Chapter 10:
Boredom StrikesAndrea's Point of View
Nagpatuloy ang byahe namin nang tahimik. Sobrang tahimik to the point na tunog lang ng sasakyan ang maririnig. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa harapan. Si Rowan naman ay nasa bintana naman ang atensyon. At si Manong Jhin ay busy sa pagmamaneho.
Mga ilang oras ding tahimik at boring ang byahe nang biglang kumalam ang sikmura ko. "Gutom na talaga ako." Sabi ko kay Rowan habang hawak ko ang tiyan ko.
"Of course. We didn't eat dinner for fucks sake. That old man. This is all his fault." Sabat naman ni Rowan habang focus parin na nakatingin sa labas.
"Huwag niyo na pong sisihin si Boss. Ako po ang nahuli ng ilang minuto kaya't pagpasensyahan niyo na po ako." Paghingi naman ng paumanhin ni Manong Jhin habang nagmamaneho pa rin.
"Okay lang po---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si Rowan.
"Glad to hear you apologize. You are forgiven."
Sabi niya habang tutok pa rin sa bintana. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Rowan. Kahit kailan talaga eh!
Sa ngayon hindi pa kami natutulog. Inaantok ako pero parang nawala ang antok ko dahil mas lamang ang pagkagutom ko ngayon. Pansin ko rin si Rowan na gising pa at pinapanood ang daan. Napatingin naman si Manong Jhin sa rearview at nagsalita.
"Kung inaantok kayo, magpahinga muna kayo dahil mga dalawang oras pa ang biyahe. Nga pala, i-adjust niyo yung upuan para mas komportable. Pahigain niyo kung gusto niyong matulog." Wika ni Manong Jhin bago ibinalik ang atensyon nito sa daan.
Mga ilang oras din ang lumipas at napatingin ako sa oras ng sasakyan. Mag aalas kwatro na ngunit gising parin kami ni Rowan at walang tulog. Sa sobrang antok at gutom ay pinili na lamang naming tumahimik at maghintay na makarating sa aming destinasyon.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at sawakas nakarating na rin namin ang entrada ng mansion ni Mang Darius.
"Malapit na tayo sa bahay ni Boss Darius." Ngumiti si Manong Jhin.
Oo, tama ang pagkakarinig namin dahil wala pa kami sa mismong bahay. Nasa entrance pa lang kami. Napapaligiran ang daan ng mga puno. May mga halaman din at sobrang ganda at halatang inalagaan nang mabuti.
Napatingin na lamang ako sa bintana habang papasok kami. Sa mga nakikita ko ay bigla na lang napawi ang antok ko. Nakakamangha kasi ang mga nakikita kong mamahaling mga ari-arian ni Mang Darius. Si Rowan naman tahimik lang pero pakiramdam ko binabash na naman niya si Mang Darius sa utak niya.
Sinalubong kami ng mga gwardya sa pagpasok ng kotse sa front gate. Itinigil ni Manong Jhin ang kotse sa harap ng bahay. "Nandito na tayo. Makakababa na kayo." Sabi pa niya at ngumiti.
Nagulat naman ako kasi biglang may nagbukas ng magkabilang pinto ng sasakyan. Sinalubong kami ng dalawang lalaki sa magkabilang pinto. Pareho din sila ng suot ni Manong Jhin. May pa-uniform sosyal!
"Magandang umaga po." bati pa ng lalaki na sa tingin ko na sa 30 anyos pataas. Nagsmile na lang din ako para naman hindi niya sabihin na snobber ako.
Lumabas na kami ni Rowan ng sasakyan. Si Manong Jhin naman ay diniretso ang kotse sa garahe.
Sinalubong kami ng sobrang daming mga kasambahay sa front door. Sabay-sabay pa nga silang nagbow tapos binati kami. Nagbow na lang din ako. Si Rowan naman salbahe ng ugali kasi hindi man lang nagsmile o bumati. Walang pake lang siyang naglakad papasok ng bahay.

YOU ARE READING
Lethal
ActionAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...