MATULING lumipas ang dalawang araw ay may pag-iingat na binuksan ni Mang Canor ang isang lumang kahon na nakatago nang matagal sa ilalim ng kanyang hinihigaan at sa loob nito ay inilabas niya ang bagay na nakabalot ng pulang tela.
Laman niyon ay isang camera, isang bagay na naglalaman ng ebidensya at nagpapatunay rin na biktima lamang din si Gal sa eskandalo na kinasasangkutan nito.
Naiiyak na napatingala at tumitig sa kisame si Mang Canor, saka niya muling binalot ng tela ang hawak-hawak.
“Kung nasaan ka man ngayon, Miggy. Sana’y matahimik na ang iyong kaluluwa. Biktima rin lamang si Gal sa kasamaan ng budhi ni Ralph,” munting usal ng kaniyang isipan at muling ibinalik ang kahon sa ilalim ng kama niya.
Kaytagal na niyang itinago ang bagay na hawak at maski kay Gal ay hindi niya ipinakita. Ayaw rin niyang itapon dahil parang may pumipigil sa kanyang gawin ito.
Bahagya siyang bumuntonghininga. Nang maitago ito ay napangiti siya ngunit, kaagad nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok si Gal. Mabuti na lamang ay maagap siyang kumilos. Rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha nang harapin niya ang binata at tila pinanlamig ang buo niyang katawan nang igala ni Gal ang paningin sa loob ng kanyang kuwarto.
“Kayo ho pala, Konsehal. Ginulat niyo naman ho ako,” aniya saka ngumiti nang pilit.
“Pasensya na Mang Canor. Napansin ko kasing nakabukas ang pinto ng kuwarto mo kaya pumasok na ako,”
“Kooh! Ganun ba? Siyanga, ano bang maipaglilingkod ko, konsehal?” usisa niya nang maikalma ang sarili.
Ngumiti ng totoo sa kanya si Gal,
“Don’t call me konsehal and senyorito, Mang Canor. Mas gusto kong tawagin mo ako sa pangalan ko. Hindi ka na rin iba sa ’kin,” ani Gal sa kanya sabay tapik sa balikat niya.“O siya! Ikaw ang masusunod, nasanay lang kasi ako.”
“It’s okay. Samahan mo na lang akong uminom, dinalhan kasi ako ni Gil ng bago at imported!” nakangising ani Gal.
“Naku! Mamapasubo ako niyan, Gal. Tayo na sa hardin, doon natin iyan laklakin. . . sandali lamang at tatawagin ko si Jared,” nakangiting wika ni Mang Canor at mabilis na inihulog ang sapin ng kanyang kama para hindi makita ang kahon sa ilalim nito.
“Sige ho, mauna na ako sa labas. Sumunod kayo,” paalam sa kanya ni Gal saka ito lumabas ng kwarto niya.
Pinagpawisan si Mang Canor, gamit ang labakarang nakalagay sa kaniyang leeg. Pasimple niyang trinapuhan ang noong namamawis dahil sa tensyong nadarama.
He sighed,
pasalamat na lamang siya dahil, hindi matanong si Gal.————
NAPAHAPLOS sa kaniyang sariling braso si Freya habang nakatingin sa kalangitan. Nasa may balconahe siya at nakagawian niya ang pagtingala sa mga bituin sa tuwing lumalabas ang mga iyon. May lungkot sa kaniyang mga mata nang maala niya ang mukha ni Jared kanina maging ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
She sighed, wiping the tears that tried to escape from her eyes.
Nasaktan niya ang nobyo sa pagtanggi niya bilang si Miggy. Ngunit, nakakabuti din iyon sa nakakarami. Para sa kanya ay patay na si Miggy, ang pagkahulog nito sa tulay ay dala na nito ang masalimuot na pangyayari. Binaon nito sa hukay ang araw na ’yun at pagbayaran ang may sala. At ’yun ay si Councillor Gal Gustav; nasa kanyang plano na ito kung paano siya gaganti sa lalaking walang awang lumapastangan sa kanyang pagkatao.
Kumuyom ang kanyang kamao nang matitigan niya ang sobreng naglalaman ng invitation card para sa paparating na selebrasyon sa pamamahay mismo ng konsehal. Tumalim ang mga titig niyang hawakan ang iyon.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITING
RomanceGal Gustav-iginagalang at kinagigiliwan ng lahat ngunit sa kabila niyon ay may nakatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Freya Gozales-she vowed to make Gal Gustav fall for her... to get her revenge.