"Ricca, Anak?"
Agad kong nilingon si Mama.
"Anong Reign? sino si Reign?" tanong n'ya, agad akong napanganga sa gulat.
"Ay sorry, I'm Riccaㅡ Ricca hehe." sambit ko tsaka tumango.
"Ah.. Ricca." malamig na sambit nito tsaka ngumiti, "How are you, Maam?" baling nito kay Mama.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, ang gwapo. Pero alam kong mas gwapo parin si Lucas kesa sa lalaking 'to. Napapatango nalang ako habang sinisipat ang kabuoan n'ya.
Tsaka ko naalala si Lucas. Doon na naman ako napa-padyak. Hindi ko maalis ang inis dahil hindi ko na naman sya nakita. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sadyang tutol ang tadhana. Napapikit ako sa sobrang inis saka naupo sa sofa.
Hanggang sa makalabas ang doctor ay nanatili akong nakatingin sa kanya. Saka ako nagbaling ng tingin kay Mama. Nagtataka na syang nakatingin sa akin, napapahiya naman akong nag-iwas ng tingin saka napakamot sa ulo ko.
"M-Mama, ayos ka na ba?" tanong ko, tumango si Mama saka ngumiti.
"Mukhang inaantok ka pa ahㅡ"
"Opo!" agad kong sagot na ikinagulat ni Mama, "A-Ah opo... inaantok pa ako."
"Sige, matulog ka nalang ulit."
"Ayos na po ba kayo?"
"Oo ayos na, sige na mukhang puyat ka."
Nginitian ko si Mama saka ako nahiga ulit sa sofa. Pinilit kong maramdaman ang antok. Habang nakapikit ay ramdam ko na ang kaba dahil nasisiguro kong makikita ko na si Lucas. Kung hindi man ay siguradong makakaramdam ako ng lungkot. Matagal na akong naghihintay na makita si Lucas, nais kong makita sya ngayon.
"Reign, bumalik ka na pakiusap." nagsusumamong boses ni Karstin.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay nakita ko sya sa harap ko. Mukhang hinihintay nya akong bumalik sa mundong ito. Umingay na ulit ang paligid, agad akong napangiti.
"Karstin!" yumakap ako sa kanya saka ako lumingon sa paligid.
"Reign! Reign! ikaw na nga!" niyakap nya rin ako, "Habolin mo si Lucas, bilis!" aniya na itinutulak pa ako, agad akong nataranta.
"S-Saan sya pumunta!?"
"Umalis!"
Hindi na ako naghintay pa ng matagal, agad akong tumakbo patungo sa itinurong direksyon ni Karstin. Napakaraming tao kaya hindi agad ako makasingit at makadaan. Nang mapagod sa pagtakbo ay agad akong napayuko sa sobrang hingal ko. Napahawak pa ako sa pader saka ininda ang sakit ng mga paa ko bago tumingin muli sa daan ngunit agad akong natigilan at napangiti nang makita ko ang isang lalaki na ngayon ay nakatalikod sa akin at marahang naglalakad.
"Lucas!" sugaw ko rito.
Maraham itong lumingon, ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay agad akong natisod sa bato. Nakadapa ako sa lupa at saka napapikit sa hapdi ng tuhod ko. Ipinagtaka ko pa nang maramdaman ang hapdi ng iba pang parte ng katawan ko. Nangunot ang noo ko saka marahan sanang tatayo ngunit muli lang akong bumagsak sa sahig nang tapakan ako sa likod ng isang babae na ngayon ay binubulyawam na ako.
"Wala kang kwenta! lumayas ka!" sigaw nito.
"P-Po?" hindi ako makapaniwala.
Iba na ang lugar, iba na rin ang buong paligid. Hindi kaagad ako nakatayo. Sobrang sakit ng katawan ko. Ang sumunod na nangyari ay itinayo ako ng isang babae saka pinagpagan ang suot ko, saka ko lang napagtanto na nakadapa pala ako kanina sa natapong ulam sa sahig.
"Ayan! lumayas ka!" inihagis ng babae ang isang bag ng damit sakin.
"Tara na, Lucent." anyaya ng babae na naka akay sa kanya.
Lucent? sinong Lucent?
Napapikit ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit iba na ang lugar na ito. Kung bakit wala si Karstin, wala si Auntie Lourdes at ang ama kong heneral. Gusto kong maiyak habang inaakay ako palabas ng babae saka kami tuloyang nakalabas ng bahay na nasa tapat lamang ng kalsada.
"Lucent?" iniharap ako ng babae sa kanya, "Mag-iingat ka, ha?" habilin nito saka tuloyang pumasok sa loob ng bahay.
Wala na akong nagawa kundi maglakad palayo mag-isa. Puno parin ako nang pagtataka, sa nakikita ko ay wala na ako sa Germany, ang lahat ng nakikita ko ngayon ay mga Amerikano. Nasa Amerika ako.
Kagat ko ang sariling labi habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Saka ako nakarinig ng busina. Nilingon ko ang aking likuran saka ko nakita ang isang sasakyan, lulan ang isang lalaki habang nakangiti sa akin.
"Nais mo bang sumakay?" tanong nya.
"Saan po kayo pupunta?" taka kong tanong.
"Sa daungan, isa ako sa mga trabahador ng ikalawang bersyon ng Titanic." balita nito.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Fan ako ng movie na Titanic! fan ako nila Jack at Rose! ngunit lumubog ang Titanic kaya alam kong wala akong Jack at Rose na maaabutan.
Ngumuso ako ngunit masayang tumango sa lalaki. Agad akong sumakay sa sasakyan nya. Saka ko tinanaw ang bawat madadaanan namin. Napakaganda nga talaga ng tanawin sa Amerika. Hindi pa ganoon karami ang sasakyan sa panahong ito kaya maaliwalas pa ang lahat. Napakaganda nga talaga ng mundo sa ganitong panahon.
Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang barko! napakalaki non at talagang napakaganda. Kagayang-kagaya ito ng Titanic ngunit may kaunting pagkakaiba. Nagpasalamat ako sa lalaking nagpasabay sa akin saka ako bumaba. Tumayo ako sa harap ng mga establishments na nakatayo sa gilid, may mga bar, kainan at ibat-ibang chains doon. Nilingon ko nalang ang Titanic na halos hindi na matingala sa sobrang laki. Ang ganda siguro sa pakiramdam kung makakasakay ako doon. Ngunit alam kong hindi, wala akong pera.
"Nais mong sumakay?"
Nilingon ko ang sino mang nagsalita na iyon sa gilid ko. Isa iyong napakagandang babae. Maganda ang kulot nitong buhok at maging ang suot na damit. May dala rin itong bagahe at may hawak na dalawang ticket. Nakangiti kong sinagot ang tanong nya. Sinabi ko rin ang pagpapalayas sa akin ng babae kanina na tinawag ko na lamang bilang tiyahin ko. Saka ako muling tumingala sa barko.
"Tara." nagulat ako nang hilain nya ako.
Lakad takbo kaming nagpunta sa entrada ng barko. Sa itaas non ay nakasulat ang karatulang 'TITANIC II'. Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko namiawasang ngumiti hanggang sa makarating kami sa mismong bungad kung nasaan ang bantay.
"M-Miss Rose Dewitt Bukater." yumuko ito sa amin.
Gulat akong napatingin sa babaeng kasama ko. Kung tama ang pagkakadinig ko ay sya si Rose! sya si Rose! hindi ko maipaliwanag ang dapat maramdaman. Ang sumunod na nangyari ay hila hila na nya ako habang naglalakad kami papunta sa pinaka itaas ng barko. Sobra akong nabigla sa narinig. Sya si Rose ng Titanic...
______________
Sa mga hindi pa nakakabasa, na publish ko na ang story nang Titanic II. Basahin nyo nalang dahil totoong nandoon si Lucent.
![](https://img.wattpad.com/cover/211459532-288-k584489.jpg)
BINABASA MO ANG
132 YEARS OF REINCARNATION (on going)
SonstigesPagod na akong managinip ng kung ano-ano. Palagi nalang akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi ko batid kung ano ang nais na ipahiwatig sa akin. Hindi normal ang ganitong pangyayari sa tuwing nai-idlip ako. Sa bawat pag-pikit ng mga mata...