Chapter 11

34 6 0
                                    


Third POV:

Nang makabalik kami sa room ay hindi ako tumigil sa paghingi ng sorry kay Khai. Hawak ko ang dalawa niyang kamay habang nakatingin ako sa mga mata niya.

"Im sorry..."

Katulad kanina ay napasinghap muli ito. Niyakap niya ko sa bewang ng marahan sabay titig sa aking mga mata.

"Sabi ko naman sayo na ayos lang diba. Don't worry.." seryosong sabi niya.

Tumugon na lang ako sa yakap niya. Isinandal ko ang akong ulo sa dibdib niya at doon naririnig ko ang pagtibok ng puso niya at ang paghinga.

-------------------------

Book's POV:

Hanggang sa makapasok kami ni Frame na amimg silid ay hindi niya kinalas ang pagyakap sa akin.

Naupo kami parehas sa kama habang nasa dibdib niya ang ulo ko samantalng marahan niya namang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Im sorry....for earlier.."

Nangilabot ang buo kong katawan nang maramadamn ko ang mainit na hininga niya sa aking tenga.

"It's okay. Don't worry."

Napangiti naman ako ng muli kong masilayan ang matamis na ngiti sa labi niya.

------------------------

Pete's POV:

Mula pa kanina sa cottage ay hindi ako tumigil sa paghingi ng sorry kay Ae dahil alam kong tagos sa puso ang mga nasabi ko sa kanya kahit na alam kong trabaho lang iyon. Kahit pang sabihin niyang okay lang 'yon ay hindi pa din maalis sa isipan ko kung paano maging malungkot ang dalawa niyang mga mata.

Hanggang sa pinabalik na kami ni Manager Gonza sa kanya kaniya naming silid ay hindi pa din ako tumigil sa paghingi ng tawad.

"Im sorry.....sorry na..sorry.."

Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at ibinulong ang mga salitang iyon sa tenga niya.

Agad sumilay ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang gulat na reaksiyon ng kaniyang katawan.

"I-It's okay....don't worry.." nautal niyang sabi.

---------------------

Kit's POV:

Hindi pa man kami tuluyan nakakapasok ng aming silid ay naramdaman ko na ang mahigpitna yakap ni Ming mula sa aking likod. Isiniksik niya pa ang kaniyang ulo sa leeg ko at naramdaman ko ang mainit na hininga niya roon.

"M-Ming...nakakakiliti..."

Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ay agad akong iginaya sa kama. Naupo siya samantalang isinenyas niya naman na maupo daw ako sa hita niya.

Napatitig lang ako sa kanya pero agad akong hinila ni Ming papalapit sa kaniya kaya tuluyan na akong napaupo sa kanyang hita.

Yumakap siya sa akin at iginaya sa dibdib ko ang ulo niya. Palihim naman akong napangiti. Pinaglaruan ko ang buhok niya ng magsalita siya.

"Sorry sa mga nasabi ko kanina..."

Ramdan ko ang lungkot sa boses niya kaya yumakap na din ako sa kanya.

"Ano ka ba...trabaho lang naman iyon..."

Mahigpit na yakap lamang ang ginawa niya na ikinangiti ko.

---------------------------

Type's POV

Pansin kong dumidistansiya sa akin si Tharn mula pa kanina sa cottage. Kinakausap ko siya roon pero natango lamang siya at walang lumalabas sa bibig niya.

Five in One (after married)Where stories live. Discover now