Chapter 1:
DisasterAndrea's Point of View
Nagkukulitan kami ni mama sa sala. Alam ko kahit na busy siya, nagagawan niya ng paraan para makapaglaro kami.
Si mama ang nagbabantay sa akin dito sa bahay. Si papa naman ay isang police sa bayan. Gustong-gusto kong maging katulad niya paglaki ko. Kahit babae ako, toy gun ang pinapabili ko sa kanya imbes na mga barbie dolls.
Gusto kong maging katulad niya kasi gusto ko rin maging matapang. Gusto kong makatulong sa mga tao. Gusto ko silang iligtas sa masasamang loob. Katulad ni papa, gusto ko rin maging isang magiting na pulis.
Nagtatawanan kami ni mama sa sala at nakarinig kami ng katok sa pinto. Gabi na ng makarating sa bahay si papa galing trabaho. Pagdating niya ay handa na ang hapunan. Pagod si papa pero alam kong napawi ito nang makita niya ang aming mukha. Hinalikan niya kami sa noo ni mama.
Niyaya na kami ni mama na kumain kaya't dumiretso na kami sa kusina. Sisimulan na sana namin ang hapunan nang biglang may marinig na ingay sa labas.
Isang nakakagulat na ingay ang narinig ko. Alam ni mama na natatakot ako kaya't agad niya akong niyakap. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
"Huminahon lang kayo. Titingnan ko lang ang nangyayari sa labas." Sabi ni papa at agad tumayo at hinugot ang baril sa likuran niya.
Nagulat na lang kami ni mama nang may marinig kaming putok ng baril. Pinaulanan ng bala ang bahay namin. Natatakot ako kaya mas lalo akong napaiyak. Pinapunta kami ni papa sa bodega upang doon kami ni mama magtago.
"Marami sila sa labas, mga kaaway ko. Ako na bahala rito. Hailey, ikaw muna bahala sa bata." Sabi ni papa bago hinalikan si mama.
"Mag-iingat ka, Jesse." Sabi naman ni mama.
"Papa, ingat ka. Promise balik ka." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ni mama ang mga luha ko.
"Babalik ako, Andrea. Promise iyan ni papa, okay? Tahan na." Kahit ngumiti pa si papa ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Ikaw muna bahala kay Andrea. Mag-iingat kayo, mahal." Iyon ang huling sinabi ni papa bago niya isinara ang pinto ng bodega.
"Jesse! Lumabas ka diyan at harapin mo kami! Putangina, huwag kang duwag! Pagbabayaran mo ngayon ang pag-ubos sa mga kasamahan ko, gago ka!" Sabi ng lalaki sa labas.
"Kalma Arthur, kung ako lang ang hanap niyo, lalabas ako at idadaan natin ito sa maayos na usapan." Rinig ko pang sagot ni papa.
"Walang usap-usap, Jesse! Basta lumabas ka at maghaharap tayo!"
"Andrea, ipangako mo kay papa na magpapakatatag ka at magiging matapang, okay? Magiging pulis ka rin. Tiwala lang, anak. Ngayon pa lang, proud na ako sayo." Narinig ko ang boses ni papa sa may pinto.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko man magawang lakasan ang boses dahil sa paghikbi ko, sumagot na lamang ako sa isipan ko.
Promise po, papa.Umiiyak na rin si mama ngayon habang pinupunasan ang mga luha ko. Alam kong natatakot din siya. Niyakap ko na lang siya para sabay naming i-comfort ang isa't isa.
Nagulat na lang kami ni mama nang may marinig kaming ingay ng bala na tumama sa salamin ng pinto. Nabasag iyon at tumama ang bala kay mama. Diretso sa likuran niya. Humilata siya sa sahig at napasigaw na lamang ako sa pagkabigla.
Pinipilit kong maging mahinahon at pinigilang umiyak pero ang hirap. Hindi ko kayang makita si mama nang ganito.
Nahihirapan mang huminga ay pinilit pa rin ni mama na magsalita at hawakan ang pisngi ko. "Mahal na m-mahal ka namin ng papa mo, Andrea. Sobra-sobra. Gusto ko, tuparin mo ang pangarap mo. Gawin mo ang magpapasaya s-sayo. I love you, anak." Pansin ko ang pagdaloy ng mga luha ni mama.
