Chapter 4:
Night in the BarnSomeone's Point of View
Napakapayapa dito sa probinsya. Isa ito sa pinapangarap ko noon. Normal na buhay at malayo sa siyudad ng mga masasamang loob. Isang malaking tagumpay ang aking natamo at mabuting desisyon ito para sa aking pagbabago.
Kasalukuyan akong nakaupo at nagpapahinga sa terrace ng aking bahay. Pinagmamasdan ko ang aking hardin sa bakuran, malawak na sakahan ng mga prutas at gulay at mga alaga ko dito sa farm. Nasa mataas na pwesto ang aking bahay kaya naman nakikita ko ang buong sakahan mula rito.
Masarap ang simoy ng hangin at mapayapa ang paligid dito sa probinsiya. Sino nga ba naman ang hindi magiging komportable sa lugar na to?
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata upang magpahinga nang may ingay akong narinig. Mabilis akong napatayo mula sa rocking chair ko upang malaman kung ano iyon. May paparating na magarang sasakyan at kinakaladkad ang aking mga pananim sa sakahan. Isang kotseng itim na nawala sa katinuan at binunggo ang gabundok na dayami na ilang araw ko ring inipon.
"Sa dami ng maaari niyang pagkarerahan bakit sakahan ko pa? Malaman nga kung sino ang walang modo na 'to."
☆☆☆
Andrea's Point of View
Nakakabigla ang mga pangyayari pero bawat pagsubok na aking kinakaharap ay may gumagabay at pinapanatili akong ligtas. Sa ngayon kailangan ko munang humingi ng dispensa sa lalaking to.
"Rowan, sorry talaga..." nakanguso akong nakatingin sa kanya.
"This is all your fault." sabi nito habang hinahampas ang ulo niya sa manibela.
"Tama na nga yan. Masisira ulo mo- este yang manibela ng sasakyan." Sabi ko sa kanya habang pinipigilan siya pero ayaw niya talaga magpapigil.
"Sira na. Sira na talaga." Sabi naman niya habang patuloy pa rin sa pag-untog ng ulo niya sa manibela.
"Ang alin? Sasakyan mo?" Tanong ko.
"Yung ulo ko. Sira na ulo ko. Kasalanan mo. Kasalanan mo talaga lahat ng to." Paninisi pa niya bago siya natigilan at napalingon na rin sa akin sa wakas.
"Paano nasira ang brake?" Tanong niya.
Aba malay ko ba?
"Kasalanan din kase ng kambing." Sagot niya sa sarili niyang tanong.
Wow naman. Sinisi pa niya yung inosenteng kambing kanina.
"Alam mo babae, magpasalamat ka na lang dahil ligtas ka dahil sa akin. Ang problemahin mo kung paano tayo makakabalik sa city." Sabi pa niya bago lumabas ng sasakyan.
Wala na akong nagawa kundi lumabas na rin ng kotse. Iniisip ko rin ang kalagayan niya ngayon at kung bakit siya nadamay dahil sakin. Dapat nga lang naman na magpasalamat ako sa kanya.
"Rowan, thank y-" hindi ko na natapos kasi bigla siyang nagsalita. Halatang ayaw niya akong pakinggan ah.
"Sira na itong kotse wala tayong magagawa kundi maglakad. Alam mo para may silbi ka, gamitin mo din mata mo para makahanap tayo ng matutuluyan."
Tumango na lamang ako at sinundan siya.
☆☆☆
Abala kami sa pag lalakad upang maghanap ng matutuluyan. Palubog na ang araw at hindi na maayos ang pakiramdam ko kasi bukod sa nagugutom ako at inaantok, pagod na rin paa ko kakalakad.
"Uhmm... Rowan... ilang oras na kasi tayong naglalakad. Pwede ba magpahinga muna tayo? Masakit na paa ko." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Pake ko sa paa mo? Sino ba kasi nagsabing magpaa-paa ka? Tsaka wala ka din namang pake sa nasira kong kotse, kaya wala rin akong pake sa paa mo. Let me remind you again. This is all your fault." Ramdam ko ang inis niya sa kin.
