Chapter 6:
Beyond ExpectationAndrea's Point of View
Nandito kami ngayon sa sakahan kung saan naiwan ang kotse ni Rowan. Dito agad kami pinapunta ni Mang Darius kasi naaalibadbaran daw siya sa kalat-kalat na mga dayami niya. Sabi pa niya ay maya maya lang ay kakain na kami. Tinutumpok namin ngayon ang mga dayami.
Guess what? Hanggang ngayon nakapaa-paa pa rin ako. Hindi ata napansin ni Mang Darius dahil sa sobrang dungis ko ay nagmistulang may boots ang marumi kong paa at binti. Pero hindi naman ako maarte at isa pa ay medyo nasasanay na akong naka-paa dahil na rin siguro sa kakatakbo ko simula pa kahapon.
At si Rowan? Kahit mukhang basahan na ang suot niya ngayon ay masasabi kong... ang gwapo pa rin niyang tingnan. Hindi ko siya pinupuri sa isipan ko, dine-describe ko lang naman.
At oo, alam kong napipilitan lang siya. Nagtataka rin ako kung bakit bigla siyang sumagot ng "deal" kanina. May topak talaga itong lalaking ito.
Kanina ko pa napapansin na kamot siya ng kamot sa katawan niya. Diring-diri. Mukhang gusto na talaga niyang maligo. Ang arte talaga.
Napalingon ako sa dayaming tinutumpok namin. Naalala ko na nandito pa ang kotse niya kahapon. Nasaan na kaya 'yon?
"Rowan, hindi ka man lang ba magtataka? Wala na ang kotse mo rito." Sabi ko sa kanya.
Napatingin naman ako kay Mang Darius na tinutulungan kaming magtumpok din ng dayami. Si Mang Darius kaya ang naglipat? Paano? Tinulak niya? Eh ang tanda na niya? Nako ewan ko ba.
"Nah, It's ok. The car is now useless. Wait---shit! My phone is inside the car! Damn!" Bigla siyang nataranta pero bigla rin agad naging kalmado.
"Ahh It's ok I can buy a new one." Sabi pa niya bago ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.
Napabuntong hininga na lamang ako bago ipinagpatuloy na lang din ang ginagawa. Life saver din naman itong mga dayami na 'to kahit papaano. Buti dito kami bumunggo at hindi sa iba.
Napalingon ulit ako kay Rowan. Alam kong stress na siya. Dapat nga ako lang ang gumagawa nito dahil idinawit ko lang siya sa problema ko. Nagtatrabaho siya ngayon dahil sa akin at mamaya alam kong magagalit na naman siya. Oo ramdan ko na eh. Bubulyawan ako niyan mamaya.
"Umuwi na tayo at ng makapananghalian na tayo." Sabi ni Mang Darius kaya sumunod na kami.
Bumungad sa amin ang malaki ngunit simpleng bahay ni Mang Darius. As in sobrang malaki at malawak, may second floor pa nga. Pero nakakapagtaka rin kasi walang gaanong mga gamit.
Umupo muna kami ni Rowan sa couch at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ni Mang Darius. Wala talaga akong masabi kasi wala ngang ibang gamit kundi ang couch at ang mini table na nasa harapan namin. Wala rin TV at iba pang appliances dito sa sala bukod sa malaking electric fan na nasa gilid.
Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kami ni Rowan. Ewan ko ba, ang tahimik niya ngayon. Akala ko bubulyawan niya ako or what.
Maya maya pa ay tinawag na kami ni Mang Darius sa malawak niyang kusina. Masasabi ko lang na... buti naman may mga gamit na rito. Kumpleto pa nga ata ang kitchen utensils niya. May oven, electric stove, coffee maker, malaking refrigerator at iba pa. Wow!
Tabi kami ni Rowan at katapat naman namin si Mang Darius. Mahaba ang mesa pero tatatlo lang daw ang upuan sabi ni Mang Darius. Hindi ko na tinanong kung bakit kasi ayoko namang maging tsismosa.
Habang kumakain kami ay tingin ng tingin si Mang Darius kay Rowan. Patuloy lang naman ang pagkunot-noo ni Rowan kay Mang Darius. Natatawa na lang ako sa dalawa.
YOU ARE READING
Lethal
AksiAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...