Pagkatapos ko kumain. I pretend na may jet lag ako. Pero the truth is wala naman talaga. Basta feeling ko kasi gusto kong umalis dito at tumakas nalang. Kaya ayon. Hinatid ako ni Kuya Yhan sa isang guest room nila Tita Rencee para makapagpahinga ako.
Pagpasok namin ni Kuya Yhan iniwan na niya ako. Ang sabi lang niya magpahinga raw ako.
Taz ito ako ngaun nakahiga sa kama. Haaay. lambot ng kama. Ang sarap matulog pero hindi ako makatulog. Kaya inikot ko nalang yung mata ko sa kwarto kaysa kung anu-ano nanaman ang isipin ko.. Ang ganda ng kwarto. Tamang tama lang ang laki. Hindi siya masiyadong malaki hindi rin naman siya maliit. Light pink yung wall. Taz yung curtain color fuchsia yung both sides taz basta mahirap iexplain yung nasa gitna. Tapos may malaki pang flat screen dito sa front wall ng bed. Taz itong bedsheet ang ganda. Iba't ibang shades ng pink. May fuchsia at iba pa. I love color Fuchsia. Ayoko sa pink kasi masiyadong girly. Hahaha! Ang arte ko. Shades din naman ng pink ang fuchsia. Pero basta para sa akin mas astig ang fuchsia at tsaka kasi I think hindi bagay sa personality ko ang pink. Hindi kasi ako yung klase ng babae na palaayos sa sarili. Hehehe! Opinion ko lang naman yan aa. Baka mamaya may mahurt jan. May kanya kanya naman tayong gusto kasi di ba? So trip by trip lang naman. Hehe!
(The picture of the room------------------------------------------------->) -Author
Kuya Yhan: Crystal gising na. Uwi na tayo wala na yung mga bisita. Nakauwi na silang lahat.
Me: HMMM... Okay. Hintayin niyo nalang ako sa baba, susunod na lang ako.
Haaay. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.
Tumayo na ako at tumingin sa may salamin para tignan ko kung may muta ba ako or may dumi ba ako sa mukha bago ako bumaba. At pagkababa ko andun na nga sila Dad ako nalang hinihintay nila.
Daddy: My Princess, hindi na ba masakit ulo mo?
Sabi ni Dad na parang nag-aalala pa rin sa akin.
Me: Hindi na po Daddy. Okay na po ako.
Daddy: Buti naman. Ayyy nga pala Happy Birthday ulit my Princess! Ano pala gusto mo regalo my Princess?
Me: Wala po Dad. Okay na po sa akin yung magkakasama tayo ng buo ngaun nila Kuya Yhan. Masaya na ako dun.
And then I smiled at niyakap ko si Dad para hindi na siya mag-alala.
Haaay. Dad... hindi naman talaga masakit ulo ko kanina ee. Masama lang pakiramdam ko sa puso ko... Feeling ko hindi maganda mangyayari pag nagstay pa ako sa party. Baka mafall ako kay Jov ng wala sa oras. Hindi pa naman ako ready masaktan ulit. Broken hearted pa nga lang ako ee. Taz mafafall nanaman ako? DOUBLE DEAD ANG LABAS NG PUSO KO PAG GANUN. HAHAHA! cooorneeey. xDDD
Oo nga pala, Daddy's Girl pala ako. Si Dad kasi kahit busy yan gumagawa pa rin siya ng paraan para sa aming family niya. At tsaka si Dad super hard working. At tsaka kasi inispoiled ako ni Dad. HAHAHA! Si Mom naman humihingi lang ako sa kanya pag kinakailangan talaga. Takot ako jan ee. Kasi pag magpapabili lang ako ng hindi naman importante papagalitan lang ako nyan. Kay Dad, binibigay niya sa akin lahat ng gusto ko basta may pera siya. Kay Mom kasi pumupunta lahat ng kita ni Dad. Si Mom ang humahawak lahat lahat. Oo, under si Dad kay Mom. Bilib ako kay Dad ee ang haba ng pasensiya niya kay Mom.
Hindi porket mayaman na kami nakukuha ko na gusto ko. Si Dad, yea he spoiled me. Pero hindi naman ako yung klase ng anak na sumosobra sa paghingi. At tsaka kahit minsan hindi maibigay ni Dad ang isang bagay o si Mom. Hindi naman ako yung katulad ng iba na nagdadabog o ano man pag hindi ko nakuha ang isang bagay. Pag di ko nakuha ang isang bagay sasama lang loob ko ng ilang oras at pupunta sa room ko at iiyak ako taz pagkatapos kong maiyak lahat ng sama ng loob ko, okay na ako. Ganun lang. Wala ako magagawa ee. Sa hindi ko makuha. Lalo na kung kay Mom. Wala talaga akong magagawa kundi tanggapin na sa ngaun hindi ko muna makukuha gusto ko.
