L-3: Damned and Crashed

122 29 35
                                        


Chapter 3:
Damned and Crashed

Rowan's Point of View

My dad took my allowance for this week. He even shut down all my credit cards. I know it's vacation but heck! Paano ako makakagala kung kulang ang pera ko? Damn it! I only have some cash in my wallet. I'm afraid this would not enough for buying Chard's birthday gift.

I'm on my way to the mall when I felt my stomach grumbled. "Damn it, handsome guys like me don't deserve to die in hunger."

I maneuvered my car and drove to the nearest fastfood chain. Nag-drive-thru ako, agad kong binuksan ang bintana at bumungad sa akin ang nakangiting babae doon.

"Good afternoon, sir. Welcome to-"

"One large fries and coke." I rapidly responded. I'm freaking hungry and her greetings won't help my freaking stomach.

Bago pa magsalita ulit ang babae ay pinaandar ko na ang sasakyan ko papunta sa kabila para kunin ang order ko. Bumungad ang mukha ng babaeng halata ang pagkagulat dahil nandito na agad ako. "Sir, wait lang po saglit-"

"Make it fast." Inis na sabi ko sa kanya. Nakakainis kaya kapag gutom na gutom ka na tapos ang bagal bagal gumalaw ng mga tao. Annoying humans.

Narinig ko ang pagsigaw ng babae sa mga kasamahan niya. Nagmadali ang lahat hanggang sawakas ay naiabot na niya ang order ko. "Eto na po, sir." Nang makuha ko na ang order at makapagbayad ay agad na akong umalis.

Sa gitna ng pagmamaneho ko ay may bigla na lamang babaeng humarang sa harapan. Bullcrap! Muntik ko na siyang masagasaan! Kung hindi lang mabilis ang reflexes ko ay hindi ko agad maaapakan ang brake.

Binaba ko ang bintana ng kotse at sinigawan ang babae. "Do you wanna die?!"

Mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin ang babae. Takot na takot ito. Pansin ko rin ang marumi niyang puting bistida pati na ang ilang galos niya na parang fresh na fresh pa. Ang dugyot niya tignan.

"Pasakay naman, kuya. Please po." Pinipilit pa niyang buksan ang kotse ko sa may shotgun seat.

Kahit hindi ako sang ayon ay binuksan ko pa rin ang pinto kaya't mabilis na nakapasok ang babae. Nagpunas siya ng pawis at tumingin sa akin. "Paandarin mo na! Dali!"

Ang kapal naman ng mukha! Who is she to command me?

"Englishero ka ba? Okay! Hide me anywhere! Let's go now! Save me from those guys who are chasing me! They're trying to kill me!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ng babae. Dahil doon ay wala na akong nagawa kundi paandarin na ang sasakyan.

Who the heck is this girl? And why am I helping her?

☆☆☆

"You look like shit. You look like you're about to die. Here take this." I gave her the fries and coke that I ordered. She quickly grabbed it, mabilis niyang nilantakan. Para siyang patay gutom.

Hindi pa ata niya napansing inasar ko siya. I told her that she looks like shit but I think she did not noticed it. Parang biglang nawala ang gutom ko habang pinapanood siyang kumakain. She reminds me of my old self.

Mga ilang minuto siyang tahimik. Kanina pa ito tingin ng tingin sa labas ng bintana at halatang hindi ito mapakali.

Gumawa ako ng paraan upang umimik ito at nang matanong ko. "Ano ba ang nangyari sayo at bakit ka nila hinahabol?"

"Nagtatagalog ka?" Agad siyang napatingin sa 'kin.

"Don't divert the topic, miss. May kasalanan ka ba? O baka kriminal ka at may ninakaw ka, baka idawit mo pa ako." Kunot noong sabi ko sa kanya. Nakatuon pa rin ang pokus ko sa daan.

Hindi ito umimik at napatingin lang sa 'kin. Pansin ko parin ang takot niya. Hindi na naman siya kumikibo.

Itinigil ko ang kotse sa tabi ng daan. "Get out! Dali, baba na." Inis kong sabi.

Tsaka, hindi ko alam kung saan ko siya ibababa.

Naging balisa siya at ibinaling ang tingin sa daan. "Take me anywhere, kailangan kong makatakas sa kanila." pagmamakaawa nito. Parang maiiyak na naman siya.

Hindi ko naman siya pwedeng dalhin kung saan saan. Ako pa ang responsable dito. Hindi din pwede kay mom, baka magtaka ito sa kasama ko.

Kung sa bahay nila Chard, mas lalo. Baka isipin ng tukmol na yon na nag uwi pa ako ng madungis na babae. Maganda siya pero hindi ko type. Ayoko sa mga cheap. Isa pa, busy ako at may bibilhin pa akong regalo para sa tukmol.

"Kahit saan po basta ligtas." tipid na sumbat ng dugyot na babae.

Pinaharurot ko na lang ang kotse at hindi na siya pinansin pa. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ko siya ibababa. Dalhin ko kaya to sa SOGO?

Sa pagmamaneho ko pansin kong kanina pa siya nagmamasid sa daan. At ang puting van na kanina pa nito tinitingnan ay pansin kong kanina pa nakasunod sa kotse ko.

"They're following us!" Sigaw pa niya sabay hampas sa braso ko.

Aba't! Sino siya para manapak? Close na ba kami?

"Be calm!" Sigaw ko naman sa kanya. Mas binilisan ko pa ang andar at tumungo
sa ibang rota.

Sabi ko na nga bang kriminal to eh! Bakit ba kasi siya sinusundan ng van na yan?!

Nakasunod parin ang puting van, iniligaw ko ito at ipinunta sa masikip na daan. Feeling kotse kasi. Akala siguro ng driver kakasya van niya! HA! NOOB!

Pansin kong hindi na nakasunod sa amin ang van. Nakatakas na kami! Mabilis ko paring pinaandar ang kotse para makasigurado.

Ngunit ganon na lang ang takot na bigla kong nadama nang makita ang hindi pamilyar na rota. Putek, nawawala ako. Nawawala kami! Damn it! This is all her fault!

"Rowan, ano 'tong pinasok mo?" panicking, I whispered to myself.

"Rowan ang pangalan mo? Salamat, Rowan." She smiled at me.

Siguro matutuwa pa ako sa ngiti niya kung hindi lang ako naliligaw ngayon! She's a pain in the ass!

"Rowan!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at doon ko na lang napansin ang kambing na bigla na lang tumawid sa daan!

Inapakan ko ang brake pero hindi huminto ang sasakyan! Inapakan ko pa ng paulit ulit pero hindi pa rin gumagana! "Damn it! Paano nasira ang brake ko?!" Inis kong sigaw.

"Don't get on my way you fucking goat!" I shouted but of course it was nonsense because that stupid animal will never understand me.

Mabilis ko na lang iniliko ang manibela para hindi masagasaan ang walang utak na kambing na yon. At dahil sira na ang brake ko ay nagtuloy tuloy sa pag-andar ang kotse hanggang sa mapunta na kami sa isang sakahan.

Nasira ang mga nadaanan naming mga pananim. Pansin kong nasa gitna na kami ng sakahan at nagsisitakbuhan na ang mga kalabaw, kambing, baka, tupa, at manok na nandito.

"AHHHH!" Pareho kaming napasigaw ng madungis na babae nang tumambad sa harapan namin ang gabundok na dayami.

Wala na akong magagawa kundi hayaan ang sasakyan na bumangga doon.

At isa lang ang may kasalanan ng lahat ng ito. Wala ng iba kundi ang punyetang babaeng nasa tabi ko.

☆☆☆

LethalWhere stories live. Discover now