"So hindi ko na pasasamain ang loob ninyo kaya hahayaan ko kayong mamili ng kapares para sa latin dance natin." anunsyo ng adviser namin sa dance troupe.
"Hala Maaaam, ikaw nalaaaang!"
"Maam ayos lang, hindi kami aangal!"
"Maam ikaw nalang pleeeaseee?"
Hinaing ng mga kasamahan ko sa DT na kinulang sa tiki-tiki. Ano namang masama kung kami ang pipili ng partner namin? ang aarte. Pero wala nga rin namang masama kung si Maam ang pipili--- hayss bahala na.
"Sure kayo d'yan? ako na ang pipili?"
"Opo Maam!"
"Paghiwalayin mo yung magjowa Maam!"
"Partner kami ni Trazer Maam! hehehehe."
Kaliwat-kanang sigawan nila. Kung may hawak lang akong kung ano ay baka isinalpak ko na sa mga bibig nila. Lalo na't wala pa naman ako sa wisyo at humigit tatlompu kaming dancers na nandito sa gym.
"Sige, dito ang boys at dito ang girls, lahat ng tatawagin kong partners ay pumunta dito sa harapan." ani Maam na pinaghiwalay ang mga babae sa mga lalaki.
"Yes Maam!"
"Aye aye captain!"
Lahat kami ay pumwesto na. Maging ako ay nagpunta sa side ng mga babae. Wala talaga akong interes pagdating sa ganitong genre dahil hip-hop ang genre ko, bwiset naman oh.
"Sweety and Harold, kayo ang magpartner."
Agad namang naghiyawan ang dalawa, palibhasa ay bakla ang kapares ni Sweety at bestfriend pa sila, sana ay bakla rin ang ka-partner ko huhuhuhu.
"Vanessa and Kobi... sinadya ko talaga kayong ipartner dahil fan ako ng mag-asawang Bryant."
Kinikilig naman na nagpunta sa harap ang dalawa, palibhasa ay parehong gusto ang isa't-isa.
Nagpatuloy sa pagtawag si Maam sa mga pangalan hanggang sa apat nalang kaming matira. Dalawang lalaki at dalawang babae, si Trazer at isang bakla ang friend kong bakla ang natira sa lalaki, ako at yung mean girl naman na si Aimeryn ang sa babae.
"Next is Aimeryn and Jacob." anunsyo ni Maam na ikinalungkot ko dahil hindi kami partner ni Jacob, huhuhu!
"Maam? pwedeng kami nalang ni Trazer? mas makakasayaw ako ng maayos, hehe." request ni Aimeryn.
"Nakay Trazer ba ang mga paa mo?"
"W-Wala..."
"Pwes ay walang dahilan para hindi ka makasayaw ng maayos."
Bakas ang inis sa mukha ni Aimeryn. Bakas naman ang kunwari pang nasusukang itsura ni Jacob dahil sa partner n'ya na minsan n'ya nang nakaalitan. Paano ba naman kase, masyadong mean si Aimeryn, palibhasa ay mayaman at maganda, may sungay naman, Psh!
"Ricca and Trazer, kayo ang magpartner, kayo ang bibida sa storya." nakangiting sambit ni Maam.
Gusto kong pumikit sa inis at maglumpasay ngunit wala na akong magagawa. Dapat pala ay umangal ako nang hayaan naming si Maam ang mamili ng ipapartner. Ayaw kong magtaksil kay Lucas, parang awa n'yo na! ang gwapo ni Trazer!
Lumapit na kami sa mga partners namin. Wala sa sarili akong lumapit kay Trazer na ngayon ay nakaupo sa bench habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabila n'yang hita. Nakayuko s'ya at para bang anlalim ng iniisip.
"H-Hoy." tawag ko sa kan'ya, agad s'yang tumayo, "Mukhang pareho tayong wala sa mood, pano tayo makakasayaw ng maayos n'yan?"
"Mawawala rin 'to."
BINABASA MO ANG
132 YEARS OF REINCARNATION (on going)
RandomPagod na akong managinip ng kung ano-ano. Palagi nalang akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi ko batid kung ano ang nais na ipahiwatig sa akin. Hindi normal ang ganitong pangyayari sa tuwing nai-idlip ako. Sa bawat pag-pikit ng mga mata...