CHAPTER 1: Love at first sight

7.1K 132 4
                                    

“Tulungan ang mga mahihirap at iahon sa kahirapan!” sigaw ng spokesman ni Gal mula sa mikropono na nakatayo sa gitna ng entablado.

Pahapyaw na napangiti naman ang binatang konsehal saka kumampanteng dumekwatro mula sa upuang kanyang kinauupuan at katabi niya ang iba pang mga kandidatong kinabibilangan.

“Ilagay sa inyong balota! Gal Gustav, numero uno sa pagka-konsehal!” patuloy nitong pahayag.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nanunuod kung kaya’t may ngiti sa labing tumayo si Gal, itinaas niya ang kaniyang kanang kamay para iwagayway iyon. Humakbang siya't tumungo sa harap upang pormal na ipakilala ang sarili.

“Nakakataba talaga nang puso, nagpapasalamat ako at nasisiyahan din ngayon dahil, sa walang sawang pagsuporta ninyo,” simula niya, dahilan para humiyaw na naman ang ilan at muling nagpalakpak, katibayan na sila’y natutuwa.

“Hindi ako perpektong tao pero iisa lamang ang maipapangako ko sa inyo. Lahat ng inyong hinanaing ay tutuparin ko sa abot ng aking makakaya. Lubos akong nagpapasalamat sa pagtiwala ninyo, kaya sana huwag ninyong pakakalimutan---’’

“Gal Gustav! Iboto pagkakonsehal at ilagay sa inyong balota, numero uno! Salamat at magandang araw sa inyo!” mabahang wika niya saka matamis na  ngumiti.

Nakangiti niyang ibinalik sa emcee ang hawak na mikropono habang patuloy lamang sa pagpalakpak ang mga tao. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at pag-asang maisasa-katuparan ang kanilang nais.

SINUNDAN ni Miggy nang pag-iling at pag-ikot ng kaniyang mga mata, pagkatapos magsalita ng unang tatakbo bilang konsehal sa kanilang bayan bagay na ikinatitig sa kanya ng nobyo niyang si Jared.

“Nakabusangot na naman ang mukha ng baby ko. May problema ba, ha?” pilyong tanong nito sabay kabig sa kanya para ilapit siya at ikulong sa bisig nito.

“Wala! Naiinis lang ako sa pagmumukha nang Gustav, na ‘yun. Tch! Sa pagmumukha pa lang, alam na alam mong hindi gagawa nang matino. Paano kaya nila nagugustuhan ang isang ‘yan?” naningkit ang mga mata niyang sabi.

“Naku! I’m so sure. Isa din siya sa mga kurakot sa politiko. Nagpapalinis masyado!” dugtong pa niya.

Naiiling na lamang si Jared sabay
ngiti nito. Hinalikan nito sa tuktok ng kaniyang ulo ang dalaga.

“Masyado ka namang high blood diyan. Halika nga rito! Magseselos ako niyan ah, dapat kasi sa ‘kin ka lang titingin e. Huwag sa Gustav na ‘yun, basagin ko mukha nun, kita mo!” pabirong sabi nito bagay na ikinalawak nang ngiti ng dalaga.

Hindi na rin napigilan ni Miggy ang pagtawa niya nang mahina saka  niya pinisil ang ilong ng nobyo at kinurot ang pisngi nito.

“Tse! Bolero. Gawin mo kung kaya mo. Baka isang pitik ka lang nun e,” natatawang sabi nito.

“Malakas ako nuh! Nag gi-gym kaya ako araw-araw. Gusto mo, ipakita ko sayo kung ilan na?” nakangising nakakalokong wika ni Jared saka sumeryoso ang mukha nito sabay inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ng dalaga saka ningitian ito nang napakalawak.

“Gag*! Oo na. Subukan mong ipakita ‘yan. Ikaw ang babasagin ko ng mukha,” pairap at nakangiting babala ng dalaga.

Natawa nang mahina si Jared saka inakbayan ang dalaga at bumulong rito.

“Ang ganda mo kahit, masungit ka,”

Bumungisngis si Miggy sa ibinulong nito bagay na ikinangiti ni Jared at bahagyang naikagat ang ibabang labi.

WHILE Gal's eyes were focused on the two lovers. He admit it, but the girl with a sweet smile was distracting him. Ang maamo nitong mukha at nakakabighaning ganda ay hindi nakaligtas sa kanya.

OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon