CHAPTER 4: Bagong Pamilya

3.2K 99 2
                                    

Sa bayan nang Sta. Ana kung saan nanirahan si Anthon kasama ang kinilala at itinuring nitong mga magulang. Nasa may ilog siya sa mga sandaling iyon. Kung saan ay nakasanayan niyang paliguan pagkagaling niya mula sa Rancho.

Umaga at ramdam niya ang lamig na pinaghalong init ng ilog. Bahagya niyang inihaon ang basang katawan saka hinubad ang suot na kulay gatas na sando. Tuloy, lumantad ang maskulado nitong pangangatawan.

Bahagya niyang inilinga sa paligid ang kaniyang mga mata saka napakunot-noo na lamang. Akma siyang lulusong muli nang maagaw ang kanyang atensiyon sa bandang bahagi ng batuhan. Lalong kumunot-noo niya at nagbigay sa kanya nang kuryosidad na lapitan ang bagay na iyon.

Ngunit, ganun na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang matitigan niya ito nang malapitan.

Isang babae.

Babaeng punit-punit ang damit, mayroon itong sugat sa noo at maging sa bahaging binti nito ay may sugat din. Kaagad niyang sinaklolohan ang babae nang makabawi mula sa pagkagulat.

Dinala niya sa gilid ang babae at tiningnan kung ito ay humihinga pa. Nang itapat niya ang kaniyang daliri sa ilong nito ay naramdaman pa niya ang init ng hininga nitong inilalabas ng kaniyang ilong. Ginawa niya ang unang hakbang upang mailigtas ang babae.

Giving her a mouth-to-mouth procedure, then pump her chest trice. Hindi niya ito tinigilan at muli ay hinipan niya ang bibig ng babae. He pump her chest again, hanggang sa inilibas ng babae ang tubig na nainom nito.

“Hey!” tanging aniya saka tinapik-tapik ang pisngi nito.

Napaubo ang babae. Ngunit, kulang ang lakas nito upang imulat ang mga mata upang makabangon.

He helped her, at ipinasandal niya muna ito sa kaniyang malapad na dibdib.

Kalaunan ay nagpasya siyang dalhin ito sa kanila kung kaya't hindi na siya nag-isip pa at binuhat ito. Wala na siyang inisip kundi iligtas ang babae bagay na ikinalimot niyang wala siyang naisuot na sapin sa kaniyang paa.

5 YEARS PAST…

Yakap-yakap ni Aling Melia ang picture frame ng namayapang anak na si Miggy Alcantara. Nadatnan iyon ni Jared dahil, naiwang nakabukas ang pintuan. Malungkot na naiyuko ni Jared ang kaniyang ulo at naaawang pinagmasdan ang ina ng kanyang nobya.

Kung may magagawa lang sana siya, sana ay hindi nauwi sa wala ang pag-iimbestiga. Pero, hindi siya titigil. Hahanapin niya ang may-sala upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Miggy.

Limang taon na rin ang nakakaraan at kasing-bilis ng pagdaan ng panahon nawala sa kanya ang kasintahan. Heto siya, isa na sa mga hinahangaang prosecutor sa edad na bente-otso anyos.

“Jared, bakit nasa labas ka pa? Halika hijo! Tumuloy ka,” aya sa kanya ni Mang Efren nang makita siya nito na nakatayo lamang sa labas.

Ngumiti nang tipid si Jared saka ito lumapit.

“Hindi na ho. Napadaan lang ako at ibibigay ko lang ’to,” ngiting sagot niya, pinipilit lamang na pinapasigla ang kaniyang mukha.

Tinapik siya ni Mang Efren sa kaniyang balikat saka siya tinitigan sa kaniyang mga mata at ningitian pagkatapos.

“Jared, anak. Salamat, pero. . . hindi namin kailangan iyan. Hindi mo obligasyon na araw-arawin kaming puntahan at bibigyan. Hijo, panahon na siguro para kalimutan mo na ang anak ko. Magmahal ka ng iba Jared. Alam kong kahit nasaan man ngayon si Miggy ay hindi niya nanaising maging malungkot ka,” mahabang wika ni Mang Efren bagay na ikinangiti na lamang niya saka lumungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

“Alam po ninyong hindi ko magagawa iyon. Umaasa pa rin ako, babalik si Miggy sa akin,” hintong aniya saka tumipid na ngumiti.

“Aalis na po ako, gusto ko pong malaman ninyong nakapasok po ako bilang bodyguard ni konsihal Gustav. Gusto kong malaman kung ano ang tunay na pagkatao ni Gal Gustav,” dugtong niya at nawala sa mukha ang ngiti.

OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon