Chapter 7:
Staring ContestAndrea's Point of View
Pinupunasan ko ngayon ng twalya ang buhok ko habang si Rowan naman dumiretso na ng banyo.
"N-nothing. You... you look like a real human being now. Congrats." Naalala ko ang huli niyang sinabi.
Bakit? Hindi ba ako mukhang tao? Napatingin tuloy ako sa salamin sa harap ko. Mukha nga akong malinis ngayon eh. Tsaka normal naman akong tingnan! Anong akala niya sa akin kahapon? Hayop?
Pumunta muna ako ng salas para magpatuyo. Nakita ko agad si Mang Darius na nakaupo at umiinom ng kape habang nagbabasa ng balita sa hawak niyang diyaryo. Nilapitan ko siya at agad na umupo sa tabi niya.
"Mang Darius, bakit po walang kalaman-laman bahay niyo? Sorry po ha? Kakacurious kasi eh." Sabi ko pa.
"Teka! A-Andrea!?" Nagulat pa siya sa akin. Nabitawan pa nga niya yong newspaper niya eh.
"Ako nga, Mang Darius. Pati si Rowan nagulat din kanina. Ewan ko ba. Ano bang meron? Mukha nga akong matino ngayon." Nakangiwing sabi ko.
Pinagmasdan ako ni Mang Darius mula ulo hanggang paa. "Lumabas kagandahan mo ngayong hindi ka na madungis. Nakasisiguro akong nabighani sayo si Rowan kaya siya nagkaganon." Natatawang sabat ni Mang Darius.
"Salamat po sa papuri, Mang Darius pero imposible naman po yang sinasabi mo. Si Rowan? Imposible! Eh ang laki ng galit non sa kin eh." Sabi ko naman.
Napailing naman si Mang Darius na parang hindi siya sumasang ayon sa sinabi ko. Nakangiti siya ngayon kaya nagtatakha ako. Don't tell me ship niya kami ni Rowan? Nako wag naman sana! Pogi si Rowan pero hindi ko type ugali niya no!
"Gusto mo ng kape, hija?" Inalok ako ni Mang Darius ng kape. Tumango naman ako at aabutin na sana ang baso niya kaso bigla niyang inilayo.
"Iinumin mo kape ko? HAHAHA! Nako magtimpla ka ng iyo, hija." Natatawang sabi pa ni Mang Darius.
Oo nga naman! Bakit ko ba kasi kinukuha kape niya? Sarap batukan ng sarili ko eh.
Kaya ayon napahiya ako. Antanga shet. Pumunta na lang ako ng kusina para magtimpla. Nagtimpla na rin ako ng para kay Rowan incase gusto rin niya.
"More milk para creamy." Sabi ko pa sa sarili habang dinadamihan ng gatas ang kape ko. Humigop pa ako at napangiti ako sa lasa.
Nakarinig ako ng mga yapak ng paa kaya napatingin ako sa kakarating. Si Rowan na kakaligo lang. Mukhang ang bango-bango niya tignan ngayon ah.
Mabilis kong ibinaba muna sa mesa ang iniinom kong kape at iniabot ang coffee niya sa kanya. Tinignan lang naman niya 'yon.
"Rowan, coffee mo. Promise walang lason yan." Nagsmile ako sa kanya para mukhang sincere ganon.
"I don't drink coffee... but okay. Leave that on the table. I'll drink it when it's cold." Sabi naman ni Rowan bago siya umalis.
"Ang arte talaga niya! Sayang effort! Tsk! Siguraduhin lang niyang iinumin niya yon! Kundi hindi..." natigilan ako.
"Kung hindi edi hindi! Eh anong magagawa ko di ba? Sungit talaga niya ever." Mahinang sabi ko na lang para hindi niya marinig. Baka kasi nandyan lang siya sa malapit.
Dala-dala ko ang kape ko nang bumalik ako sa salas. Nakita ko na rin doon si Rowan. Nasa sofa sila pareho ni Mang Darius pero malayo sa isa't isa. Nasa kabilang dulo sila pareho.
Lumingon sa akin si Mang Darius at tinawag ako gamit ang kamay niya na pinapalapit ako sa kanya. Kaya ayon lumapit ako kasi malamang, mabait ako hindi kagaya ni Rowan.
YOU ARE READING
Lethal
ActionAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...