Perfect na sana buhay ko kung hindi bungangera si Mom ee. HAHA! Pero si Mom mabait naman yan kaya nga lang kung magalit yan NAKUUU magtago tago ka na. Nandadamay yan ng kabadtripan. HAHAHA! Kakatakot si Mom magalit. Sobra! Parang tigre o lion yan magalit. Kaya takot na takot ako jan. Hindi ako masiyadong close sa Mom ko. Mas close ako sa Dad ko.
Maraming naiingit sa akin kasi sabi nila I have the perfect life. Pero di lang nila alam na hindi naman perfect ang buhay ko, meron pa ring kulang. Sabi nga nila nobody's perfect. Kaya kayo wag kayong maiinggit sa akin dahil nasa sa akin na yung lahat na pinapangarap na buhay ng lahat. Kala niyo lang yun. Pero malungkot din ang maging ganito minsan.
Sila Emerald at Saphire lang nakakaalam ng story ng buhay ko. Syempre kasi hindi ko masyadong maramdaman na mahal ako ni Mom. Pero minsan din naman alam ko mahal niya ako pero iba pa rin kasi ee. She always notice kasi lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko, kahit napakaliit na bagay pa yan pinapansin pa rin niya. Ginagawa ko naman lahat lahat ng makakaya ko para maging proud siya sa akin pero wala ee mga pagkakamali ko lang ung napapansin niya. Haaay. Ito nanaman ako ang drama ko nanaman. Stop ko muna nga pagkwekwento ko about sa life ko. Hehe!
House
Dito na kami sa bahay. Andito ako ngaun sa kwarto ng kapatid ko, sa kwarto ni Kuya Yhan. Basta kasi pumupunta ako dito or umuuwi sa Pinas si Kuya Yhan magkatabi kaming matulog. Minsan lang naman kasi to. Sinusulit lang kasi namin yung time na magkasama kami. Minsan nalang kasi kami magsamang magkapatid simula nung pumunta siya dito sa Florida para mag-aral.
Si Kuya Yhan asa CR pa. Nagshower pa siya bago kami matulog.
Kuya Yhan: AHEM teh! musta naman pala kanina?
Ayyy. Andito na pala siya. Hindi ko pa namalayang nakapasok na pala si Kuya Yhan.
Me: Huh? Hindi naman na masakit ulo ko teh. Ayos na ako.
Kuya Yhan: Giga! Hindi yan ibig kong sabihin. I mean musta naman si Jov para sayo? Pumasa ba? HAHA!
Me: Haaay. Ikaw talaga teh. Oo nalang.
Kuya Yhan: Mas boto ako kay Jov para sayo teh... kaysa naman kay Jolo. Si Jov mabait, alam niya ang gawaing bahay, at gwapo pa! San ka pa teh? .
Me: Oo na. Gwapo na siya teh.
Kuya Yhan: Ayyy talaga. Mas gwapo naman siya kaysa kay Jolo. Si Jolo mayaman lang naman sila ee, taz parang mayabang pa. Nasa world of politics pa ang family niya, baka kung siya makatuluyan mo mapahamak ka lang.
Me: ASA namang makatuluyan ko yun noh. Hahahahahaha! Si Kuya talaga nagpapatawa! Hahahaha! \\(=.=)//
Tumawa ako na parang totoo talaga. AHYYY. (=.=)
Kuya Yhan: Ahhh basta mas boto ako kay Jov aa. Sige na pray na tayo at matulog na. Ipapasyal ko pa kayo bukas sa downtown.
At ayon nga nagpray pa kami ni Kuya Yhan at pagkatapos nun.
Kuya Yhan: Good Night teh! Happy Birthday ulit! Masaya ako dahil magkasama nanaman tayo ngaun. Namiss kita!
Taz niyakap ako ni Kuya Yhan.
Me: Good Night din teh. I'm so glad too dahil magkasama nanaman tayo ngaun. Namiss rin kita ng sobra teh.
Pagkatapos nun natulog na kami.
-to be continued-
Author's Note:
Sorry kahapon hindi ako nakapag update. Napagod po kasi ako sa byahe ee. Sorry po. Hope you understand. At tsaka nga po pala salamat po ulit sa pagsubaybay niyo po sa "I'm waiting for my prince". Sana po patuloy niyo pa ring suportahan. Hintayin niyo nalang po ung update ko. Thank you po ulit. mua :*
BINABASA MO ANG
I'm waiting for my Prince.
RomanceIlang beses na akong nagmahal at nasaktan... Hanggang sa napagod na rin ako. Sabi ko sa sarili ko "Magmamahal nalang ulit ako kung ready na ulit akong masaktan at kung nakamove on na talaga ako. Basta sa ngaun, sarili ko muna ang iisipin ko at mama...