Third Person POV:
"Are you all readyy??~" masayang sambit ng kanilang Manager.
Agad naman napatango naman ang lahat bilang pag-sasang ayon.
"Bus ang una nating sasakyan at Barko naman ang sunod. Kaya, Let's go!!"
Naunang sumakay ang kanilang manager na sinundan ng iba pang kasamahan nito.
Umupo sina Tharn at Type sa bandang kaliwang unahan at ang katapat nila ay sina Ming at Kit.
Sina Ae at Pete naman ay umupo sa bandang gitna at sa kabila ay si Manager Gonza.
Samantalang sina Book at Frame naman ang nasa likod nila Pete at sa kabilang bahagi ay sina Khai at Third.
Habang nabiyahr ang sinasakyan nilang Bus ay di maiwasan na di makatulog ang iba kasama na sina Manager Gonza, si Book na nakapatong ang ulo sa balikat ni Frame at ganun sina Ming at Kit.
Samantalang si Tharn ay nakaakbay kay Type, Sina Third at Khai naman ay parehong naka earphone at sina Ae at Pete ay nanonood sa cellphone.
Ilang oras ang binayahe nila ng marating ang barkong sasakyan para tuluyan ng makarating sa isla.
Wala pamg trenta minutos ay narating na nila ang isla.
Welcome to SCEERIE ISLAND
"Halina kayo at tumungo na tayo sa condo."
Hindi kalayuan ang condo na tinutukoy ni Manager Gonza.
Habang naglalakad sila'y hindi pinalagpas ng mga tao roon na pagmasdan at titigan ang mga aktor.
May mga nagtitilian, naghihiyawan at kumukuha ng mga litrato.
Hanggang sa makarating sila sa counter ay nakangiti ang mga magkakasintahan habang nakaakbay sa mga kapareha nito.
"Miss, Im Mr. Jerome Gonzales. The person who called to reserved 20 rooms for 1 month.."
Nagulat ang mga kasamahan lalong lalo na ang mga magkakasintahan dahil hindi nila akalain na isang buwan silang mananatili sa islang ito.
Ngumit naman ang babae kay Mr. Gonza at ginabayan sila nito.
"Here the keys, Sir.." nakangiting tugon ng babae.
Agad naman kinuha ni Managet Gonza ang mga susi at nagpaalam sa babae.
Nang makaalis nag babae ay humarap siya sa mga kasamahan niya.
"Manager Gonza, isang buwan po pala tayong mananatili rito?" agad na tanong ni Book.
"Yes, Book." ngiting tugon niya.
"Pero Mr. Gonza..."
Agad napalingon si Manager Gonza ng magsalita si Pete.
"Why?"
"How about our works? Baka po matambakan kami.." sambit nito.
"May makukuha rin naman kayo rito kaya no need to worry, okay?"
Walang nagawa ang mga magkakasintahan dahil tama nga naman si Manager Gonza at bukod don narito na sila sa isla.
"Oh sige na, magsipasok na muna kayo sa mga rooms niyo at magpahinga. Mamahang 12 ay lumabas kayo para kumain ng Lunch."
Nagsitanguan naman sila.
Agad na ibinigay ni Managet Gonza ang mga susi at saka nagpaalam sa isa't isa bago tuluyan pumasok sa kani-kanilang silid.
YOU ARE READING
Five in One (after married)
FantasyThis is just my collab story. I mean I'll going to create a story from my imagination.Hope you'll enjoy it!!!