Kabanata 7: Reyna Weiming

51.2K 2.8K 711
                                    



MAAGA akong pumasok sa palasyo para mapag-aralan ang panggagamot nila. Nakasalalay sa akin ang pensyon ng lola ni Rushin kaya dapat ko 'tong ayusin.

"Tandaan mo ang mga bilin ko sa'yo, Jia. Magkita tayo mamayang tanghalian, nagbaon ako ng pagkain natin."

Hindi ko alam kung ano bang meron sa akin at ang bait-bait sa'kin ni Rushin. Sa mga libro lang nag i-exist ang mga katulad niya. Sabagay, nasa loob naman talaga ako ng isang libro.

Paano kung may isang tao sa mundo ko nag nagsusulat nang lahat ng ito? Pati ba ang nasa isip ko ngayon ay siya ang kumokontrol?

Ito na naman, mababaliw na naman ako sa kakaisip.

"Ayos ka lang ba, Jia?"

Nginitian ko siya. Napansin kong parang nag-iiba ang kulay ng kanyang mga mata. Nang lumapit ako para tignan mabuti iyon ay napaatras siya.

"A-anong problema?"

"Pasensya na, nakita ko kasing nagbago ang kulay ng mga mata mo." Pareho kay Scion.

"Minsan nagpapalit talaga siya base sa emosyon ko."

Natulala ako panandalian. Biglang bumalik sa memorya ko ang mga mata ni Scion at kung paano nagpapalit palit ang mga ito ng kulay.

"Ayos ka lang ba talaga, Jia?"

"H'wag mo akong masyadong alalahanin, Rushin. Kaya ko ang sarili ko at ayokong maging pabigay sa'yo rito sa palasyo."

Sumang-ayon na lamang siya sa sinabi ko pero pakiramdam ko ay tutol siya sa mga iyon.

Bumalik na si Rushin sa kanyang trabaho at ako naman ay bumalik sa silid aklatan para mag-aral. Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan. Kahit itong pang gagamot pa na ito.

Lumipas ang isang oras ay nakalabing dalawang libro na akong nabasa. Kahit papaano ay naintindihan ko na ang pangunahing lunas na ginagamit nila sa mga sugat at kilalang sakit sa palasyo.

"Maaga ka ata?" Umagang umaga ay hindi maipinta ang mukha ni Doktor Guryo. "Ang ibang mga manggagamot ay humihilik pa."

Alam kong masungit siya pero sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko alam kung natutuwa ba siya na maaga ako o naiinis siya.

"Hindi pa po kasi ako pamilyar sa mga panggagamot sa palasyo."

Sumingkit lalo ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Mula ulo papunta sa paa ay ganoon ang tingin niya sa akin.

"Ano bang meron sa iyo at itinalaga ka ng mahal na haring Scion. Wala kang kaalam alam sa panggagamot."

Hinawak-hawakan niya ang mahabang niyang balbas na kulay puti.

Iyon nga rin ang iniisip ko, ano bang pumasok sa isip ng Scion na 'yon at ginawa akong nurse sa palasyo. May pakiramdam pa rin ako na may binabalak siya kaya niya 'to ginawa.

"Siguro ay pinaparusahan niya ako sa ginawa ko nang isang araw."

"Sa totoo lang, hinahangaan kita sa ginawa mo. Bilang lang siguro sa daliri ko ang magbubuwis ng kanilang buhay para sa iba."

Dahan-dahan tumaas ang kilay ko. Hindi ko pa kasi masyado naisulat ang iba pa niyang ugali kaya hindi ko alam na may ganitong side pala siya.

Sabagay, importante ang buhay sa mga doktor. Tungkulin nilang iligtas at pangalagaan ang mga ito.

"Pero babalaan kita, naging mainit ang mata sa'yo ng mga ministro kaya mag-iingat ka."

Ang inaakala ko talaga ay magiging kontrabida siya sa buhay ko at papahirapan niya ako pero parang kabaligtaran ang mga nangyayari.

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon