INAYOS ko yung pagkakahawak ko sa bag ko habang naglalakad sa hallway.
Nakita ko kasi yung nakatabi ko kanina, may kausap siya na mga lalake habang nakatingin sa kinaroroonan ko.
Umiwas ako ng tingin at binilisan ng konti yung paglalakad ko, nakahinga ako ng makita ko sina Nathalie.
Mula kasi kanina nakakaramdam ako ng kaba pag nakikita ko yung lalakeng iyon.
Reid Hunter iyon ang buong pangalan niya.
Bagay na bagay sa kaniya, kaso nakakatakot.
"Tara na." Anyaya ni Bailela.
"Kailangan ko na mauna." Saad ko.
Umiling naman si Nathalie. "No, sasabay ka samin."
Wala na ako nagawa dahil hinawakan ako ni Nathalie sa braso, sumabay na ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa parking lot.
"Let's go." Sabi ni Connor na kakarating lang at kasama nito si Reid at ang ibang mga kaibigan nila.
Nagtataka ka tumingin ako sa iba. "Hm." Iyon na lang ang nasabi ko.
"Boys this is Tennessee König." Pagpapakilala ni Nathalie.
"Related to Uncle Theodore König?" Tanong ni Christopher.
Tumango ako. "He's my father."
Kunot noo na tinignan niya ako. "Bakit ngayon ka lang namin nakita? Do you adupt by him?"
Natawa ako at umiling. "No. I'm his real daughter, actually lumaki ako sa Germany."
"Oh but why?" Singit na tanong ni Bryson.
"It's dad policy." Saad ko.
Tumango tango sila, last month lang kasi ako umuwi galing Berlin, Germany. Pinauwi na ako dahil gusto daw nila ako makasama dahil hindi ako umuuwi dito sa Pilipinas. 3rd year na ako ngayon, at ngayon lang din nila naisipan na pauwiin ako dito.
Nasimple na tumingin ako kay Reid na nakatingin pala sa akin, umiwas ako ng tingin.
**
"Der Vati, I'm home!" Daddy, Sigaw na saad ko."Tochter, come here and join us." Daughter, Sabi ni Papa.
Nilapitan ko sila at hinalikan si Papa at Mama sa pisngi, umupo ako sa tabi ni Mama.
"What is this?" Tanong ko sabay turo sa may kulay brown na pahaba at may sugar.
"Hindi ba sinabi ko na pag nandito ka sa pilipinas or dito sa bahay tagalog ang gamit." Giit ni Mama.
"Sorry die Mutter." Mama.
"Turon ang tawag don sa tanong mo." Dagdag na sabi ni Mama at binigyan niya ako sa plato.
"Ang sarap!" Masaya na sabi ko ng matikman ko yung turon.
Ngumiti si Mama. "Mabuti naman nagustuhan mo, kain pa kayo.
"Der Vati, p–pwede ba ako alis maya?" Tanong ko.
"Where–" natigilan si Papa ng makita si Mama na masama ang tingin sa kaniya.
Tumikhim si Papa. "S–saan ka pupunta?"
"Sa empire club." Sagot ko.
"Okay, huwag magpakalasing masyado. Know to protect yourself." Mukhang hindi na nakayanan ni Papa na hindi magenglish.
"Gusto mo huwag matulog katabi ako?" Tanong pero may diin na tanong ni Mama.
"Die Schöne, h–huwag naman ganyan." Takot na sabi ni Papa.
Natatawa na nagpaalam ako sa kanila para magpahinga muna, takot pa din pala si Papa.
BINABASA MO ANG
Surrender ✔
General FictionEmpire Club 3: Reid Hunter SPG | R-18 Started: January 07, 2020 Ended: March 28, 2020 Source of Photo: Pinterest