CHAPTER 7

18K 355 6
                                    

NAKASUNOD pa din ako sa kaniya. "Reid, please stop." Pakiusap ko pero hindi siya tumigil sa paglalakad.

Hanggang makapunta kami sa parking lot ng university. Nang makarating kami sa tapat ng kotse niya ay binuksan niya yung pintuan.

"Get in." Utos nito.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay, hinintay ko siya makasakay. Humarap ako sa kaniya, sinubukan ko na haplospin ang pisngi niya pero umiwas siya.

Para akong nasaktan dahil sa ginawa niya. Masama ang loob ko na umayos ng upo at tumingin lang sa labas ng bintana.

Namalayan ko na lang na nagdadrive na siya, nakarating kami sa bahay niya. Lumabas ako na hindi siya hinihintay.

Tahimik lang ako kahit nakikita ko siya na nakatitig sa akin, tinalikuran niya ako at pumasok siya sa loob ng bahay niya sumunod naman ako.

"Reid..."

Humarap siya sa akin. "Please try to listen." Pakiusap ko.

Ayoko kasi na may nagagalit sa akin, kahit wala naman ako ginagawang masama.

Humarap siya sa akin pero nababakas sa mga mata niya na walang emosyon.

"Explain to me." Giit nito.

Huminga ako ng malalim at nilapitan siya, tinignan ko siya sa mga mata niya. "Isaac Alvarez is my friend, di ko siya boyfriend. May iniibig siya, nag-aaral siya sa doon."

Nakita ko kung paano lumambot ang expression niya. "Really?"

Tumango ako. "Yes, so please don't be mad."

Tumango siya at niyakap ako. Napangiti ako at yumakap pabalik.

"Akala ko may boyfriend ka, may pinag-usapan tayo." Mahinang saad niya.

Umiling ako kahit nakayakap siya sa akin, humiwalay siya sa pagkakayakap.

Nanlaki ang mga mata ko ng buhatin niya ako. "Ano gagawin mo?" Nagtataka na tanong ko kahit gulat pa din.

Hindi niya ako sinagot kaya napanguso ako, nakarating kami sa kwarto niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

So gwapo like other guys.

"What?" Tanong niya.

"Why you're so gwapo?"

Natigilan ako sa tanong ko at napayuko na lang. "Don't answer." Nahihiya na sabi ko.

Naramdaman ko na lang na lumapat na ang katawan ko sa kama. "Because it's my genes."

Hindi na lang ako nagsalita, tinignan ko pa din siya, tinabihan niya ako at niyakap sa bewang. "Magpahinga ka na muna dahil papagurin kita pagkagising mo."

"Reid!" Gulat na saad ko.

Tumawa siya. "Seryoso ako, kaya magpahinga ka na."

"Magmula ngayon, tagalog na gagamitin mo."

Ngumuso ako. "You also using english."

Tumawa siya ulit. "Okay, I'm sorry, we're using filipino language. Clear?"

Tumango ako at yumakap din sa kaniya.

"Kaya magpahinga ka na, papagurin kita mamaya." Sabi nito.

Namumula na umiwas ako ng tingin sa kaniya kahit nakayakap pa din ako.

Surrender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon