-----------------------------------------------
belated happy birthday to 'pause_play_rewind', pacanton ka naman.
----------------------------------------------"Tayo na at nang makapagluto na kami bago sumapit ang dilim." anyaya ni Auntie Lourdes, tumango ako,
"Ano pong sasakyan natin pauwi?" umaasang tanong ko,
"Iyon parin ang sinakyan ko at SINAKYAN MO kanina." nakangiti s'ya, parang nanunukso,
"S-Sige po..."
Naghintay muna kami sa estanteng nasa gilid ng daan. Panay ang paglingon ko sa magkabilang dulo ng daan. Maya-maya pa ay dumating na ang kabayo na lulan ang isang lalaki, napangiti ako. Ngunit agad ring nangunot ang noo nang mapansin kong iba na ang lalaking nagpapatakbo niyon. May katandaan na ito, hindi kagaya nang kaninang nag-angkas sa akin. S'ya ang gusto kong sakyan! ay bad...
"Officer Cargio, bakit ikaw na ang sakay ng kabayong iyan, nasaan ang kaninang lulan n'yan---"
"Ha ha ha!" naputol ang sinasabi ni Auntie ng biglang tumawa ang matandang lalaki, "Ako ang susundo sa anak ng Heneral dahil ang lalaking nagdala sa kabayong ito doon ay agad na nawala." dagdag n'ya,
Tumango si Auntie sa akin hudyat para sumakay na ako sa kabayo. Hindi na si 'I-don't-know' boy ang nagmamaneho kaya sa likod ako ng kabayo sumakay. Kung sa harapan ako aangkas ay baka isipin nilang may sugar daddy ako.
Nagsimula ng patakbohin ang kabayo. Ngayon ay mabilis ang takbo ngunit hindi gaya kanina, hindi ako sumisigaw sa takot. Para akong nadismaya dahil hindi s'ya ang sumundo sa akin. Bagaman hindi ko kilala kung sino s'ya, para akong naawa dahil sa sinabi ni Auntie. Kaaano-ano ko ba 'yon at hindi kami palaging nagkikita? marami dawng hadlang sa amin? pinsan ko ba 'yon? kapatid? kamag-anak?
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Bumaba ako sa kabayo at tinulongan si Auntie na magbuhat sa mga bayong na dala n'ya.
"Dapat kang humingi ng tawad kay Lucas dahil sa inasal mo sa kan'ya kanina." biglang bulong ni Auntie, para akong napako sa kinatatayuan, si Lucas ang matandang 'yon?
Para akong robot na naghatid ng mga gulay at karne sa lamesa tsaka umakyat sa kwarto. Nadatnan kong nagaaral ng ingles si Karstin ngunit wala ako sa sarili kaya umupo ako sa kama at nasapo ang noo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Karstin na ngayon ay nasa tabi ko, "Balita ko ay si Lucas daw ang naghatid sayo sa palengke! hindi ako makapaniwalang nagawa n'ya iyon lalo pa't walang pwedeng maka-kilala sa kan'ya dito!" namamangha n'yang sambit, bigla ay para akong nabunotan ng tinik.
Ang tuwang nararamdaman ko ay may halong hiya dahil sa inasal ko sa kan'ya kanina. At may halong ginahawa dahil akala ko ay ang matandang iyon si Lucas.
"Magkwento ka naman, what happened?" agad kong nilingon si Karstin ng marinig ko s'yang magsalita ng ingles,
"Mukhang mabilis kang matuto, ayos 'yan." papuri ko, ngumiti s'ya ng matamis na animo'y kinikilig,
"Yes, I am." aniya na mas ikinamangha ko, napangiti ako tsaka muling bumalik sa isipin na kanina pa ako binabagabag,
"Nasungitan ko kanina si Lucas..." hinihilot ko ang sentido, "Eh hindi ko naman kase alam na s'ya pala 'yon." depensa ko, "Malay ko ba kase... Eh ngayon ko palang naman s'ya nakita, at naka takip pa ang mukha n'ya." napahiga ako sa kama,
"Alam mo... Hindi naman marunong magalit si Lucas, lalo na't ikaw ang nakagawa ng kasalanan."
"Kahit pa, Karstin. Nakakahiya..." nagpaguling-gulong ako sa kahihiyan, nakakainis!
![](https://img.wattpad.com/cover/211459532-288-k584489.jpg)
BINABASA MO ANG
132 YEARS OF REINCARNATION (on going)
RandomPagod na akong managinip ng kung ano-ano. Palagi nalang akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi ko batid kung ano ang nais na ipahiwatig sa akin. Hindi normal ang ganitong pangyayari sa tuwing nai-idlip ako. Sa bawat pag-pikit ng mga mata...