CHAPTER SIX

19.7K 289 12
                                    

CHAPTER SIX

“Hoy Zeus! Ano ka ba? Akala ko magsi-swimming tayo?! 9 PM na tulog ka pa rin!” Binato ko siya ng unan. Nakaayos na ang mga gamit namin pero hero siya at natutulog.

“Inaantok pa ako.” Lumikot ito sa higaan. Umupo ako sa tabi niya para bulabugin.

“Hindi ka ba talaga tatayo dyan? Nakakainis ka naman! Excited pa naman na ako mag swimming tapos—” Bigla niya akong hinila kaya napahiga din ako. “H-hoy! A-ano bang—” Bigla itong pumaibabaw sakin.

“Hindi ka ba aware na hindi lang ako ang ginising mo pati na din itong alaga ko?” Ang gwapo niya ata pag bagong gising.

“A-ano bang sinasabi mo? B-bumangon ka na nga! Magsi-swimming pa tayo!” Ngumisi ito at mabilis ako hinalikan at tumakbo palayo. “Nakakadami ka na ng halik sakin ha!” Sigaw ko. Pumunta na ako sa sala at hinintay siya.

“Tara na.” Tinaasan ko lang siya ng kilay at nauna sa kotse siya. “Gusto mo ba ng
sariling kotse? Kukuhanan kita.”

“Hindi ako pinapayagan ni daddy kahit marunong ako.” Lumungkot tuloy ulit ako.

“Don't worry about him.” Pinaharurot niya agad ang sasakyan dahilan para mapahiyaw ako.

“Ang sarap ng hangin!!!!” Itinaas ko ang mga kamay ko at mas lalong dinama ang hangin. Ilang saglit pa ay dumating na kami sa maliit na resort, maliwanag dito.

“Maganda ba?” Tumango ako. “Dito ko lagi dinadala si Venice dati noong buhay pa siya.”

Natigilan ako.

“Ah.” Wala na! Sira na moment namin dahil sa sobrang insensitive niya! “Aayusin ko muna itong mga gamit.” Pumunta ako sa isang kubo nilagay ko doon ang mga gamit namin at inihanda ko ang damit na susuotin ko at ng kanya.

Pumunta ako sa restroom para makapagbihis na. Isang oversized shirt at short. Paglabas ko ng restroom ay nagkasalubong kami ni Zeus na kakalabas lang din ng Restroom. Naka sleeveless siya at shorts.

Nauna akong mag lakad para ibalik ang damit ko sa bag, inabot naman niya sakin ang damit niya kaya ipinasok ko na din.

Nauna akong pumunta sa pangpang at nag lakad sa gilid nito habang nasa likod ko naman si Zeus. Hindi malamig ang tubig kaya masarap talaga maligo.

Nakakabadtrip naman kasi amis Zeus napaka insensitive. “Hey.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko mula sa likod. “Are you okay?” Tumango ako kahit ang totoo ay hindi talaga. “You're lying.” Bigla niya akong binuhat at hinagis sa dagat.

“Oh my, God! What the hell, Zeus!” Inihilamos ko ang mukha ko. Wala akong nakitang Zeus. “Hoy, asan ka na?!” Tumingin ako sa paligid. “Hoy, Zeus ano ka ba?! Hindi magandang biro 'to!” Kinabahan ako ng wala paring Zeus na limilitaw. “Zeus! Ayokong mabyuda nang maaga ano ka ba!”

“Boo!” Tumatawa pa siya.

“Ay tipaklong! Walang hiya ka!” Tinapunan ko siya ng tubig. “Para kang sira!” gigil na sabi ko. “Bahala ka nga dyan!” Tinulak ko siya dahilan para lumubog na naman siya pero hindi ko na siya pinansin at nag lakad ako papunta sa bungangin.

Nang makaupo ako sa buhangin wala pa din si Zeus. Nag-aalala na naman ako kaya mabilis akong tumakbo at lumangoy papunta sa lugar namin kanina. Nakita ko siyang palutang lutang kaya pinagsidlan ng takot ng puso ko.

“Zeus!” Hinila ko siya pagbalik sa pangpang. “Hoy, Zeus gumising ka!” Tinampal tampal ko siya pero wala. “Zeus please naman oh!” Napakagat ako sa ibabang labi ko at naisipan kong i-mouth to mouth na siya. “Zeus gumisin—”

Undesirable Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon