CHAPTER FIVE

18.8K 297 8
                                    

CHAPTER FIVE

        “YNA! ANAK KA NG MOMMY MONG MAGANDA! BAKIT TULOG KA PA RIN?!” Napabalikwas ako dahil sa sigaw ni Iyah.

“Ano ba, Iyah?! Ang aga aga nambubulabog ka?! Inaantok pa ako.” Dumapa ako dahil sobrang inaantok ako.

“Alas dose na ng tanghali! Aware ka ba na kasal mo ngayon?! Dapat inaayusan ka na!” Bumangon agad ako kasi ngayon ko lang naalala. Tumakbo agad ako sa cr at nag madaling maligo.

“Don't forget to shave, bitch!” Narinig ko pa ang pagtawa nito.

“Shave? Kailangan ba talaga?” Para sure ay sinunod ko na lang ang sinabi ni Iyah.

Ilang beses akong nag shampoo at nagsabon. Sinigurado kong mabango ako. Lumabas ako ng cr ng naka bathrobe lang at undies. Dala dala ko ang gown ko ng pumunta ako sa kwarto ni Mommy.

Nandoon na ang makeup artist ko.

“Late ka na, Anak!” Bungad sakin ni Mommy.

“Sorry po, late na po ako nagising.” Ngumuso ako at naupo na.

“Umpisan mo na yan pepper.” Tumango yung bakla at tinuyo na ang buhok ko.

...

2PM NA KAMI natapos. Nakalugay ang buhok ko at mas lalong kinulot ito sa ibaba. May silver flower crown din ako. Nakasuot na din ang gown ko pati ang mga alahas at sapatos ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, ang ganda ko.

“Let's go?” Napatingin ako sa mga nasa likod ko. Sila Mom, Dad, Yna at ang asawa nito.

Ready na silang lahat katulad ko. Tumango ako. Na traffic kami kaya 3:15 na kami nakadating.

Tinignan ko si Iyah na katabi ko, nauna kasi sila Daddy dahil ihahatid niya ako sa altar.

“Okay, minsan ko lang sabihin to pero, Yna. All I want is your happiness, I love you so much my sister. Be happy.” Niyakap niya ako.

“Thank you, I love you too.” Pigil ko ang luha ko. Sinuot niya na sakin ang belo, pinag buksan na kami. Naunang pumasok si Iyah habang ako ay naghihintay na buksan ang pinto. Mahigpit ang hawak ko sa bouquet.

Narinig ko ang signal nila na buksan na ang pinto kaya pumikit ako at huminga na ako ng malalim at pinigilan ang sarili kong tumakbo palayo sa simbahan.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagbukas ng mata ko. Agad nag tama ang mata namin ni Zeus. Lumapit sakin si Daddy at inalok ako ng braso niya. Nginitian ko siya at kinapitan.

“You're so beautiful today, Anak.” Naiiyak siya.

“I know, Dad.” Natawa ako.

“Look at your husband, he's so handsome, right? Napaka swerte mo, Anak.” Pilit akong ngumiti.

“He is.”

Nang makarating kami sa harapan ay nagmano si Zeus kay Daddy. “Take care of her, Zeus. I chose you to be my daughter's husband because I trust you a lot.”

“I will, Sir.” Ngumiti siya kay Dad.

“Call me Dad.” Ngumiti din si Dad sakanya.

“Thanks, Dad.” Tiningnan niya ako at inalok ng braso niya. Tinanggap ko ito at sabay kaming pumunta sa harapan ng priest.

“You're so beautiful, Yna.” Bulong niya. “I'm sorry about yesterday. Hindi ko ginustong saktan ka.”

“Don't mind it.”

Inabot ng isa't kalahating oras ang kasal namin, nagpalitan lang kami ng I do, wedding vows at ng singsing. And of course we kissed.

“Congratulations, Mr. And Mrs. Clinton.” Ngumiti ako sa pari at sabay kaming humarap sa mga bisita.

Undesirable Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon