Kabanata 38: Huling pagkikita

36.6K 2.6K 1.3K
                                    

This is the last chapter. Thank you for making this far. I will post the Epilogue after 2 days!

➖➖➖

MAY mga panahon talaga na nakakagawa tayo ng mga maling desisyon sa buhay natin nagiging dahilan para makasakit tayo ng iba. Minsan akala natin tama tayo pero ang totoo... mali na pala ang lahat.

"Ngayon mo lang ako tinawag sa totoo kong pangalan..." sambit ko habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

May nagawa man siyang masama ay hindi pa rin no'n maalis 'yong mabuting bagay na nagawa niya para sa akin.

'Yong pagmamahal niya sa akin na aaminin ko... alam kong totoo.

Ngumis siya, "Ngayon ko lang naisip, mas maganda pala 'yon kesa sa Jia."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak nang sobra.

"Kahit ano pang pangalan mo... ikaw pa rin 'yong babaeng pinakamamahal ko... palagi mo 'yang tandaan." medyo nahihirapan na siyang magsalita dahil sa dugo sa bibig niya. "Xiang... Jia... aking mahal."

Nawala lahat ng galit ko sa kanya. Napalitan 'yon ng awa at matinding pag-aalala. Sa itsura niya, imposible na siyang mabuhay pa.

"Sinunod ko 'yong pangako ko sa'yo..." patuloy niya. "Hindi ko hinayaan na masaktan si Scion."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sinalo ko ang enerhiya na para sa kanya. Niligtas ko siya..."

Tinignan ko si Scion sa itaas. Nakikipaglaban pa rin siya kay Jun pero mukhang tumalab ang sinulat ko sa Polaris dahil nawala na ang matinding lakas ni Jun.

"Ginawa ko 'yon hindi lang para tuparin ang pangako ko. Ginawa ko 'yon dahil alam kong mahal na mahal mo siya... at ayokong masaktan ka kapag nawala siya. Kung ako naman 'yong mawala, hindi ka naman masasaktan 'di ba?"

Mali siya.

Ang totoo, naulit na naman 'yong sakit. 'Yong sakit na naramdaman ko noon nung nawala si Liam.

Parang unti-unting tinutunaw ng napakainit na tubig ang puso ko.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ko na hahayaan na mangyari ulit 'to pero bakit ito na naman?

Umiling ako, "Hindi, hindi totoo 'yan!"

Basang-basa na ng mga luha ang mukha ko. Hinawakan ko ang dibdib niya para pigilan ang pag-agos ng mga dugo sa sugat niya.

"Hindi kita hahayaan na mawala! Hindi pwede!"

Nilagay ko sa kamay ko ang buong enerhiya na meron ako. Hindi ko na inisip kung anong mangyayari sa'kin pero hindi ko hahayaan na maulit ang sakit na naramdaman ko noon sa pagkawala ni Liam.

Wala ng magbubuwis pa ng buhay. Wala na.

"Ahhhh!"

Itay, tulungan mo ako. Kung sino mang nakakarinig sa akin, bigyan niyo ako nang lakas. Nakiki-usap ako. Hayaan niyo akong buhayin si Rushin.

Naramdaman ko na ang panghihina ng katawan ko pero hindi ako nagpatinag. Itinuloy ko lang ang ginagawa ko.

Uminit ang buong katawan ko at bigla akong nahirapan huminga.

Hinawakan ni Rushin ang kamay ko.

"Tama na, Xiang. Hindi mo na kaya... mas pipiliin kong mamatay kaysa mapahamak ka."

Umiling ako habang kagat-kagat ang labi ko, "Kaya ko 'to, hindi kita hahayaan na mawala, Rushin!"

Umilaw ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon