Pagod na akong managinip ng kung ano-ano. Palagi nalang akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi ko batid kung ano ang nais na ipahiwatig sa akin.
Ang ingay ng pag-putok ng mga baril, ang salit-salit na pagpapalipad ng bomba sa paligid ko, at maging ang pagguhit ng mga dugo sa hangin ay nasasaksihan ng mga mata ko.
Hindi normal ang ganitong pangyayari sa tuwing nai-idlip ako.
Sa bawat pag-pikit ng mga mata ko ay para akong dinadala sa kabilang mundo.
Ngunit wala akong makilala sa lahat ng nakakasalamuha ko sa panaginip ko.
Ang mga pangalan ay hindi pamilyar sa akin, ang mga lugar at mukha ay hindi ko kilala. Kung minsan ay dinadala ako nito sa iba't-ibang parte ng mundo.
Ngunit ang hindi ko malilimutang sandali ng bawat pagdalaw ko sa panaginip ko ay ang lalaking tumatak sa puso at isip ko.
Ang lalaking naging rason kung bakit minsan ay ayaw ko nalang magising.
Anong meron? anong dapat kong malaman?
Anong sikreto ang meron sa nakaraan ko?
RICCA ZEITHANNY CARVAÑES nga lang ba ang pangalan ko?
Oh minsan na akong nabuhay sa ibang pagkatao?
----
abangan...
BINABASA MO ANG
132 YEARS OF REINCARNATION (on going)
RandomPagod na akong managinip ng kung ano-ano. Palagi nalang akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi ko batid kung ano ang nais na ipahiwatig sa akin. Hindi normal ang ganitong pangyayari sa tuwing nai-idlip ako. Sa bawat pag-pikit ng mga mata...