IFY3

40 4 1
                                    

Kabanata 3


Isang liggo na ang nakalipas pero hindi parin dumarating ang gusto kung sapakin at durugin na tao.

Nangangalay ng iyong mga braso ko dahil sa araw-araw kung bitbit ang isang malaking karatola.

"Pervert! Walang modo! Bumaba kana sa lungga mo! Tangina mo!" Iyon lang naman ang nakasulat at araw araw din akong napapagalitan ng gwardya at tauhan ng kompanya. Wala akong paki-alam sa kanila. Iniisip ko palang kung bakit nya ginawa iyon aba maubos man ang tubig sa dagat hindi ko sya aatrasan.

"Dense, wala talaga sya dito. Nong nangyari iyon ay umalis din sya papunta ng ibang bansa." Si Ara na kanina pa ako pinipigilan.

"Oo nga naman, dense. Uwi na tayo!" Reklamo ni shing na ngayon ko lang naman sinama para naman may supporters ako.

Pinindilitan ko sya ng mata at napa-iling nalang sya at binaling ang tingin sa stall ng siomai nasa sight ng gilid nya.

"Walang uuwi!" At napalumok na rin ako. Nagugutom narin kasi ako pero hindi pwedeng sumuko. Malay ko bang niloloko lang ako ni Ara at paglingat ko wala na akong makikita pang demonyo. Kaya, no way! Siomai kalang, tao ako. Pero tangina ang sarap ng siomai na maanghang na maraming bagoong. Ang sarap tangina talaga.

"Dense, parang awa umuwi na tayo. Hindi na nga ako nag-umagahan pati pa naman tanghalian?" At dumagdag pa itong si Tabares.

I sulked. Napaghinaan na rin ako ng loob sa pinag-gagawa ko. Sino ba naman kasi ang maniniwala at tutulong akin kung hindi ang sarili ko lang. Ayaw ko nang dumagdag sa problema nila at  mas gugustuhing ko pang ako nalang ang mabagsakan lahat-lahat ng problema sa mundo para hindi na sila mahirapan.

Gusto ko lang naman ng trabaho, oo may mali rin ako pero hindi ko naman akalain sa ginagawa kong iyon ay may isang tao pala ang mas may pakinabang.

"Dense! Nakikinig kaba!?" Sambit sa akin ni Shing.

I went back in my reverie as I continue eating my lunch. Dahil sa kaunting awa ko kanina sa dalawang tomboy na'to ay umuwi na rin kami sa bahay. Wala naman kaming mapapala kung tatagal pa kami dun. May araw din sa akin ang lalaking iyon.

"Shing pakihuha nga ng tubig." Sabi ni Taba habang humihingos na sa pagkain ng pancit Canton na extra hot. Iyan kasi alam nyang hindi sya mahilig sa maanghang yan pa ang pinili.

"Oo, bakit ako? Ikaw na ang kumuha!" Maktol naman ni Shing.

Alam mong sa una mong tingin Kay shing maiinlove ka talaga dahil mukha talaga syang gwapong lalaki kaso tibo ngalang. No offense pero hindi ako pumapatol sa tibo dahil kung nangyari tiyak dalawa sila ang masasaktan. Sa ganda kong ito. Okay, sariling puri lang sa sarili.

"Kumuha kana, shing. Nauuhaw na rin ako." sabi ko.

"Tsk...kung hindi kalang..."

"Kung hindi lang ako maganda?" Patuloy ko sa sasabihin nya.

"Anong maganda?! Saan banda?" Taba said mockingly.

"Aba! Maganda naman talaga ako. At tumigil ka dyan...hindi ka naman maganda!" Pinandilatan ko sya ng mata at iyong kumag tumawa Lang.

"Paano naman ako maging maganda e gwapo ako hindi maganda, Dense." Akma ko syang sapakin mabuti nalang at biglang dumating si Shing galing kusina na may dalang pitsel ng tubig.

"Tumigil na nga kayo! Para kayong mga bata." Aba't nagmamalinis pa ang isang ito.

"Bilisan nyong kumain baka lalanggamin pa tayo dito. Bakit pa at sa sala pa tayo kumain kung may lamesa naman sa kusina." Sabi ko sabay higop ng sabay sa spicy noodles na binili namin sa 7/11 kanina.

I feel youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon