CHAPTER 2

2.3K 120 18
                                    

Alas sais na ng gabi, mag-isa akong naglalakad sa ilalim ng buwan habang yakap ako ng malamig na simoy ng hangin, char.

"Ricca..."

Bigla akong natigil sa paglalakad ng may kung sino ang humawak sa braso ko, agad kong binawi ang braso ko sa gulat, tsaka ko nalamang si Razi pala iyon.

"Let's talk..." aniya tsaka muling hinawakan ang kamay ko, "Please?"

Napa-irap ako tsaka muling nagbalik ng tingin sa kan'ya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" inis na tanong ko,

"Let's talk about us."

"Walang tayo."

Agad na akong tumalikod ngunit muli n'yang hinila ang kamay ko. Inis ko s'yang hinarap.

"Hanggang kailan mo ba ako paglalaruan!?" hindi ko maiwasang maluha, "Nanliligaw ka palang, pero nagawa mo na akong gagohin. Wag ka ng umasang may pag-asa ka pa sakin..." sambit ko tsaka tumalikod,

Mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi na n'ya ako mapigilan ulit. Ilang minuto palang ay nakarating na ako sa bahay. Nagpunta ako sa kwarto ni mama para silipin ang lagay n'ya, maayos naman s'yang natutulog kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.

Hinubad ko ang uniform ko hanggang sa ang sando at shorts nalang ang maiwan. Nakadapa kong ibinagsak ang katawan ko sa kama tsaka pumikit, ngunit kasabay ng pag-pikit ko ay ang pagtulo rin ng luha ko.

*PHONE RINGING*

Sinilip ko ag phone ko na nakapatong sa side table. Agad kong nireject ang tawag ng malaman kung sino ang caller.

Halos sampong taon na noong iwan  n'ya kami ni mama at ng bunso kong kapatid. Umalis s'ya ng wala akong kaunting naintindihan sa dahilan n'ya. Halos isang dekada akong naghanap ng atensyon n'ya, isang dekada akong walang ama tuwing father's day sa school. Isang dekada akong nabuhay ng walang ama.

*PHONE RINGING*

Muli ko iyong sinilip. Si papa ulit. Wala na akong nagawa kundi inis na sagotin nag tawag n'ya.

"Hello?" aniya sa kabilang linya,

"Anong kailangan mo?"

"Kamusta na ang mama mo?"

"Ano bang pakealam mo?"

Hindi ko maiwasang magalit, sa tuwing tumatawag s'ya sa akin ay iyan palagi ang tanong n'ya. Pero ni minsan ay hindi n'ya man lang binisita si Mama. Ni hindi n'ya nga mabilhan ng gamot. Aanhin ko ang tatay na hindi marunong magpaka tatay?

"Kakamustahin mo? tapos babalewalain mo nalang ulit? ano para lang maipakita mong nagpapaka-tatay at asawa ka sa amin ni mama?"

"Anak, I'm sorry, maiintindihan mo rin ako balang araw."

"Kailan ba 'yang araw na 'yan? bakit ang tagal?"

"Ricca, anak. Listen to me--"

"Sa ibang araw nalang tayo mag-usap." ika ko tsaka pinatay ang tawag,

Muli kong ibinagsak ang ulo sa higaan tsaka ipinikit ang mga mata ko. Matutulog na naman akong may kirot sa dibdib, parati nalang ganito. Sa tingin ko ay nabuhay lang ako para saluin lahat ng problema sa mundo.

Ilang minuto pa muna akong tumitig sa kawalan bago ako makaramdam ng antok, unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.

"Reign gising nand'yan na si Edward!" bigla akong napabalikwas ng bangon ng may yumugyog sa katawan ko,

Ng ilibot ko ang paningin sa kwarto ko ay iba na ang itsura nito. Hindi na tama ang pagkaka-ayos ng higaan at ibang-iba na ang itsura kumpara sa totoo kong kwarto. Nasaan ako?

132 YEARS OF REINCARNATION (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon