SA bandang bahagi. Bakas nang isang masamang tingin ang ipinukol ni Freya mula sa kinaroroonan ng binata. Nasa di kalayuan ito at matamang nakamasid din.
Hindi siya mahahalata dahil nagkukunwari siyang may dinalaw din. Suot niya ang kulay puting v-neck t-shirt na pinaresan niya ng simpleng jeans, kulay abong scarf naman ang nakabalot sa leeg niya. Nakatunghay din ang maiksi niyang buhok at suot ang cap na kulay itim.
Tatlong araw na din nang sinubaybayan ni Freya, ang binatang konsehal kung kaya ay alam na alam na nito kung ano ang kanyang ikinikilos. Ngunit, katulad sa nakalap niyang impormasyon ay mailap nga ito.
Minamanmanan niya ang lalaki at simpleng tinutok ang baril na nakatago sa bitbit niyang bulaklak. Pero bago paman iyon ay biglang lumingon sa direksyon niya ang lalaki. Wari ay sinusuri siya at kinikilala. Bigla, umurong ang balak niya.
Natigil siya mula sa binabalak at kumunot noo na lamang.
Pasimple siyang tumalikod at itinago ang baril sa bulaklak na dala. Naglakad siya nang mabilis dahil mukhang naghinala ang lalaki. Gamit ang cap nitong suot ay ginawa niya iyon pantabon sa kaniyang mukha upang ikubli ito.
Naglakad siya nang nakayuko hanggang sa may biglang humarang sa kanyang dinadaanan at hinawakan siya nito sa braso upang pigilan mula sa pag-alis.
Nakita niya ang dulo ng sapatos ng taong nasa kanyang harapan at sa mga sandaling iyon ay nagsimula nang magwala ang puso niya at bumilis ang pagpintig nito.
Napansin niya ang pamilyar na kilos nito bagay na ikinatingala niya nang marahan.
She stunned,
mabuti na lamang nakatulong ang cap niyang suot upang itago ang mukha mula sa kaharap.“Jared?” bulong ng kaniyang isipan at yumuko nang maigi.
“Miss, may naiwan ka,” anito sabay iniabot sa kanya ni Jared ang cellphone na hawak nito.
Hindi siya sumagot. Basta na lamang niyang tinanggap ang iniabot nito.
“Pasensya na,” paumanhin ni Jared nang mapansin nito na wala siyang balak na kausapin siya.
Nang humakbang siya paalis palayo dito ay hindi sinadyang nasilip ni Jared ang kaniyang mukha bagay na ikinatigil ng binata nang matagal.
Natulala ito at hindi makapaniwala sa nasilayan. Tila namamalikmata lamang ito ngunit, gusto niyang makasiguro.
“Migs, Miggy! Te-teka, sandali. Miggy!” paghabol nito sa kanya.
Binilisan naman ni Freya ang paghakbang ngunit, parang si ‘The Flash’ ang binata at kaagad siya nitong naabutan.
“Migs, sandali lang…” pigil sa kanya ni Jared sabay hablot nito sa kaniyang braso.
Tumungo ito sa harapan niya dahilan para mahinto siya’t matigilan.
Huminga nang malalim si Freya, bago niya iniangat ang mukha sa kaharap. Kaagad niyang nakita ang kakaibang kislap at pangungulila sa mga mata ng lalaki matapos niya itong matitigan. Ngunit, nanatili lamang siyang blanko at walang pakialam habang nakatingin dito.
She sighed wearing her arrogant look.
“Excuse me. Hindi Miggy ang pangalan ko. I’m Freya, Freya Gonzales,”“Now, can you let go of my hand?” nakataas ang kilay na aniya.
Tinitigan lamang siya ng binata sa kanyang mga mata at alam niyang binabasa nito ang mga ikinikilos niya. Kilala ni Jared ang dating si Miggy, at alam niyang hindi ito maniniwala ng basta-basta lamang.
Kinabahan tuloy siya dahil dun. Dahil, nararamdam niya ang kakaibang lungkot sa mga mata ng kaharap. Hindi tuloy niya napaghandaan ang pagyakap nito sa kanya.
“Miggy, ako ’to si Jared. Babe, ako ‘to… hi-hindi muna ba ako naalala, ha? Miggy naman, kaytagal na kitang hinintay,” namumula ang mga matang naisambit ni Jared.
“Alam kong ikaw ’yan, kahit pa na magtago ka sa ibang katauhan, kilala kita Miggy,” pagpupumilit nito bagay na ikinasalubong ng mga kilay ni Freya sabay nagpupumiglas mula sa pagyakap nito sa kanya.
Alam niyang oras na ipagpilitan ito ni Jared, ay paniguradong mabulilyaso ang trabaho niya. Kaya, isang masamang titig ang ibinigay niya rito at walang pag-aalinlangan ay sinampal niya ito.
“Crazy! Hindi nga ako ang babaeng sinasabi mo. Puwede bang lubayan mo ’ko!” bulyaw niya sabay tinanggal ang suot na cap.
Mabuti na lamang ay suot niya ang makapal na kolorete sa mukha, at ang pekeng nunal.
“Look at me! Magkamukha ba kami ng babaeng sinasabi mo ha!” singhal niyang muli at bumakas sa mukha ang pagkairita upang mas mukhang totoo.
Natigilan at natahimik na lamang si Jared, saka naiyuko nito ang ulo. Lumuwag ang pagkahawak niya sa kaniyang braso at tuluyang bumitaw.
Kahit labag sa kalooban ni Jared ang pangyayari ay kusa niyang inilayo ang kanyang sarili. Masyado siyang nadala ng kaniyang damdamin.
He bitterly smiled.
Namalikmata lamang ba siya? Siguro nga oo. Bukod kasi sa maiksi ang buhok ng babae ay may nunal sa gilid ng mga mata nito. Malayong-malayo ito sa nobya niyang si Miggy.
“I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya,” malumanay at sensirong paghingi niya ng tawad at naunang tumalikod habang bagsak ang balikat na lumayo.
KANINA pa nagpigil ng iyak si Freya, ngunit kinailangan niyang umakto sa naayon. Subalit, kahit anong tago niya sa totoong nararamdaman ay kusang bumagsak ang pinipigilan niyang mga luha hanggang sa nanginig ang labi niyang humikbi nang palihim.
“Patawarin mo ’ko Jared, I'm sorry. Hindi na ako perpekto sa mata mo, hindi na ako ang babaeng para sayo,” hikbing naisaloob niya bago humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Gal Gustav (COMPLETE) UNDER EDITING
RomanceGal Gustav-iginagalang at kinagigiliwan ng lahat ngunit sa kabila niyon ay may nakatagong sikreto sa kanyang pagkatao. Freya Gozales-she vowed to make Gal Gustav fall for her... to get her revenge.