Third's POV:
"Okay! CUT! Magpahinga muna tayo para sa next scene." sabay baba ko ng microphone.
Agad na silang nagsipuntahan sa cottage at nagsipahingahan samantalang ako ay nagpapaayos pa din ng mga gamit ko.
"Hi, Mr director"
Boses pa lang niyang alam kong siya na yan. Napangiti ako habang nagliligpit pa din at hindi siya nilingon. Napatawa naman ako sa aking isipan ng marinig ko siyang bumuntong hininga.
'hahahahahahaha'
"Third naman...." malambing na sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
Umakto naman ako na ngayon lang siya napansin.
"Oh, andiyan ka na pala Khai." inosente kong sabi.
Mas lalo akong napangiti ng bahagyang lumukot ang kaniyang mukha.
"Busy-ng busy ah!" nagtatampo niyang sabi.
"Hindi naman" pabiro kong sabi.
"Hindi daw..."
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga eh.."
"Tara, kain na muna tayo."
Agad ko siyang hinila papunta sa cottage. Habang naglalakad ay bigla niya na lang ipinalupot ang kanang kamay niya sa balikat ko. Sanay na ko diyan kapag naglalakad kami ay bigla bigla na lang yan ganyan minsan nga nababadtrip pa eh.
Nang makarating kami sa cottage ay agad kaming kumuha ng pagkain at sabay na kumain.
By the way, Im Third from the series 'Theory of Love'. Isa na kong director at samantalang si Khai naman ay kaagay ko sa paggawa ng mga movie, siya ang sound effects producer.
Nang matapos na kaming kumain ay agad kong dinampotang speaker ko.
"Okay, next scene na tayo!"
Agad naman silang nagsipuntahan sa kaniya kaniya nilang pwesto.
"Maya ulit ah.." nakangiting sabi ni Khai.
"Sige..."
Makalipas ang ilang oras ay natapos din namin ang huling scene ng movie namin. Agad ko silang binati at nag paalam na din para makauwi na't madilim na rin.
"Oy! Third! Tara na~"
"Wait! Saglit na lang toh!"
Agad kong pinasok yun laptop ko sa may bag at dali dali naglakad patungo kay Khai. Pero napatigil ako ng biglang mag ring ang phone ko.
Unknown calling.....
'Sino naman to'
"Hello?"
" Good evening Mr. Third"sambit ng nasa kabilamg linya at base sa pananalita niya ay isa siyang bababe.
"Sino po sila?"
"Im Jelyn, secretary of Manager Gonzales."
Si manager. Bakit? Anong meron?
"Ahhh ano pong maipaglilingkod ko sa inyo."
"Pinapatawag po kayo ni Manager Gonzales, mamayang 8pm daw po sa office niya."
"Kayo?"
"Opo, kayo po ni Mr. Khai."
Agad naman akong napatingin sa relo ko.
'6:30 na'
"Okay po..."
"Sino yun?"
Agad akong napalingon sa king gilid ng magsalita don si Khai.
"Secretary ni Mr. Gonza"
Napatango naman agad si Khai.
"Bakit daw?"
"Pinapatawag tayo"
"Kailan?"
"Ngayong 8 pm."
"As in ngayon na?!"
"Oo nga! Bat gulat na gulat ka?"
"Ano ba yan wrong timing naman si Manager eh." bulong ni Khai ngunit di ko gaanong naintindihan kaya isinantabi ko na lang.
"Tara na.."
"Tara.."
Bakit kaya? Anong meron? Kinakabahan kong sabi sa aking isipan.
***********************************
First LoveTeam;
Third and Khai from the series of "Theory of Love"
Please vote and comment your reaction⬇
YOU ARE READING
Five in One (after married)
FantasyThis is just my collab story. I mean I'll going to create a story from my imagination.Hope you'll enjoy it!!!