CHAPTER NINE
Nakatalikod lang ako sakanya pagkatapos niyang gawin ang gusto niyang gawin sa katawan ko. Hindi ko matanggap yung ginawa niya. Hindi ko akalaing gagawin niya sakin yon.
“Yna...” Pinahid ko ang mga luha ko at pinilit ang sariling makatulog.
MAAGA AKONG GUMISING dahil ngayon na ang araw ng pag-alis nila Iyah.
“Thank you, Sis, ha? Sorry kung nakaistorbo din kami.” Kumapit ito sa braso ng asawa niya.
“Para saan pa at naging kapatid mo ko? Tsk.” Inirapan niya lang ako.
“Sige, alis na kami, Yna.” Bumeso sakin si Trev at Iyah.
“Ingat kayo.” Kumaway pa ako hanggang sa nakaalis ang kotse nila. Sana all.
Muntik na akong mapatalon nang may yumakap sakin mula sa likod ko. “Yna...” Naglakbay ang kamay nito sa katawan ko kaya tinulak ko na siya.
“Wag ngayon, Zeus. Masakit pa ang katawan ko dahil sa pamimilit mo sakin kagabi.” Tinalikuran ko siya pero hinigit niya ako pabalik.
“Yna, I'm sorry, okay? I was drunk and angry last night. I didn't meant to do that. I'm so sorry.” Sorry na naman? Sawang sawa na ako sa kakasorry niya.
“Pagpahingahin mo muna ako, Zeus.” Naglakad na ako paakyat. Narinig ko pa ang pagdadabog niyang sinara ang main door. “Saan ka na naman pupunta?” Bulong ko.
Inubos ko ang oras sa panonood ng T.V at pagbababad sa Internet pati na din sa pakikipag usap kila Mom. Nakaapat na movie ako kaya halos makatulugan ko na ito. Ang boring naman.
Inikot ko ang mata ko at bumaba para magluto. Dinner na din pala pero wala pa si Zeus.
Habang kumakain ako ng chicken may narinig akong naghahagikgikan binilisan ko tuloy kumain. Patakbo na sana akong tatakbo sa taas kasi akala ko multo nang makarinig ako ng dirty sounds.
Nanlalambot ang tuhod kong naglakad papunta sa sala. Nakita ko Zeus na may kasamang ibang babae, nakapaibabaw siya dito at naghahalikan sila ngayon.
Susugudin ko na sana sila kaso natigilan ako. Ano bang karapatan ko? Asawa niya lang naman ako sa papel dahil arrange married lang naman ang amin. Pero tangina. Ang sakit. Ang sakit sa mata. At tangina, ako parin ang asawa niya! Sa papel man o kahit saan!
Hindi niya na nga ako nirespeto, pati ba naman ang pagkababae ko!
Mariin akong pumikit. Hindi. Hindi ko ibababa ang pride ko sa pagpatol sa dalawang 'to. Kung gusto nilang ituloy, edi ituloy nila! Mga gago!
“Zeus.” Nasa harapan ko sila ngayon. Napatingin agad sakin si Zeus. Nanlalaki ang mata niya.
“Yna...” Tumayo ito mula sa pagkakapatong niya sa babaeng dala niya.
“P-pagkatapos mo... m-meron chicken sa k-kusina, ha? B-baka kasi magutom k-ka.” Nanginig ang boses ko at uminit ang sulok ng mata ko. Tumakbo na ako paakyat pero dinig ko pa din ang tawag niya.
What the hell? Hindi ko inaasahang maluluha ako!
Sinarado ko ang kwarto namin at umupo sa dulo ng kama sa may pwesto ko. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Tangina talaga.
“Yna,” Nakapasok na pala siya. “It's not what you think—”
“Zeus?” Lumingon ako dito kahit na luhaan. “P-pwede bang umuwi m-muna ako samin?” Naninikip ang dibdib ko tuwing naalala ko yon. “Kahit isang linggo lang.”
“No, you're not leaving.” Hinubad niya ang damit niya. “Alam mo ba kung bakit ako may dalang babae? Kasi hindi mo ako pinagbigyan kanina.”
Umahon ang kaba sa dibdib ko. Gusto kong pagtuonan ng pansin ang galit ko pero mas nangingibabaw ang takot ko lalo na dahil sa may nangyari kagabi!
BINABASA MO ANG
Undesirable Marriage
Romance[ FORMERLY KNOWN AS FUCKING MARRIAGE ] "Marrying him was my biggest mistake. If I can only turn back time..." -Yna Reyes. This is the story of Yna Reyes and Zeus Clinton. ¬¬111019