CHAPTER SEVENTEEN

20.7K 311 19
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Nagtama ang paningin namin pero wala siyang naging reaksyon. Umiwas siya ng tingin.

Lumapit ako sa table nila. Nagulat sila sa pagdating ko pero bumati pa din.

Yna!”
“Hala!”
“OMG!”
“I miss you, Yna.”
“Buti napadalaw ka.”
“Have a seat. Tabi tayo.”

Ngumiti ako kay Autumn at tinanggihan ang alok niya.

Nilipat ko ang tingin kay Zeus. Napaatras ako nang makita kong naghahalikan sila ng babaeng inaakbayan niya. Maging ang mga kaibigan niya ay nagulat din.

“Zeus.” Pinilit kong tatagan ang loob ko. Hindi sila nagpatinag sa tawag ko. Mahina lang umungol ang babae. Namuo ang luha ko pero pinilit kong 'wag yon bumagsak. “Z-zeus.” Nabasag ang tinig ko. Nanonood lang sila samin.

Kumalas si Zeus sa halik nila at ngumisi muna dito bago ako nilingon.

“What do you need?” Walang emosyon ito.

“Mag-usap tayo.” Tinatagan ko ang boses. Pagak itong tumawa at napailing. Nakita ko ang awa sa mga mata ng mga kaibigan niya para sakin.

“Wala na tayong dapat pagusapan.” Hinila niya ang babaeng katabi niya at pinaupo ito sa hita niya.

Hindi na ako nakatiis at hinila ang babae patayo.

“What the hell?!” Reklamo nito ito hinarangan si Zeus.

“Tumabi ka, mag-uusap kami.” Tinaasan niya lang ako ng kilay. Kumulo ang dugo ko. “Are you fucking deaf?!” Sigaw ko. Nanlaki ang mata nito pero hindi nagpatinag.

“Yna, stop it.” Si Zeus yon. Nanatili siyang nakaupo.

“Bakit ba gusto mong makausap ang boyfriend ko? Pwede ba, Miss. Wag mo na kaming guluhin—” Sinapo ko ang panga niya. Kumukulo na talaga ang dugo ko.

Naalerto sila sa ginawa ko pero ni isa sakanila walang umawat sakin.

“Kailangan kong makausap ang asawa ko, hindi mo ba maintindihan yon?!!” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sakanya.

“Shut up, Yna!” Tumayo si Zeus.

“YOU SHUT UP, ZEUS!” Binitawan ko ang babae niya.

“Babe, is that true? Asawa mo ang babaeng yan?” Nagpapag-awa ang boses nito at naiiyak iyakan.

“No, but she's my ex wife. Don't mind it. She's nothing, but a trash.” Tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Agad naman siyang sinaway ng mga kaibigan niya.

“Z-zeus, mag-usap tayo p-please.” Hinawakan ko ang braso niya.

“Get off me, bitch.” May palad na dumampi sa pisngi niya. Nang tignan ko yon ay nanlaki ang mata ko.

Ang kapatid ko.

“Wake up, Zeus!” Nanginginig ito sa galit. “Hinayaan ko ang kapatid kong pumunta at bumalik sayo para ayusin ang relasyon niyo at hindi para saktan siya!” Hinarap ako ni Iyah. “Let's go.” Nagpatianod ako sakanya nang magsalita si Zeus.

“That's right, Iyah. Get your sister's ass out of here. I don't need a bitch in my life.” Humigpit ang hawak ni Iyah sa akin.

I faced Zeus and slapped him in front of everyone.

“I'm not a bitch.” Nanginginig ang boses ko. Nakamasid lang si Iyah.

“Then what are you? A whore? Sabagay, kung kani-kanino ka nagpapakama, diba? I'm wondering, ilan na ba kaming natikman ka? Swerte nga lang siguro ako dahil ako ang nauna.” Sinigawan siya ng mga kaibigan niya. Nanghina ang tuhod ko. Sinenyasan ko si Iyah na mauna na sa baba. Sumunod naman ito siguro dahil naisip niya na nai-stress siya dito.

Undesirable Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon