Isang itim na BMW ang sumunod sa isang kakaalis lang na kotse sa drive-thru ng isang fastfood chain. Bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang blangkong ekspresyon ng isang binata."Good afternoon, sir. Welcome to-" Hindi na natapos ng babae ang sasabihin niya dahil sa pagsabat ng lalaki.
"One large fries and coke." Bago pa magsalita muli ang babae ay pinaandar na niya ang sasakyan niya upang pumunta sa kabila at kunin ang order niya.
Bumungad ang mukha ng babaeng halata ang pagkagulat dahil nandito na agad ang lalaki. "Sir, wait lang po saglit-"
"Make it fast." Mariing wika ng lalaki na nagbigay ng kaba sa babaeng nandoon. Balisa at aligaga itong sumigaw sa mga kasamahan upang ihatid na sa kanya ang order ng costumer.
"Eto na po, sir." Nang makuha na niya ang order at makapagbayad ay agad na rin siyang umalis doon.
Sa gitna ng kanyang pagmamaneho ay may bigla na lamang babaeng humarang sa harapan niya. Muntik na niya itong masagasaan. Mabuti na lang at naapakan niya agad ang brake.
Binaba niya ang bintana ng kotse at sinigawan ang babae. "Do you wanna die?!"
Mangiyak-ngiyak na lumapit sa kanya ang babae. Takot na takot ito. "Pasakay naman, kuya. Please po." Pinipilit pa nitong buksan ang kotse niya sa may shotgun seat.
Kahit hindi siya sang ayon ay binuksan pa rin niya ang pinto kaya't mabilis na nakapasok ang babae. Nagpunas ito ng pawis at tumingin sa kanya. "Paandarin mo na! Dali!"
Kumunot ang noo niya dahil nakisakay na nga lang ang babae, ang lakas pa ng loob nitong utusan siya.
"Englishero ka ba? Okay! Hide me anywhere! Let's go now! Save me from those guys who are chasing me! They're trying to kill me!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ng babae. Dahil doon ay wala na siyang nagawa kundi paandarin na ang sasakyan.
Who the heck is this girl? And why am I helping her?
☆☆☆
![](https://img.wattpad.com/cover/211649969-288-k537601.jpg)
YOU ARE READING
Lethal
ActionAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...