Chapter 2:
Familiar GuyAndrea's Point of View
10 years later.
Nagpatuloy ang aking kapalaran sa pamamahala ng aking Tita Emma. Mabait siya sa akin, maalaga, at higit sa lahat ay mapagmahal.
Dahil ang aking tiya ay walang anak, kinupkop niya ako at itinuring na parang tunay niyang anak. Mag-isa lang siya sa buhay kaya't sobrang saya daw niya nang dumating ako sa buhay niya. Kapatid siya ni mama kaya't sobrang gaan ng loob ko sa kanya, lalo na't may hawig sila ni mama.
Pinag-aral ako ni Tita Emma hanggang sa makatapos ako ng high school. Ngunit, malupit ang buhay. Pumanaw siya bago pa man ako makapag-kolehiyo. Ang bahay ni Tita Emma ang tanging naiwan sa akin at sobra ko itong pinapahalagahan.
Kahapon ay nag-celebrate ako ng 18 years of existense ko sa loob ng bahay kasama ang tatlong litrato ng mga taong pinakamamahal ko. Si mama, papa, at tita. Wala ng mas sasaya pa kundi ang makasama sila.
Kararating ko lang ngayon galing trabaho. Ngunit agad na napawi ang pagod ko nang makita ang mga litrato ng mga taong importante sa akin na nakalatag sa mesa.
Mabilis kong inayos ang mga litrato nila at inilagay sa mga upuan at inisip na magkakasama kami ngayon sa hapag. Binuksan ko na rin ang sardinas na nasa mesa at inilabas ang kanin na naka-supot pa na binili ko sa labas. Inilipat ko na iyon sa plato at sinimulan nang lantakan.
"Mama, papa, at Tita Ems, natanggap ako bilang waiter sa fastfood chain sa bayan. Oh 'di ba good news? Makakapag-college na ako sa pasukan kapag nakaipon ako!" Masayang sabi ko sa mga litratong kasama ko sa lamesa.
"Hala si papa! Bakit parang ang sama ng tingin mo?" Napatingin ako sa seryosong mukha ni papa sa picture.
"Promise, magpupulis pa rin naman ako. Ipon muna ako, papa." Natawa ako sa sarili ko.
"Sa ngayon, gagalingan ko sa trabaho baka sakaling ma-promote ako. Mas mataas ang sweldo kapag ganon 'di ba po?" Inisip ko na kunwari ay tumango sila sa sinabi ko.
☆☆☆
Napakabilis natapos ng isang araw ko sa trabaho. Gabi na naman at pauwi na ako. Kasalukuyan akong naglalakad sa madilim na kalsada, naghahanap ng masasakyan pauwi.
Habang ako ay naglalakad may isang matanda akong nakasalubong. Nakatayo ito sa ilalim ng streetlight. Naagaw nito ang atensyon ko. Napatitig ako sa kanya.
Nagkita na ba kami dati? Bakit parang napakapamilyar ng mukha ng matandang 'to?
Nahinto ako sa paglalakad nang mapansing nakatingin din pala siya sa akin. At labis na lamang ang takot na biglang namuo sa akin nang titigan ako nito diretso sa aking mga mata.
☆☆☆
Kinaumagahan pag-gising ko ay nasa isa na akong kulungan. Para akong hayop na ikinulong ng kung sinuman. Nakaramdam ako ng takot at kaba sa seldang kinalalagyan ko ngayon.
"Teka, ang suot ko." pagtataka kong sabi sa pananamit ko ngayon. Isang bistidang puti na ang suot ko at hindi na ang uniporme ko sa trabaho.
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Dinukot ako ng kasamahan ng matanda. Ipinasok ako sa nag-aabang na puting van at pinatulog ako. Ang pamilyar na mukha ng matanda kagabi... hindi ako pwedeng magkamali. Siya at ang mga kasama niya ang pumatay kay mama at papa 10 years ago.
"Kailangan kong makatakas." Mahinang sabi ko sa sarili.
Hindi ko pa nasisimulan ang binabalak ko ay may bigla na agad dumating. Bumungad sa akin ang isang matandang lalaki. Ngayon ko lang siya nakita ngunit kung tignan ako nito ay parang kilalang kilala niya ang buong pagkatao ko.

YOU ARE READING
Lethal
AksiAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...