Nakangising hiniwa ni Sabel ang mansanas nang humakbang ito palapit kay Freya habang nakasilay sa labi ang pilyang ngiti. Pumwesto ito ng upo sa isang bakanteng upuan sabay dumekwatro ng upo.
“Tagumpay ba ang plano, Frey?” usisa nito.
Isang ngising tagumpay naman ang itinugon sa kaniya ni Freya.
“Unti-unting naayon sa plano ko ang nangyayari, Sab. Ang Leon na ang mismong lumapit sa bitag niya!”
“That's good, then! Mas lalong mainam dahil, mapadali ang lahat. Kailan mo ba balak simulan ang susunod na plano?” usisa nito bago tumayo mula sa kinauupuan at sabay kagat sa binalatan nitong mansanas.
Isang simpleng titig ang ibinigay ni Freya saka sumilay sa labi ang malademonyang ngiti.
“At the Celebdation party, I guess?”
“If that so, nandito lang ako. Suportado ako sa lakad mo,” ani Sabel saka ningitian si Freya.
“But the problem is—Jared. Alam mong bodyguard ito ni konsehal, hindi ba? Magiging sagabal siya sa plano mo kung nariyan siya at umaaligid!” dugtong ni Sabel bagay na ikinaangat ng kilay ni Freya at bahagyang natahimik.
“Hindi ko siya hahayaang madamay sa plano ko Sab. Sinisiguro ko rin na hindi niya matutuklasan ang pagkatao ko. Oo, alam kong paghihinalaan niya ako bilang si Miggy dahil, ako pa rin ’to. Pero tinitiyak kong hindi niya ako paghihinalaan,” kalmadong tugon ni Freya bagay na ikinatango ni Sabel saka kumunot-noong kinagat nito ang ibabang labi.
“Masasaktan mo siya, Freya,” paalalang anito.
“Alam ko, Sabel,” tanging naisagot ni Freya at bakas ang lungkot sa boses nito bagay na ikina-buntonghininga ng huli.
“I salute you bigtime, Freya. Sana naman ay makamit mo ang hustisyang para sayo. Just be wise, mahirap paikutin ang isang Gustav. You have the info about him, just don’t fall on your own trap!” naiwika at paalalang sabi muli ni Sabel sabay tapik nito sa balikat ni Freya.
“Mag-ayos ka na. Mag ensayo pa tayo,” dugtong nito bago tinalikuran si Freya.
Sinundan lamang ng tingin ni Freya ang papalayong kaibigan. Tama ito sa lahat ng paalala nito sa kanya. May masasaktan siyang tao pero para na rin iyon sa ikakatahimik niya sa oras mapagtagumpayan niya ang plano. Alam ng grupo niya ang malaking kasalanan sa kanya ng konsehal maging ang buong pagkatao nito at nakaraan kaya hindi bago sa kaniya nang banggitin ni Sabel ang ngalan ng dati niyang nobyo na si Jared.
“Malalaman mo rin ang dahilan ko Jared. Hindi man ngayon pero darating din ang araw na ’yun. Sana, mapatawad mo ako,” naibulong niya mula sa kaniyang isipan at mariing hinawakan nang mahigpit saka hinaplosan ang suot na kwintas na ibinigay pa sa kaniya ni Jared.
SUNOD-sunod na paggawang sipa at suntok ang ginawad ni Freya kay Anthon na mabilis namang iniilagan ng binata habang may ngisi sa labing tila nasasabik pa ito. May ngiti sa labing iginalaw ni Anthon ang daliri sa dalagang pawisan ang mukha dahil, sa ginawang pag-atake at bakas sa mukha ni Freya ang panggigigil na matamaan ang nakaensayo.
“Ibigay mo pa nang todo, Freya. Subukan mo pa!” nakangiting pang-aasar ni Anthon bagay na ikinataas kilay ng dalaga bago sumilay sa labi nito ang kakaibang ngisi.
“Ikaw lang uurungan ko? Tss. No way!” pag-smirk nakangising saad ni Freya bago ito nagpakawala ng straight job pero mabilis ang naging pagkilos ni Anthon.
Naagapan ng binata at nahuli kaagad nito ang kamay ni Freya sabay lock nito patungo sa likuran ng dalaga, pagkatapos ay ni-lock din nito sa leeg ni Freya gamit ang isa pa nitong braso.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITING
Любовные романыGal Gustav-iginagalang at kinagigiliwan ng lahat ngunit sa kabila niyon ay may nakatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Freya Gozales-she vowed to make Gal Gustav fall for her... to get her revenge.