"Huwag ka na lang magreklamo dyan kundi aabutan tayo dito ng gabi kung magpapatagal ka pa. Pahinga-pahinga ka pa dyan. Baka gusto mong habang buhay ka nang magpahinga." Ngayon naman inirapan pa niya ako.
"Sorry na nga kasi..." mahinang sabi ko naman.
"Tsk. May nakita na akong mga bahay banda doon kaya manahimik ka na lang." Sabay turo nito sa mga bahay na nasa hindi kalayuan. Ang laki pala ng mga bahay dito.
Sa paglalakad namin ay para bang may sumusunod sa aming direksyon. Maririnig ang mga yapak nito at paggalaw ng malalaking palay. Kaya naman agad kong hinila si Rowan at tumakbo.
"Andrea! Are we still being followed?!" Nagtatakang sabi niya.
Hindi ko na nagawang umimik at mas binilisan pa namin ang pagtakbo. Tuloy pa rin ang aming pagtakbo patungo sa mga bahay na tinuturo niya kanina.
Eh pota, pagkarating namin hindi naman pala bahay kundi barn ng mga hayop.
"Andrea! Dito." Agad niya akong hinila at nagtago kami sa loob. Bahay pala na puno ng mga manok.
Pansin ko na wala nang sumusunod kayat makapagpapahinga na rin ako sa wakas. Inabutan na kami ng dilim sa paghahanap ng matutuluyan. Dito na lang kami magpapalipas ng gabi.
At sa tingin ko dito na kami matutulog sa mga dayami katabi ng mga manok.
Sinimulan ko ng ayusin ang mga dayami at hinakot ang mga nasa sahig at inipon ang mga ito gamit ang aking mga kamay. Sumalampak ako sa dayami na ginawa kong higaan.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko kaso lang bigla siyang nagsalita.
"Am I the only one who feels uncomfortable?" Wika nito habang nakatayo pa rin at tinitignan ako.
"Mas ligtas na rito kesa sa labas. Wala na tayong magagawa." Sabat ko.
Umupo ito sa tabi ko at pansin ko kanina pa siya hindi mapakali. "Damn it. This shit feels really uncomfortable. I won't sleep here." Sabi pa niya.
"Bahala ka dyan. Basta ako matutulog na ako." Sabat ko bago pumikit na.
Biglang tumunog ang tiyan niya na umagaw ng pansin ko. Nawala bigla ang antok ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Syempre hindi niya ako mapapansin na gising pa ako kasi madilim dito at nasa bawat sulok lang ang mga ilaw.
"Andrea, are you still awake?" Tanong niya.
Alam kong hindi ito komportable para sa kanya kasi hindi naman siya sanay sa hirap. Isa pa ay alam kong gutom na siya dahil hindi naman kami naghapunan. Naisip ko rin na baka hinahanap na siya ng pamilya niya.
"Rowan, I'm really sorry." Sabi ko habang nakahiga.
"You should be! Alam mo ba yung regalong kotse ni Dad is kakatanggap ko lang last month tas sira na agad. Yung lakad ko na pupunta ako kanila Chard nasira. Isa pa hindi man lang ako nakapag text kay Mom na hindi ako makakauwi sa bahay. You didn't know how much trouble you got me into." Mas lalo naman niya akong gini-guilty.
"Teka yung phone ko!" Bigla niyang naalala. Pansin kong kinakapakapa na niya pants niya.
"Hindi kaya naiwan mo sa kotse mo? Hayaan mo na muna. Gabi na balikan nalang natin bukas." Sabi ko bago pumikit na ulit.
"Are you serious?! Don't tell me-"
"Shh, wag ka na maingay natutulog na yung mga manok." Pagputol ko sa kaingayan nito.
"Goodnight, Rowan." Sabi ko na lang bago hinayaan ang sarili kong dalawin na ng antok.
☆☆☆
![](https://img.wattpad.com/cover/211649969-288-k537601.jpg)
YOU ARE READING
Lethal
AcciónAndrea Miller is a normal teenager with a dream of being a great police officer like her father. While chasing her dream, she is also chasing by a big syndicate in the country for an unknown reason. Escaping from the clutches of her enemies, she me...