Book's POV:Agad akong niyaya ni Frame nang mag message sa amin si Manager Gonza na mayroon daw na magaganap na bonfire ngayong gabi. Pagkalabas namin ay nakita kong nagsilabasan din ang iba.
"Tara na.." biglang yaya ni Kuya Tharn sa amin.
Tumango naman kami bilang tugo sa kaniya.
Nang makarating kami ay medyo marami ng tao. Nagsama sama na lang kaming nagsi pwesto sa isang gilid. Pansin kong enjoy na enjoy sila habang naghaharutan.
Lumipas ang mga oras na masaya kaming nagliliwaliw sa isla hanggang sa matapos ang mga sayaw at awit.
"Okay, Laro naman tayo!" masayamg pahayag ng may hawak na mic.
Naghiyawan naman ang mga taong nakapabilog.
"Our game is......dare to dare" natatawa pa nitomg sabi.
Dare to dare?
Naghiyawan na naman muli amg mga tao. Mukhang kami lang ang di nakakaalam sa larong yon. Dahil base sa tuwa nila ay alam na nila ito.
"Okay, Isulat niyo na ang mga pangalan niyo..." may mga nag abot naman samin ng kapirasong papel at ballpen. "...at kung ikaw ang mabubunot, ikaw mismo ang bubunot rito sa ating mahiwagang kahon ng iyon dare."
Nang matapos kong isulat ang pangalan ko ay ibinigay ko agad ito sa nag aasikaso.
Kinakabahan ako at the same time nae excite sa larong ito.
"Okay! Here I go...." hinalo halo pa ng MC ang mga kapirasong papel sa loob ng kahot bago ito dahan dahan itinaas ang kamay. "...and our lucky one is.......Jake!"
Biglang naghiyawan ang kabilang grupo ng mga kalalakihan. Sa tingin ko ay isa sa kanila ang nabunot.
"Come here, Jake. Bumunot ka na." pag aanyaya niya.
Bigla namang tumayo ang lalaking moreno. Mukhang nahihiya pa ito dahil tinatakpan niya ang mukha niya papunta sa MC.
Dahan dahan niyang ipinasok ang kamay sa kahoy at marahan na inikot ang kamay bago nito itinaas at ibinigay sa MC.
"Ang dare para sayo Jake ay....." dahan dahan nitong binuksan ang kapirasang papel. ".....ay kiss someone!"
Muling naghiyawan ang mga lalaki sa na mukhang mga kaibigan niya. Natuwa na din ako dahil sa mukha nung Jake na di na maipinta.Bigla itong lumapit sa MC at binulungan.
"Yes! Kahit sino.."
Tinanong niya ata kung sino ang hahalikan dahil base sa sagot ng MC. Umiling siya bago naglakad patungo sa mga kaibigan nito. Ngumisi ito bago itinulak ang lalaking nakahubad at marahan na hinalikan. Nagpupumiglas pa ang lalaki ngunit wala itong nagawa ng biglang hinawakn siya ng iba pa nilang kaibigan.
"Woah!! Okay next..."
Nag asaran naman ang mga kalalakihan na iyon dahil sa ginawa nung Jake.
"Our next is..." at muli itong bumunot. ".....is...Type!!"
Nagulat ako ng bigla nitong sabihin ang pangalan ni Kuya Type. Agad kaming napatingin sa gawi nila ni Kuya Tharn at bakas sa mukha nila amg gulat.
"Mukhang baguhan lang si Type. Come here, Type"
Nag aalinlangan man ay tumayo si Kuya Type at lumapit sa MC bago bumunot. Pansin kong huminga pa ito ng malalim ng ipasok niya amg kamay niya sa kahon.
"Ang iyong dare ay....." lahat kami ay tutok sa MC habang dahan dahan nitong ibinuklat ang nabunot ni Kuya Type."..ay....... Kiss someone in 5 minutes!"
Biglang naghiyawan ang paligid. May napansin pa kong mga babae na naglumpasay habang tinatawang ang pangalan ni Kuya Type.
Perl dahil loyal si Kuya Type ay agad itong tumingin sa direksiyon namin. Pero alam kong nakatingin siya kay Kuya Tharn. Sumilip ako sa kaniya at nakita kong nakangiti ito.
Dahan dahan naglakad si Kuya Type samin. Kami naman ay nagbigay ng daan para makalapit siya agad kay Kuya Tharn.
Habang naglalalad siya ay tumahimik ang paligid na parang lahat kami ay nakatutok sa gagawin niya.
Nang makarating siya kay Kuya ay dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang ulo ay hinalikan si Kuya Tharn sa labi nito.
Muling maghiyawan ang paligid dahil roon.
YOU ARE READING
Five in One (after married)
FantasyThis is just my collab story. I mean I'll going to create a story from my imagination.Hope you'll enjoy it!!!