 1 mall, 2 hotels at 2 restaurants.
Yung Ballen's Mall ay pinangalan na sa akin nila Dad simula nung nag graduate ako ng elem. so sa akin na yun. Pero dahil bata palang ako at wala pa naman akong alam masiyado about business kaya may binabayadan sila Mom na mapagkakatiwalaan nilang magmamanange muna nung malls. Pero kahit ganun yung 60% na kita ng malls mapupunta pa rin sa akin. Taz yung 20% mapupunta kila Mom and Dad. Ako may gusto nun. Taz yung 20% mapupunta dun sa nagmamanage na dapat ako ang gumawa.
Siila Crystal at Emerald lang ang nakakaalam maliban sa Family ko. Basta ang alam lang ng iba na may ari ng mall na yun ee sila Mom. Hiniling ko kasi kila Mom na kung pwede lang wag nilang sabihin sa iba na ako na ang nagmamay ari ng Ballen's Mall . Baka kasi pagpumunta na ako sa Mall namin pagtitinginan ako ng lahat. Nakakairita kaya pag ganun. Kaya pagpumupunta ako dun minsan kasama sila Em and Phire para pa rin akong normal na shopper's. Hindi rin pala nila alam ang mukha ko.
Yung 2 hotels ang nagmamanage naman nun si Mom. Actually dati nung nasa Pinas si Kuya Yhan sila ang magkapartner ni Mom na magmanage nung dalawa naming hotel. Pero simula nung pumunta na dito sa Florida si Kuya Yhan para mag-aral ng kursong Nursing mag-isa nalang ni Ma'am ang nagmamanage. Minsan si Dad tinutulungan din niya si Mom pag di siya busy. Si Kuya Yhan kasi pangarap niyang maging RN dati pa kaya pinayagan na rin siya nila Mom mag-aral. Taz yun palang 2 restaurant si Mom din nagmamanage. Magaling kasi si Mom magluto kaya naisipan niya noon na mag open ng restaurant inside of our hotels. Eh bumenta naman. Kaya ayun.
Pero ngaung asa Florida kami, yung matagal na niyang secretary ang bahala muna dun sa business namin sa Pinas. Si Dad naman kakatapos lang yung isang ginawa niyang hotel sa Pilipinas sa part ng Cebu.
Ahyyy. gutom na ako. Nang biglang lumabas si Tita Rencee at nakita kami kaya sinalubong niya na kami.
Tita Rencee: Ohhh andito na pala kayo. Tara na sa loob. Kayo nalang hinihintay para kumain.
Kaya pumasok na rin kami. Pagpasok ko palang may isang lalaki sa malapit sa pinto. Siguro mga 3 habang mula sa akin. Tapos nagkatinginan kami hanggang naging titigan. Parang kinabahan ako bigla. Ahyyy. feeling ko ito yung sinasabi ni Kuya Yhan... si Jov ba yun. Ahhh! Ewan ko pero basta parang may nagbulong sa akin na siya si Jov to. Eh never ko pa naman siya nakikita kahit sa picture hindi pa. Grabeeee! Feeling ko tumigil yung oras at parang kami lang dalawa nandito. Hanggang sa...
Kuya Yhan: Uyyy teh! siya pala si Jov.
Ahhh sabi ko na ee, tama yung hinala ko, siya si Jov. Gwapo nga. Mukha pang mabait. Mukha siyang tahimik.
Kuya Yhan: Ammm Jov, Meet April, my little sister. (^_^)
Me: Ohhh hi!
Sabi ko na parang nahihiya.
Jov: Hello! Nice meeting you.
Taz nagsmile siya kunti. Taz inabot niya kamay niya taz inabot ko rin yung kamay ko at nagshakehands kami. Infairness aa lambot ng kamay ng isang to. Haaay. Feeling ko kinakabahan pa rin ako. AHYYY! Bat ang weird ko ngaun? ANYARE TEH? Bat ako kakabahan? (=_=)
Pagkatapos nun pumunta ako sa parang Entertainment Room nila Tita kaysa pumunta sa kitchen para kumain. Ewan ko ba, kanina gutom ako pero ngaun parang nawala yung gutom ko. Haaaay... pumunta ako dito kasi gusto kong mapag-isa. Feeling ko kasi kinakabahan ako,ang bilis ng pintig ng puso ko. Haaay bat ba ganito nararamdaman ko? Hindi ba broken hearted pa rin ako? Bakit kung makareact tong puso ko ngaun WAGAS! Haaay.
Nagsasalita ako ngaun mag-isa dito sa Entertainment Room.
"Dededmahin ko nalang to. Siguro kasi..." Napaisip ako? Bakit nga ba talaga? Siguro may sakit na ako sa puso kaya kung maka tibok tong puso ko ngaun ang bilis taz ang lakas pa. Para akong tumakbo ng napakalayo, pero hindi naman. Argh! Makapunta nga sa doctor bukas. OO TAMA! Siguro ganun nga talaga!
HAAAY! Pero sino ba niloloko ko? Sarili ko. AHYYY! Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa nararamdaman ko ngaun. Heart broken pa nga lang ako tapos makareact tong puso ko parang hindi heart broken. NAKUUU ang landi ng puso ko talaga. Hindi na natuto. Ahyyy... (=.=)
Bumukas yung pinto. Si Kuya Yhan pala
Kuya Yhan: Ohhh andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap aa. Kanina pa nagsimula ang party aa. Tara na.
Kaya sumunod na ako kay Kuya...
-to be continued-
Author's Note:
Salamat po ulit sa pagbasa ng "I'm waiting for my prince." Sana po patuloy niyo pa pong suportahan. Dalawa palang chapter ang naipublish ko po ngaung araw na to kasi po hindi po ako makaka update bukas. Magpapa enroll po kasi ako bukas ee. Pasensiya na po kayo. Pero promise po pag maaga kaming nakabalik dito sa bahay bukas itratry ko pong mag update. And btw, may dinagdag at may binago po ako sa mga ibang chapter's. Paki basa nalang po ulit hanggang Chapter 1 kung gusto niyo lang naman pong malaman kung ano yung mga dinagdag ko at yung mga binago ko. Salamat po ulit. Mahal ko po kayo! (^3^)
BINABASA MO ANG
I'm waiting for my Prince.
RomanceIlang beses na akong nagmahal at nasaktan... Hanggang sa napagod na rin ako. Sabi ko sa sarili ko "Magmamahal nalang ulit ako kung ready na ulit akong masaktan at kung nakamove on na talaga ako. Basta sa ngaun, sarili ko muna ang iisipin ko at mama...