CHAPTER 10

16.9K 326 2
                                    

NAKATINGIN ako kay Reid mula sa malayo, may kasama siyang babae.

Nakangiti pa siya nang pagbuksan niya ng pintuan yung babae.

Napakagat labi ako ng maramdaman ko na maiiyak ako.

"Don't cry, Tennessee." Sabi ko sa sarili ko.

"Nessee."

Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Isaac.

Pinunasan ko yung luha ko. "W–why?"

"Stop crying." Sabi nito.

Ngumiti lang ako ng pilit at yumakap sa kaniya. "I can't stop." Naiiyak na saad ko.

Naramdaman ko na lang na hinahaplos niya ang likod ko. "You're strong, stop crying."

Tumango lang ako at sumiksik sa dibdib niya.

"Let's go." Anyaya niya.

Umalis ako sa pagkakasiksik sa dibdib niya, at tinignan niya.

Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. "Today is your brother's come back."

Gulat na tinignan ko siya. "As in n–now?"

Tumango siya. "Yes."

Inayos ko yung sarili ko. "Let's go."

Naglakad kami papuntang parking lot ng university at sumakay sa kotse niya.

Tahimik lang kami sa buong biyahe. "Ikakasal na siya." Biglang saad ko.

"Paano ka?"

Napayuko ako. "Hindi ko alam."

3 weeks na kasi mula ng malaman ko na ikakasal na siya, 3 weeks ko na din siya iniiwasan.

Hindi niya din ako ginugulo.

"Nandito lang kami."

"Thank you, Isaac. How's your girl?"

"Stubborn as always." Naiiling na sabi niya.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Waiting for her? E di ba magdodoctor ka?"

"Yes, gusto din niya magdoctor or nurse. Gusto daw niya kung saan ako, doon siya."

"You let her?"

Tumango siya. "I don't have no choice, gusto niya kasama daw ako."

Ngumiti ako. "Good for you, Isaac."

Napailing siya sa sinabi ko. "Sakit sa ulo."

Natawa ako lalo dahil sa sinabi niya. "Habaan mo ang pasensiya mo, imagine 13 years ang agwat niyo pareho."

"That bad?"

Umiling ako. "It's not like that, hindi pa matured for me your girl."

"I know."

Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa airport.

1 hour ang hinintay namin ng makita ko na papalapit si Keiron.

Mabilis na tumakbo ako at yumakap sa kaniya. "Tennessee."

"Keiron!" Masaya na tawag ko sa pangalan niya.

Hinaplos niya ang likod ko. "How are you?"

"I'm fine, I guess."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya, nakita ko kung paano siya sumeryoso. "You're not sure."

Ngumiti ako ng pilit. "I'm sure, Keiron."

"Tsk."

Hinawakan niya ako sa braso at hinila papalapit kay Isaac. "Bro."

"Hey." Sabi ni Isaac at nakipagbro-hug kay Keiron.

Hinawakan ko ang maleta na dala ni Keiron at hinila papalabas ng airport.

"Tennessee, ako na."

Umiling ako. "Ako na, just rest Keiron."

Napailing na lang siya at umupo sa backseat ng kotse.

Umupo ako sa passenger seat, habang nasa biyahe ay nag-uusap lang ang dalawa.

Huminto kami sa harapan ng bahay, bumaba na ako. Hinintay ko na makababa si Keiron.

Papasok na sana kami sa bahay ng may biglang tumawag sa pangalan ko dahilan para matigilan kaming tatlo.

"Tennessee."

Surrender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon