CHAPTER 1: My 1st dream.

3.5K 181 40
                                    

THE WHOLE STORY IS RICCA'S POINT OF VIEW.
______________________________

"Hoy Riccantot!"

Napabalikwas ako mula sa pagkaka-upo ng may manggulat sa akin mula sa likuran. Agad ko iyong nilingon.

"Nakatulala ka na namang gaga ka." aniya pa,

Napangisi nalang ako, parati naman akong tulala kapag oras ng pagre-review.

"Pake mo."

"Hindi ka na naman nagre-review?"

"Review? ano yung review?"

Napangiwi nalang s'ya sa tanong ko. Hindi naman talaga ako mahilig mag-review. Napipilitan lang akong mag scan ng notes minsan kapag kailangan ko na talagang kumuha ng malaking score.

"Mangongopya ka na naman?" tanong n'ya, agad naman akong napangisi,

"Pakopya ah?" nakangiting pakiusap ko,

"As always, kaloka ka."

Niyakap ko s'ya sa sobrang tuwa tsaka muling tumingin sa kawalan.

S'ya si Jane. Kung iisipin ay sobrang cheap ng palayaw n'ya. Kadalasang sinasabi ng mga nakakarinig sa palayaw n'ya ay galing daw s'ya sa mayamang pamilya pero Jane lang ang pinangalan.

S'ya  si Norhuaina Janery Velasco , pero wag na nating pag-usapan, ako yung bida kaya dapat ako yung topic.

"Kamusta nga pala ang mama mo?" biglang tanong n'ya, napakadaldal talaga.

"Ayon, mama ko parin naman." tugon ko tsaka nagbukas ng notebook,

"Magrereview ka?" kunwari pang nagugulat na tanong n'ya, "Himala ah?"

"Iche-check ko yung listahan ng gamot ni mama, bibilhin ko kase mamaya." tugon ko,

"Ahhh nasaan si tita ngayon?"

"Nasa bahay, kalalabas n'ya lang sa hospital noong isang linggo."

"Ganoon ba, sige sa susunod ay dadalaw ako sa inyo."

"Sige, magdala ka ng grocery para matuwa naman ako sayo."

Natawa nalang s'ya tsaka muling tiningnan ang librong hawak n'ya. Ako naman ay muling tumulala matapos basahin ang listahan ng gamot ni mama.

May Stomach Polyps si mama, kung di n'yo alam 'yon paki search nalang, bobo ako eh. Pupwedeng maging cancer ang pasakit-sakit ng tiyan n'ya kapag hindi naagapan kaya hangga't maaga ay ginagawan namin ng paraan.

Ilang minuto pa ay dumating na ang professor namin sa History. Umayos na ako ng pagkaka-upo at halos matae sa kaba dahil hindi na naman ako nag-review.

"Ang bagsak sa subject ko ay automatic suspended for 1 week." biglang sambit nito tsaka ipinamigay ang test paper, todas na ko nito.

Nang makarating sa amin ang mga papel ay tiningnan ko iyon mula harap at likod tsaka nagsimulang pigain ang utak ko.

1. In the year 1894, Germany declared about colonizing _______?

a. Amerika
b. Philippines
c. Rwanda
d. Nigeria
e. Pakistan

2. He is the chief of Rwanda's soldiers.

a. Lucario Muglas
b. Lucasion Beritozi
c. Lucas Meyer
d. Lucas Kagali
e. Lucarso Detinuli

3. She's also known as 'the bravest woman alive of her  decade' and became the commander of German military.

a. Reign Asscher
b. Reign Carsburg
c. Cashannea Maxine Jong
d. Cashannea Carsburg
e. Reign Chant

Nanliit ang mga mata ko dahil sa mga tanong. Parang may kung anong hangin ang umihip sa paligid ko dahilan para tumayo ang balahibo ko, sa walang ano-ano'y agad kong sinagotan ang papel. Malakas ang tibok ng puso ko, malakas ang pakiramdam ko, parang binigyan ako ng sagot ng hangin na dumampi sa katawan ko.

1. A
2. E
3. C

Makuha kayo sa kutob. Sigurado akong tama 'yan hehe.

*BELL*

"Anong kakainin mo?" tanong ni Jane,

"Pagkain, malamang."

"Isang pamimilosopo mo pa, iuuntog kita."

Natawa nalang kaming pareho tsaka pumasok ng canteen. Ngunit ang isang pamilyar na tindig ang naging dahilan kung bakit natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ipoproseso ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

"R-Ricca, kain nalang tayo sa labas--"

"Hindi, dito tayo kumain."

Batidkong iniiwasan n'yang mas lalo akong masaktan dahil sa kagagohan ni Razi. Si Razi ang lalaking dalawang taon nang nanliligaw sa akin. Balak ko na sana s'yang sagotin pagkatapos naming gumraduate ngunit tila nag-iba na ang isip ko.

"Gago talaga 'yang si Razi, sabi ko na nga pinaglalaruan ka lang n'yan eh!" gigil na ani Jane habang papaupo kami sa table namin,

I mean sa upoan ng table hindi sa mismong table, hehe.

"Hayaan mo na, mukha kase siguro akong barbie, kaya ako napaglalaruan." sinikap kong magbiro,

Ngunit tila hindi s'ya kumbinsido, nanatili s'yang nakasimangot. Maya-maya pa ay lumingon si Razi sa direksyon ko, kita ko kung paano s'ya nagulat na makita akong nakatingin rin sa kan'ya kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Umorder na tayo." anyaya ko kay Jane,

Agad na kaming umorder at tsaka mabilis na kumain bagaman nakaka-walang gana dahil halos tanaw ko lang kung paano magharutan si Razi at yung kasama n'yang babae. Pwede mo namang sabihin sa akin kung hindi na ako.

*BELL*

Nasa room na kami at heto na naman ako, nakatulala. Mas dumiin pa yata ang pagkakatulala ko dahil sa kawalang-hiyaan na nakita ko kanina. Sobrang sakit sa dibdib na makita mo mismo sa mga mata mo kung paano s'ya mawalan ng pakealam sayo bagaman pwede n'ya naman akong bitawan bago n'ya pa ako ginago.

Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. Ikalawang beses na 'to na nag-tangka akong umibig, ngunit bigo na naman. Palagi nalang ako ang talo, palaging taya.

Ayaw ko ng umibig ulit, at kung mabibigyan man ng pagkakataon ay sisiguraduhin kong iibig ako sa tamang tao.

Hinding-hindi ako mahuhulog sa taong alam kong imposibleng maging akin, isinusumpa ko 'yon.

---------

votes and comments are highly appreciated.

132 YEARS OF REINCARNATION (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon