Chapter 15

75 3 0
                                    


Kit's POV:

Dahil sa ginawang paghalik ni Kuya Type kay Kuya Tharn ay naghiyawan ang mga taong nakapaligid samin.




"Woahh!!"


"Sana all!!"

"Moreeee!!!"



Iba't iba ang mga sinisigaw ng bawat isa. Napansin ko naman na napangiti si Manager Gonza habang nakatingin sa direksiyon nila Kuya Type.


Nang humiwalay si Kuya Type kay Kuya Tharn ay napansin ko na namula ang mukha ni Kuya Type oh baka dahil lang sa apoy. Nakangiti naman inaakbayan ni Kuya Tharn si Kuya Type.





"Okayy!!!! Move on na! Move on na! Bunot na ulit tayo!!" sigaw mg MC na nagpabalik sa amin ng tingin sa kaniya.




"And next is......Ae!!" napatingin ako sa gawi nila ni Kuya Pete ng tawagin ang pangalan ni Kuya Ae.



Nahihiya namang tumayo si Ae sa kinauupuan niya at lumapit sa MC at bumunot sabay bigay sa MC.



"Your dare is...." sabay buklat nito ng papel "....hug someone while giggle!!!"




"Woah!!!!!!"


Biglang naghiyawan ang mga tao ng isigaw iyon ng MC. Nahiya naman napakamot si Kuya Ae at napatingin sa gawi ni Kuya Pete kaya na napatingin ako sa kaniya at umiling ito.



Pero nang tignan kong muli si Kuya Ae ay naglalakad na siya papalapit kay Kuya. Walang sabi sabing niyakap niya si Kuya Pete at gumiling.



Nagtawanan ang iba samantalang naghiyawan naman ang iba habang nakatingin sa kanila.


Nang matapos amg ginawa ni Kuya Ae kay Kuya Pete ay nagpatuloy ang pagbunot ng MC. May mga sumayaw, kumanta at yun iba nag magic pa kahit hindi marunong.




"Alright!! People!! We're done!!!! I hope you enjoy this night!!" sigaw ng MC.


Naghiyawan ang iba habang nakataas ang mg kamay habang may hawak na mga baso na may alak.



Nang matapos amg masayang bonfire na iyon ay agad na kaming nagsi akyatan sa kaniya kaniya naming silid.


Nang makarating kami sa silid ay hinagkan agad ako ni Ming mula sa likod.



"Ansaya kanina diba..." mahinang bulong niya.


Napapagalaw naman ako dahil sa maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahang humarap sa kaniya at niyakap siya.





"I love you....."




"I love you too..."



At naramdaman ko na lang na ikinalas ni Ming ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. Napatitig siya sa akin at dahan dahan ibinaba ang mga mata niya sa labi ko. Tumingin muli siya sa aking mga mata bago dahan dahang inabot ng labi niya ang labi ko.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Five in One (after married)Where stories live. Discover now