CHAPTER FOUR

21.4K 315 4
                                    

CHAPTER FOUR

"Mommy?" Kumatok ako sa kwarto nila ni Dad. Binuksan ko na ito at naabutan kong nandoon si Mommy at tinitingnan ang gown ko. "Mom." Pagkuha ko sa atensyon niya.

"Oh, Yna. You need something?" Nagiwas siya ng tingin at parang umiiyak.

"Mom, are you crying?" Tumingin ito sakin.

"I'm just happy for you, Anak." Tinap niya ang kama nila ni Dad kaya kusa akong lumapit. Niyakap niya agad ako.

"I can't be happy, Mom." Pagtatapat ko.

"I know, baby. Sa umpisa lang yan. Ganyan din kami ng Daddy niyo noon. Force marriage pero nung tumagal ay natuto na namin mahalin ang isa't isa." Tinignan ko siya sa mga mata. Alam kong ganito din ang ginawa niya kay Iyah.

"Mom, I'm scared. Paano kung mag-away lang kami nang magaway? Ayoko ng gano'ng samahan." Namuo ang luha sa mata ko.

"Anak, argument is part of marriage. Hindi ito kasal kung walang pagtatalo dahil walang perpektong relasyon, kung mag-away man kayo ay hayaan mo munang humupa ang galit niyo sa isa't isa at wag idaan sa init ng ulo. At mas lalong huwag matutulog nang magkagalit, gawin niyo o mo ang lahat para magkaayos kayo." Tumango ako. "I love you so much, baby ko." Tumulo ang luha ko kasabay ng pagyakap ko sakanya. "Wag ka na ma-stress. Saturday na sa isang araw, kasal mo na." Mas lalo akong naiyak. "Magiingat ka, Anak. Pakaingatan at mahalin mo ang asawa mo."

"I'll try, Mom."

*Knocks*

"Ma'am Yna, nandyan po si Sir Zeus, sinusundo po kayo."

"Pakisabi saglit lang." Hinarap ko si Mommy. "Maghahanap daw po kami ng bahay, Mommy." Tumulo na naman ang mga luha niya. "Stop crying, Mom." Tumango siya.

"Ingat kayo." Sumagot ako ng 'opo' at lumabas na para harapin si Zeus.

"Ano na naman ba?" Bungad ko. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Ganyan ka na?" I rolled my eyes.

"Of course not. Magbibihis muna ako." Tinalikuran ko na siya at bumalik sa kwarto ko. Mabilis akong nag bihis at nagdala na din ng extra t-shirt.

Binalikan ko na agad siya. Tinitigan niya ulit ako kaya inirapan ko siya. Ang manyak.

"Tititigan mo lang ba ako?" Masungit kong tanong.

"Bakit?" Tumayo ito at lumapit sakin. Muntik na kong matapilok sa kakaatras ko pero buti na lang nahawakan nito ang bewang ko. "Ano bang gusto mong gawin ko? Halikan ka?" Bumaba ang tingin nito sa labi ko.

"W-what?! N-no!" Tinulak ko siya palayo. "Can you please—don't go near me?"

"Why not? You're going to be my wife soon." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil lumabas na ako ng bahay at deretsyong pumasok sa kotse niya.

"Saan saan ang location? Malalayo ba? Baka anong oras na tayo makauwi." It's already 2pm.

"In case na hindi tayo makauwi napaalam ko na sa parents mo. You have nothing worry." Nag-umpisa na siyang mangalikot. "May tatlong bahay kang pamimilian. Yung isa sa Baguio yung isa naman sa tagaytay at yung isa sa subic." Ang lalayo naman pala ng kinuha nito tsk.

"Bakit parang ang lalayo? Mamaya wala tayong pasyalan." Kunot noo kong tanong.

"Meron. Malapit yun sa hospital, mall and sa billiard house."

"Ilang floor yung sa Baguio?" Wala akong balak puntahan yon dahil masyadong malayo.

"3 Floors."

"Ayoko non. Gusto ko hanggang 2nd floor lang or hindi kaya bungalow."

Undesirable Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon