CHAPTER 16

16.1K 289 2
                                    

NIYAKAP niya ako ng makita niya ako umiiyak.

"Shh, don't cry." Sabi nito at hinaplos ang likod ko.

"Akala ko hindi ka na magpapakita e."

Pinatingala niya ako. "Pwede ba 'yon?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ako sumagot basta niyakap ko na lang siya.

"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo muna magpakasal sakin."

Natahimik ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Sorry..." Paumanhin ko.

"It's okay." Sabi nito.

Hindi na ulit ako nagsalita. "Let's go, kailangan mo na pumasok sa loob ng bahay niyo." Anyaya nito.

****
"SLEEPY HEAD, wake up."

Napaungol ako bigla. "Later." Inaantok na sabi ko.

"Princess, wake up or do you want me to carry you?"

"Carry me." Inaantok pa din na sabi ko.

Napamulat na lang ako ng maramdaman ko na lumutang ako bigla.

"Reid..."

"You said I will carry you." Nakangiting sabi niya.

Napangiti din ako. "I will marry you."

Napatigil ito sa paglalakad at bakas ang gulat sa mukha niya.

"H–huh?"

"I will marry you." Ulit na saad ko.

"I–i thought you're not ready?"

"Pinagisipan ko mabuti, i don't want my child to have a incomplete family."

Dahan-dahan niya ako ibinaba, hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Thank you, princess."

Ngumiti ako sa kaniya, kinuha nito ang isang kamay ko at ipinasuot yung singsing sa daliri ko.

"It fits perfectly." Nakangiting sabi ko at nakatingin sa kamay ko.

Hinalikan nito ang kamay ko at tinitigan ako sa mata. "I love you, Princess."

"I love you too, Sir."

Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi, tumugon naman ito.

Ilan segundo tumagal bago ako humiwalay sa kaniya at niyakap siya.

Surrender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon