KABANATA: 4 (KADUGTONG)

3K 81 0
                                    

KALAUANAN, pagdating na pagdating ni Freya sa hideout nila ay kaagad itong nagpalit ng kanyang susuotin na damit. Bakas sa kaniyang mga mata ang poot at galit sa mga oras na naalala niyang nakahawak sa kanya si Gal Gustav.

Gusto niyang mandiri sa sarili nang paulit-ulit kung bakit nagpahawak pa siya kanina, dahil kung totoosin ay madali lamang niyang patayin ang konsihal dahil wala itong mga bantay na umaaligid sa kanya.

Limang taon, limang taon niya itong pinaghandaan at paunti-unting planuhin paano niya mabibitag sa kamay niya ang demonyong konsihal.
   
SA isang firing station, doon niya ibinuhos ang galit at sama ng loob. Pinaputukan niya ang mga gumagalaw na shooting target gamit ang Calibre 45. Walang palya niyang natapos iyon pagkatapos itong tingnan kaya buong paghanga sa kanya ang mga kasamahan. Isa na doon si Uno, na bumilib sa kakayahan niya.

“Wow! Ang galing mo talaga, Gonzales. Ikaw na, ikaw na ang sharp-shooter. Ituro mo naman sa ‘kin ang secret technique mo,” pilyong wika ni Uno.

Naiiling at may ngiti sa labing tinanggal ni Freya ang magasin na hawak niyang baril at muli iyong ibinalik bago inilagay sa kaniyang likuran.

“Tch! Ako pa ’tong magaling, ei ikaw naman ang asintado sa atin,” sagot niya saka humakbang ito sa kinaroroonan ng huli.

“Siyempre mas iba talaga kapag nanggaling sayo ’yung technique. Diba, Linares?” ani Uno, tinukoy ang kasamahan nilang babae na wala man lang pakialam dahil nakaseryoso lamang ang mukha nito.

“Kita mo ang isang iyon, wala talagang pakisama…” naiiling na lamang nitong bulong saka napakamot sa batok bago naupo sa bakanteng silya.

Naiiling na ngumiti lamang ng tipid si Freya saka nilapitan ang lalaking abala sa pinagawa niyang pag-track sa konsihal.

“Natapos mo na ba, Jack?” usisa niya sa matabang lalaking nakaharap sa computer.

Binigyan lamang siya ni Jack nang matamis na ngiti pagkatapos ay tumango ito sabay thumbs up. Napangiti na rin si Freya bago niya ito tinapik sa balikat.

“Ipagpatuloy mo lang, kailangan natin masubaybayan ang kilos niya,” aniya.   

“Teka, nasan ba si Anton? Kanina pa siya wala rito,” dugtong niya, tinutukoy nito ang isang kasamahan nila.

Hindi pa man tuluyang nakasagot si Uno ay may baritonong boses na kaagad ang sumagot mula sa nakabukas na pinto.

“Ako ba'ng hinahanap mo?” tipid nitong sagot saka humakbang papasok.

“Ayos! Magsimula na tayo!” masiglang ani Uno, pagkatapos ay lumapit ito sa kinaroroonan ni Sabel at inakbayan ito bagay na ikinasama ng mukha ng huli at isang malakas na sapok sa batok ang kanyang natanggap mula rito.

KINAGABIHAN, nakapalibot sa isang mesang gawa sa kahoy sina Freya kasama ang ibang myembro nito at naghihintay sa ipupulong ni Ramon—ang lalaking nagtayo bilang ama niya.

“Sa susunod na linggo, ay gaganapin ang selebrasyon sa mansion ng mga Gustav.”

“Ikaw Freya, ang aatasan ko papasok sa loob, kukunin mo ang atensiyon ng konsihal, gawin mo ang nararapat at trabahuin ng maayos. Sina Uno at Sabel ang magbabantay sayo sa loob. Si Anthon ang maiiwan sa bahay at si Jack naman ang maiiwan kasama kong maglilibot!” klarong wika ni Ramon.

“Huwag mong pakakalimutan Freya, isantabi mo muna ang iyong galit, siguraduhin mong obserbahin ang paligid. Kaya ngayon pa lamang, sasabihan at babalaan ko na kayo. Isang miyembro na kayo, kaya huwag na h'wag kayong magsasalita kung may madakip kahit isa sa inyo, maliwanag!” paglilinaw nitong dugtong.

Parehong sinang-ayunan nilang lima ang sinabi nito kaya't inilapag niya ang isang kulay puting mapa at sinimulan ang puninterya.

“Ngayong gabi, kikilos tayo. May nakuha akong impormasyon kung saan ang susunod na pupunteryahin natin. Isa si Senator Don Raphael Edmundo, sa mga sangkot na ilegal na gawain. Siya ang may-ari ng ilegal fishing dito sa bansa. Kailangan nating makuha ang ibebenta nila. Alam kong ipinagbabawal na gamot ang dini-deliver niya, kaya dapat kailangan niyang managot sa batas. Dahil sa kanila nakakaranas tayo ng gutom at pagkamuhi,” kuyom ang kamao nitong patuloy bagay na ikinatahimik ng lahat.

Hindi man kilala ang grupo nila Ramon ay tiyak niyang kapag madakip ang isang kurakot sa politiko ay mapawalang sala siya at ibabalik sa kanyang katungkulan. Isang Serhento si Ramon sa pagkasundalo at tanging ipinaglaban nito ang karapatan niya bilang isang tapat, ngunit dahil sakim at baluktot ang pananaw ng nakakataas nila ay pinatalsik at sinibak siya sa kanyang pwesto.

Matatawag man silang mga bidyilante, masaya siyang makatulong sa iba kahit krimen din kung matatawag ang pagpatay. Ngunit,  pinapatay lang naman nila ay ang mga masasamang tao.

OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon