Talaga ba at Bakit Hindi?

51 5 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


DEDICATION & ACKNOWLEDGEMENT

Sa kung sino man ang makakabasa nito, sa inyo -- I dedicate this story. Alam kong marami tayong fan ng BL, 'yung iba sa atin naghahanap ng labidabs, pero dahil ilan sa mundo ay hindi mulat, nananatili tayong nganga pagdating sa lovelife. Ngunit dahil nandito ang mga kwentong nagpapatakas sa atin sa reyalidad, nai-inlove tayo sa mga characters at hindi natin iyon maiiwasan dahil unang-una, na-attach tayo sa kwento. I also want to dedicate this story to Ms. Yortzekai, ang pinakaunang author na nagpadiscover sa akin sa mundo ng bxb fictions. And also to Mr. Rovi and Dorshylover, all your works are truly masterpieces at talagang ibabaon namin ang inyong mga likha sa aming puso at isipan. Sila ang trademarks at ang nagbigay buhay sa collaboration na kagaya nito.

Kaya naman, para sa lahat ng kagaya kong hopeless – sabay-sabay tayong mainlove ngayong pasko sa pamamagitan ng kwentong ito na isinulat ko –

as another season of rainbow has begun.

*****

Talaga ba, at Bakit Hindi

Yaoistorywriter


What's the connection between love and sunrise?

Eleven years ago, that was December 19, 2008 nang mamatay ang mga magulang ko at dalawa kong kapatid. Namatay sila dahil nabunggo ang sinasakyan naming bus noon mula Lucena papuntang Alabang. Kasama ako sa naaksidente -- ngunit sa hindi ko malaman kung dapat ko bang ikatuwa o hindi, nakaligtas ako.

That's when my christmas excitement started to fade.

December 25, kanilang libing -- umulan nang malakas. Iyon ang pinakaunang paskong naranasan ko na umulan.


Hindi ko maipaliwanag ang bigat sa dibdib ko noong panahong iyon. Hindi ako makapagsalita, makakain at makahinga ng maayos. Puro pag-iyak lang ang aking inatupag.

Bilang isang onse-anyos na bata, sobrang laki ng epekto sa akin ng insidenteng iyon. Hindi ko alam kung trauma nga ba ang tawag dito. At dahil ayokong isipin ang posibilidad na magkaroon ako ng PTSD ay pinilit kong libangin ang sarili ko sa mga natitirang oras kong nabubuhay dito sa mundo.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin noon pero nakipagpilitan ako sa mga kamag-anak kong mamumuhay akong mag-isa. Pursigido ako noong kaya kong buhayin ang sarili ko. Gamit ang natitirang ipon ng aking mga magulang, pinilit kong makapag-tapos sa pamamagitan ng paggabay sa akin ng aking tiyahing dumadalaw lamang sa akin isang beses sa isang linggo.

And that's enough. I'm glad that's enough. Nakapagtapos ako ng elementarya, ng highschool, nag working student, sinuportahan ang sarili sa college at nakapagtapos. Hanggang sa magkaroon ako ng trabaho.

And along living alone, I started noticing that my christmas has always been rainy since that tragedy. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lakas ng ulan at ang bigat na naramdaman ko noong paskong iyon, at siguro, pakikisama na rin ng panahon ay palagi nang umuulan tuwing pasko.

Seasons of RainbowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon