"MOMMY!" Umiiyak na sigaw ni Bellamy.
Nagkatinginan kami ni Reid at mabilis na bumaba, nilapitan ko ang anak ko.
"What happened?" Nag-aalala na tanong ko sa anak ko.
"Ayaw ko na po mag-aral." Umiiyak na sabi niya.
Binuhat ko siya at pinaupo sa sofa, nakaupo kasi ito sa sahig kanina.
"Bakit naman anak? May nang-away ba sayo?"
Umiiyak na umiling siya. "Basta po ayaw ko na po mag-aral.
"Anak hindi pwedeng ganon, sabihin mo kay mommy."
Dumating si Reid na may dalang baso ng tubig at ibinigay sa anak namin. Uminom muna si Bellamy at yumakap sakin.
"Mommy, palagi na lang nila sinasabi na sobrang taba ko daw. Mommy, gusto ko na po pumayat."
Sa edad kasi na 10 years old, ganito ang palaging nangyayari tuwing uuwi ang anak namin galing school.
Huminga ako ng malalim. "Okay anak, tutulungan ka ni mommy paano pumayat okay?"
Tumango siya, tinignan ko si Reid. Nababakas ang galit sa mata niya kahit hindi niya pinapahalata sa kilos.
"Reid."
Tumingin siya sa akin. "This is too much, Princess." Giit nito.
Umupo ito sa tabi ko, hinawakan ko siya sa kamay. "Huminahon ka."
"Paano ako hihinahon kung palagi ganito ang nangyayari sa anak natin?" Mahinang tanong niya pero nababakas na ang galit sa boses niya.
"Tulungan na lang natin si Bellamy, or we should take her home school pero pag highschool na siya doon sa school ulit."
Tumango siya. "You're right. Thank you, princess."
"You're welcome, Sir. I love you."
"I love you too, Princess." Hinalikan niya ako sa labi at hinalikan niya sa noo si Bellamy.
THE END
BINABASA MO ANG
Surrender ✔
General FictionEmpire Club 3: Reid Hunter SPG | R-18 Started: January 07, 2020 Ended: March 28, 2020 Source of Photo: Pinterest