CHAPTER NINETEEN

25.5K 317 11
                                    

CHAPTER NINETEEN

Nagising si Zamara nang pumasok kami sa kwarto kagabi ni Zeus. Zeus started to cry when he saw our daughter. Zamara giggled when Zeus started to play with her.

Nanahimik ako sa gilid dahil wala rin naman akong magawa. Sinigurado ko lang na hindi sila mawawala sa paningin ko dahil baka bigla na lang itakas ni Zeus ang anak ko.

Dito ko na pinakain si Zeus while he's playing with Zamara. Tahimik lang ako habang paminsan minsan ay nangingiti kapag humahagikgik ang anak ko.

"Yna..." Zeus called me when I was about to close the door.

Uuwi na kasi siya sa binook niyang hotel. Tulog na rin si Zamara ulit dahil wala namang ibang ginawa ang anak kong 'yon kung hindi matulog.

"Hmm?"

"Thank you... for letting me meet her."

"Hindi ko 'yon ginawa para sayo, Zeus. Ginawa ko 'yon para kay Zamara at hindi sayo."

Natahimik naman siya. He looks so exhausted. Ang layo ba naman ng byahe niya. Umiwas ako ng tingin dahil wala naman akong pake.

"Umalis ka na."

Sinaraduhan ko na siya ng pinto. Mabilis ang tibok ng puso ko. Mabuti na lang at tumawag sakin ang sekretarya ko.

Sarah's Calling...

[“M-miss, nasend ko na po sayo ang mga kailan.”] Bungad ng secretary ko.

“Mabuti naman.” Ilang saglit pa kami nag-usap bago ko binaba ang telepono.

I went back to our room. Naabutan kong nakadapa si Zamara. Tinabihan ko siya agad. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Inilabas ko ang dibdib ko para makainom siya. Unti unti naman siyang tumahan habang tahimik na dumedede.

Hinaplos ko ang pisngi niya at ilang beses na hinalikan ang noo niya. She looks like me... and her father. Hati ang mukha namin. Depende sa anggulo.

Hindi ako nakatulog nang maayos, but I still managed. I fell asleep even though thinking about Zeus. Ngayong alam niya na, ano na ang gagawin niya? Okay ako sa kahit ano pero hindi sa pagbabalikan o kaya live in.

Nagising ako kinabukasan dahil may virtual meeting ako. Pinakinggan ko ang reports ng mga designer ko. Meron ding sabay sabay kaming nag-design.

Nasa kalagitnaan ako ng pagd-drawing nang biglang may nag doorbell. I expected Zeus. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siyang may dalang breakfast.

"Good morning. I brought breakfast," He smiled. "I-is she awake?"

"Not yet," Tinalikuran ko siya at hinayaang pumasok.

Hindi kami nakapag-usap nang maayos kagabi dahil anong oras na 'yon. Nilapag niya ang pagkain sa table. Bumalik ako sa harap ng laptop ko at nagsimulang mag-drawing ulit.

Sumenyas sakin si Zeus na pupunta sa kwarto. Tumango lang ako.

Bigla kong narealized na ayos pa lang ganito ang nangyari. Na nandito si Zeus dahil may katulong akong mag-alaga. Ayaw ko naman kasi kumuha ng yaya for Zamara.

I bid my goodbyes nang matapos kami. Sakto ring lumabas si Zeus kasama si Zamara na umiiyak ngayon at karga karga ni Zeus.

Tumayo agad ako at nilapitan sila. Kinuha ko si Zamara sakanya at hinele. Sinayaw sayaw ko ito hanggang sa tumahan. Nanonood lang samin si Zeus. I know because he doesn't know what to do.

“Is everything alright?” Tanong ni Zeus. Hindi niya na napigilang magsalita.

“Tinotopak lang siya.”

Undesirable Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon