L-11: Escape Plan

43 2 2
                                        


Chapter 11:
Escape Plan

Rowan's Point of View

A boring week had passed.

Isang linggo na kaming nandito sa mansion ni Tanda pero walang bagong ganap. Sobrang boring. Wala na kaming ibang ginawa kundi kumain at matulog. Magigising sa umaga, maliligo, kakain, babalik sa kwarto, magla-lunch, tatae, babalik ng kwarto, magdi-dinner, babalik ulit ng kwarto, matutulog, tapos gigising ulit kinabukasan. Cycle lang. Paulit-ulit.

Bumalik ako rito sa kwarto ko after I told Andrea about the escape thingy. I didn't tell her the plan yet. Mamaya ko na lang sasabihin kapag oras na para umalis. I know she's scared to get caught kaya sasabihin ko na lang kapag oras na mismo ng pagtakas.

While I was observing everyone's action, I discovered something suspicious. Someone's stealing Darius' things.

It's already 7:15 in the evening as I glance on the wall clock. The maids are probably heading in their rooms now. 6:30 pm kasi ang dinner naming lahat. I know this is everyone's rest time in this household. All the maids are heading back in their designated rooms as of now. Except this young and probably newly recruit one. Alam kong papunta na naman siya dito sa second floor para pumasok sa loob ng kwarto ni Tanda.

That suspicious young maid is tricky. She's here every night para magnakaw ng ari-arian ni Tanda. Kapag sumapit na ang gabi at nasa baba na lahat ng maids, tahimik siyang aakyat dito at papasok sa room na katapat ng kwarto namin ni Andrea. She's not even wearing slippers para iwas ingay.

All this time, her fellow maids think that she's innocent and just doing her job. Well in fact, she's putting expensive items in her pocket and maybe sell those online for extra income.

I don't think Andrea already knows this shit, lagi naman siyang tahimik at walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakadikit ang tenga ko sa pinto, hinihintay ko ang sinyales na tunog ng pinto sa katapat kong kwarto. Maya-maya lang ay paniguradong nandito na naman siya. Mga ilang minuto rin akong naghintay pero wala pa ring sinyales kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Only to find out that she's already inside Darius' room.

Impressive. I didn't even noticed her sneaking inside the room. I did not hear any sound. Nag-ingat siya ngayon.

However, she's not that smart. She left the door open. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto para masilip ang ginagawa niya. As expected, andito na naman siya at may dala-dalang bag. Maingat niya ngayong isinisilid sa kanyang sling bag ang mga relo, singsing, kwintas, at iba pang mamahaling bagay at alahas.

Sa ngayon ay mukhang puntirya naman niya ay ang vault na nasa dulo.

"Ano na ulit yung password? Shit nalimutan ko na. Hina naman kasi boses ni Madam Karen." She murmured.

Bago pa siya tuluyang makalapit sa vault ay agad na akong pumasok at nagsalita.

"Look who's here... inaraw-araw mo na ata ang pagbisita dito." Sabi ko bago tahimik na isinara ang pinto at sumandal doon.

Nagulat naman siya at mabilis na lumuhod sa harapan ko. "Sir, please po 'wag niyo pong sasabihin kay Madam Karen. Ginagawa ko po ito para sa anak ko! Sir, please sir!" Pagmamakaawa niya at mukhang naiiyak na rin siya.

"Do you think I care?" Nginisihan ko siya kaya mas lalo siyang napaluha at natakot.

"Bakit? Hindi ka ba nakakatanggap ng sahod? Kulang pa ba ang pa-sweldo sa inyo ng boss niyong si Tanda?" Mas lalo pa siyang napaiyak sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LethalWhere stories live. Discover now