Chapter 13 - Kiss?

46 4 0
                                    

Book's POV:

Kitang kita ko kung paano magbago ang itsura ni Kuya Type nung hinalikan ni Kuya Tharn si Kuya San. Sakit. Sakit ang nakita ko sa mata niya. Ngunit nilalabanan niya ito.

Matapos ng scene nila Kuya ay agad tumakbo papalapit si Kuya Tharn at hinagkan ng mahigpit si Kuya Type.

Nasasaktan ako sa tuwing may nakikitang ganitong scenerio ngunit kailangan kong labanan dahil ako na ang sasabak sa palabas. Palabas na mukhang ikasisira namin.

Nakaupo ako malapit sa dagat habang nakatanaw roon. Sa scenario namin ay ako ang hahalik. Kaya todo ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Ilang saglit pa ng maramdaman ko ang presensiya niya.

"Nag iisa ka yata.."

Napabaling ako kay Mixer na nakangiti na sa akin ngayon. Umiling ako at muling tumingin sa dagat.

"Nagpapahangin lang.."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya kaya naman muli akong napatingin sa gawi niya.

'Ngayon na'

Pinagmasdan ko siya. Gwapo naman siya may asawa na ko. Kaya bawal.

Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya naman napatingin na rin siya sa akin.

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang batok niya. Nagulat man ay wala rin siyang nagawa ng bigla ko na lamang siyan hinalikan sa labi nito.






Pete's POV:

Katulad kanina ay hinalikan ni Book si Mixer. Napatingin ako sa gawi ni Frame at agad itong napayuko ng magtagpo ang mga labi nila Book at Mixer.

Kahit wala ako sa sitwasyon niya. Alam kong masakit. Sobra.

Pumwesto na ko bago pa ako tawagin ni Manager.

Agad na tinawag ni Manager si Ae. Ramdam ko ang matinding kaba sa aking dibdib.

Napasulyap pa sa akin si Ae. Ngumiti naman ako rito para ipaahiwatig na okay lang.

Naupo si Ae habang naimon ng tea na ginawang alak. Habang nainom ay biglang sumulpot si Jelyn. Naupo rito ito sa tabi niya at di kalaunan ay nag usap sila.

Sakit. Matinding sakit ang nararamdaman ko na makitang masaya sa iba ang taong mahal ko.

Yumuko ako at umiling.

Trabaho lang. Ayos lang. Pete. Ayos.

Ngunit nag unahan na ang luha ko sa magkabilang mata mg muli akong tumingin sa gawi nila.

Naabutan kong hawak ni Jelyn sa batok si Ae at marahan itong hinalikan.


Five in One (after married)Where stories live. Discover now