"Ganito ka lang pala namin kadaling ililigpit, Jesse. Pota, napakahina mo pala! Kunin niyo 'tong mahinang uri na 'to at ipasok sa compartment ng kotse!" Naririnig ko ang mga tawanan nila sa labas.
Napaiyak ako lalo dahil doon. Wala na si papa. Napayakap muli ako kay mama at hindi na natigil sa paghagulgol. Alam ko ngayon pa lang, iiwan na rin ako ni mama.
"Halughugin ang bawat sulok ng bahay! Kailangan nating mahanap sila kundi patay tayo kay boss!"
"Be brave, Andrea. S-save yourself." Iyon ang huling sinabi ni mama bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata niya. Wala na rin si mama.
Pinakalma ko ang sarili ko at agad pinunasan ang aking mga luha. Tama, dapat maging matapang ako. Katulad ng sabi nila mama at papa. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni mama.
"Mama, hindi ko po kayo bibiguin ni papa. Promise po." Bawat patak ng mga luha ko ay agad kong pinupunasan. Hindi na dapat ako maging iyakin simula ngayon.
Narinig ko ang pagbubukas nila ng bawat pinto. Maririnig ang bawat ingay ng mga bagay na hinahagis at sinisipa nila. At papalapit na rin ang ingay na dala nila sa pwesto namin ni mama.
Agad akong naghanap ng matatakasan. Wala nang ibang daraanan sa kinalalagyan ko. Napatingala ako. Tama, sa ceiling.
Mabilis kong itinulak ang table sa gilid at umakyat doon. Maingat kong inakyat ang bukas na ceiling. Sakto ang pag-akyat ko dahil pagpasok ng mga lalaking may hawak na baril ay si mama lang ang nadatnan nila. Hindi nila ako napansin dito sa taas.
"Hanapin ang bata!" Mabilis silang lumabas at dinala rin si mama.
Napaluha muli ako pero agad ko muling pinunasan. Hindi ako pwedeng matakot ngayon. Dapat tuparin ko ang promise ko.
Nanatili ako sa pwesto ko. Kailangan ko munang masigurado na wala na sila bago ako bumaba at humingi ng tulong.
Lumipas ang ilang minuto hanggang sa naisipan ko nang bumaba. Pagkalabas ko ng bodega ay bumungad sa akin ang mga lalaking may mga baril. Akala ko wala na sila pero nagkamali ako.
"Ang bata!"
Mabilis akong tumakbo patungo sa pinto at lumabas.
"Ang bobobo niyo! Putangina, habulin niyo yung bata!"
Tumakbo ako nang tumakbo, palayo sa bahay namin. Alam kong nakasunod pa rin sila pero wala na akong pakialam. Kailangan ko lang makatakas mula sa kanila. Nagtago ako sa basurahan at buti na lang ay hindi nila ako napansin.
"Pota, nasan na 'yon?"
"Ang tanga mo kasi! Bakit hindi mo tinitingnan!"
"Ikaw din naman, bobo!"
"Nagsisisihan pa ang mga tarantadong 'to! Hanapin niyo do'n, ako naman do'n banda! At kayo Darius at 'yong tropa mo do'n kayo sa kabila! Mga inutil, kapag tayo pumalpak, malilintikan tayo kay bossing!"
Bumuhos muli ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiyak na ako nang umiyak nang makaalis na sila.
Nagpalipas na lang muna ako ng ilang oras sa basurahan. Dahil sa pursigido na hindi biguin ang payo ni papa at mama, lumakas ang loob ko na tumayo at puntahan si Tita Emma kahit na malayo ang bahay niya mula rito.
Naglalakad ako sa madilim na daan. Wala akong pakialam kahit na naka-paa ako at walang dala maliban sa suot kong damit at ang sarili ko.
Inabot ako ng ilang oras sa paglalakad bago ko matunton ang bahay niya. Maririnig ko na ang tilaok ng mga manok. Alam kong gising na rin si tita. Mabilis akong kumatok sa pinto at mabilis naman ang pagbukas nito. Bumungad sa akin si Tita Emma na nabigla sa hitsura ko.
"Andrea? Anong nangyari sayo? Anong ginagawa mo rito? Nasaan sina mama at papa mo? Teka, mag-isa mong pumunta rito?"
Mabilis ko siyang niyakap at hindi na napigilang umiyak nang umiyak.
☆☆☆

YOU ARE READING
Lethal
ActionAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...