ILANG minutong ikinulong ni Gal ang kaniyang sarili sa loob ng banyo at hinayaan ang tubig na dumaloy sa hubad nitong katawan. Hindi siya lasing, matino pa ang kaniyang isipan dahil, hindi pa ganun karami ang nainom niya. Ngunit, tila nalalasing na siya mula pa kasi kanina ay hindi na niya mawaglit sa kaniyang isipan ang dalaga. Ramdam na ramdam ni Gal ang kakaibang hatid ng halik nito sa kanya. Sandali lamang iyon ngunit nag-aapoy ang pakiramdam niya na makasama ito.
“Sh*t! No! Argh! Stop it Gal. F*cking hold your tempting mind!’’ Inis at bakas ang pagpipigil niya sa sariling bigyan nang malisya ang ginawa ng dalaga sa kanya kanina.
Panay ang paghilamos niya ng mukha saka tumingala dahilan para bumagsak ang agos ng tubig ng shower sa mukha niya.Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga saka naisuklay ang buhok gamit ang kaniyang sariling mga daliri. Pagkatapos ay pinatay niya ang shower at inabot ang twalyang nakakabit sa isang stool saka niya ito binalot sa kalahati niyang katawan.
Namamasa-masa pa ang kaniyang buhok nang mapatitig siya sa harap ng malapad na salamin sa kanyang banyo. Sinuri niya ang kaniyang sarili at tinigan ang kabuuan niya.
“Whatever the purpose she do that kiss is just because, you save her. That’s all, and nothing more. Don't gave it a meaning. Jeez! Why I can't help it but to think of her? D*mn!” naisaway niya sa kaniyang sarili.
He sighed.
Hanggat maari ay kailangan niyang kontrolin ang sarili baka maulit ang nakaraan niya na noon pa ay gusto na niyang makalimutan. Pero, pakiramdam niya ay sinumpa na siya dahil, sa hindi na nagsisilbi ang kaniyang pagkalalaki. Kakahiyan ang dulot nito bagay na ikinakunot-noo niya. Tiimbaga niyang minasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin.
“Useless, your f*cking useless, self!” pagalit niyang binulyawan ang sarili.MAKALIPAS ang ilang araw na nagdaan ay laging laman ng panaginip ni Gal at ng kaniyang isipan ang dalagang humalik sa kanya. Tila ay na o-obsessed na siya sa estranghera na iyon.
He do to imagine her body on how she’d undress that woman dresses. How he wished, na makita itong muli.
“Oh, f*ck!” mariing naimura niya mula sa pagkapikit habang nakaupo sa swivel chair.
Pinilit niyang alisin sa kaniyang isipan ang imahe ng babae upang sa ganun ay makapagtrabaho siya nang maayos. Nakatambak na ang papeles sa mesa niya habang siya ay tila timang na nagpapatansya.
He sighed.
Tinupi niya ang manggas ng kanyang longsleeve bago napahilot sa kaniyang sintido pagkatapos niyon ay nagpasya siyang tumayo. Humakbang siya papalapit sa harap ng bintana at napamulsa.“Jeez. Bakit kaya hindi pa rin siya tumatawag hanggang ngayon? Did she reject me?” napapatanong sa isipan niyang ani saka kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang suot na pants saka ito tinitigan.
Naghihintay kasi siya na tatawagan siya nito.
Makalipas ang ilang segundo ay kaagad na tumunog ang hawak niyang cellphone bagay na ikinasaya niya at atomatikong sinagot ito at hindi na tiningnan kung sino ang tumawag.
“Yes?” bungad niya.
Ang kaninang tuwa at pagkislap ng kaniyang mga mata ay pinalitan ito ng kunot-noo at pagsimangot ng mukha niya.
“Kuya, can you picked me here. Hindi ako sinundo ng magaling mong bodyguard. Alam mong, ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay ako. So please, pretty please. Sunduin muna ako rito!” boses ng babaeng kapatid niya mula sa kabilang linya.
“Heist, Jo.”
“Okay, just wait me there. I'm on my way,” aniya't kinuha na lamang ang susi ng kanyang kotse na nakapatong lamang sa ibabaw ng mesa at walang pasabing umalis sa opisina nito sa munisipyo.MALAPAD ang ngiting niyakap ni Georginia ang kuya niya at natutuwa dahil sinundo siya nito. Kahit na kasi may pagkaistrikto ito pagdating sa kanila ni Gilbert ay alam nilang mabait ito at maalalahaning kapatid. May pagka-mainipan lamang at minsan masungit.
Seryoso sa pagmamaneho niya si Gal pauwi nang mga sa oras na iyon at panay sa pagsalita ang kapatid nitong dalaga kaya hinayaan niya na lamang ito.
He hates clamorous woman, pero itong babaeng kapatid niya ay maingay pa sa lahat ng maingay. At wala siyang choice kundi ang makinig na lang sa mga sinasabi nito.
“Kuya sinapian kaba ng kabaitan ngayon o baka naman may gayuma ‘yung stranger girl na humalik sayo kaya ka nagkaganyan?” pilya at pagbirong ngising tanong ni Georginia bagay upang magsalubong ang kaniyang kilay.
“I saw you, together the stranger girl that night. Mind to invite her in this upcoming celebration? I wanted to know about her, kuya. Mukha siyang mabait,” malapad ang ngisi nitong pagpapatuloy.
Gal, heaved a sighed.
Malakas nitong hininto ang kotse bago niya binigyan nang masamang tingin ang kapatid.“Get out!” masungit niyang utos dito.
“Luh! kuya naman. . .” gulat na sambit ni Georginia.
“Isa!” pagbilang ni Gal.
Naikagat ng dalaga ang ibabang labi nito at naluha na.
“Kuya naman, sorry na kasi—” naiiyak nitong sabi habang nakahawak sa seatbelt nito.“Tsss. Nasa bahay na tayo. Wala ka bang balak bumaba?” kalmado ngunit nagkasalubong ang kilay na sambit ni Gal bagay na ikinatanga ni Georginia at biglang humagalpak ito ng tawa.
“Baliw!” naisatinig na lamang ni Gal at naiiling dahil sa kapraningan ng kanyang kapatid.
Please do vomment, share this story.
I Hope your enjoying reading this story.
I just wanna thank you sa mga nag add to library po ng OBSESSIONS SERIES.
I love you all😘_Ava_
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITING
RomanceGal Gustav-iginagalang at kinagigiliwan ng lahat ngunit sa kabila niyon ay may nakatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Freya Gozales-she vowed to make Gal Gustav fall for her... to get her revenge.