CHAPTER 9

918 55 3
                                    

Nakarating ako ng bahay nang hindi nagsasalita, pagod ang katawan at malayo ang lipad ng isip. Nagpunta ako sa sofa ng sala tsaka naupo at nasapo ang ulo. Ikakamatay ko yata ang mga nangyayari ngayong araw.

Napailing ako upang waglitin ang mga isipin sa utak ko. Napa buntong-hininga ako tsaka nag-inat ng katawan bago tumalon ng tatlong beses at naglakad paakyat ng hagdan. Binuksan ko ang kwarto ni Mama at ganoon nalang ang gulat ko nang hindi ko s'ya makita doon. Papatakbo kong binuksan ang iba pang mga kwarto, maging ang kwarto ko at guestroom ay hindi ko pinalampas, pati ang gaming room at study room ay pinasok ko. Where is she!?

"Ma!" sigaw ko pababa ng hagdan, umaasa ng sagot mula sa kan'ya, "Mama!" muli kong sigaw, namamasa na ang mga mata.

Papunta ako ng garden para doon s'ya hanapin nang makita kong papasok ang private nurse na nagbabantay sa kan'ya dito sa bahay. Halos takbuhin ko ang ilang metrong pagitan namin para lang makalapit sa kan'ya.

"Nasaan ang Mama ko?" tanong ko sa kan'ya, doon ko napansin ang dala n'yang damit.

"Isinugod po s'ya sa hospital kaninang hapon, nandito ako para kumuha ng damit."

Nanghina ako sa narinig. Napahilamos ako sa mukha tsaka parang tangang tumingin sa malayo at muling tumingin sa nurse.

"Saang hospital?" tanong ko.

Nang masabi n'ya ang pangalan ng hospital ay agad na akong tumakbo palabas at sumampa sa motor ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa nangyayari. Pakiramdam ko ay puro kamalasan ang nangyayari ngayong araw! bwiset!

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa hospital ngunit parang segundo lang ang ginugol ko dahil sa tulin ng pagpapatakbo ko. Halos tumalon ako para makababa sa motor at tsaka tinakbo ang daan papasok.

"Name po ng patient?" tanong nurse ng makalapit ako sa desk.

"Rosary Carvañes."

"Room 118, Maam."

Hindi na ako nagsayang ng oras nang marinig ko ang room number ni Mama. Agad na akong nagpunta roon. Nang mahanap ko ang room ay binuksan ko ang pinto. Ang inaasahan ko ay paga-alala ang unang ekspresyon na pipinta sa mukha ko pagkatapos buksan ang pinto. Ngunit nagkamali ako, galit ang una kong naramdaman at batid kong iyon din ang ipinapakita ng mukha ko. Para pa akong estatwang matalim ang tingin sa taong nakaupo sa tabi ng kama ni Mama kasama ang kabit n'ya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko matapos isara ang pinto.

"Binabantayan ko ang Mama mo, Ricca." aniya sa matigas na tono na para bang wala lang sa kan'ya ang galit ko. Tatay ko ba talaga 'to? di ko tanggap.

"Nandito na ako, ako ang magbabantay kay Mama." sambit ko habang nakay Mama ang mga mata ko, mahimbing ang tulog at may kung ano-anong hose ang nakakabit sa katawan, "Pwede ka ng umuwi kasama n'yang kirida mo."

"I deserve your respect dahil tatay mo ako, Ricca. Huwag mo akong babastosin." dinuro n'ya ako kaya nilingon ko s'ya, "Tinu-tustusan ko parin ang pangangailangan ninyo, ano pa bang ikinagagalit moo!?" parang nanlulumong tanong n'ya, hindi ko maiwasang ngumisi, "Huwag mo naman akong ganitohin, anak." nagsusumamong aniya.

"Noong inabanduna mo kami, nakiusap rin ba ako sayo na huwag mo kaming ganitohin?" hindi s'ya nakasagot sa tanong ko, "At sa tingin mo ay natustusan mo ang lahat ng pangangailangan namin!?" hindi ko maiwasang pangilidan ng luha.

"Ginagawa ko ang lahat para matustusan ang lahat ng pangangailangan ninyo, anak."

"Pwes, nagkakamali ka!" galit talagang sigaw ko, "Dahil isa ka sa mga kailangan namin!" itinuro ko s'ya, "At iyon ang pangangailangan na kahit kailan ay hindi mo kayang tustusan!" doon ako naluha, "Umalis ka na."

132 YEARS OF REINCARNATION (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon