Kabanata 15: Chaun

45.3K 2.6K 706
                                    



MATUTULIS na tingin ang ibinigay ni Scion kay Rushin. Maski ako ay nagulat sa inasal niya. Siya mismo ang nasabi na igalang ko pa rin ang kamahalan pero ngayon ay parang nakalimutan na niyang isa itong Hari.

"Tama ba ang aking narinig?" Hawak-hawak pa rin ni Scion ang aking kamay. Hinila niya ako papunta sa kanyang likuran. "Inuutusan mo ba ako? At nakalimutan mo na ata na ako ang Emperador ng ating labing walong nasyon."

Pinagmasdan kong mabuti ang mga mata ni Rushin at kulay pula na ito. Isinara rin niya ang magkabila niyang kamao pero kita sa kanyang mukha na matindi ang galit na nararamdaman niya.

May maliit na ilaw akong nakita sa kanyang kamao. Pumikit siya at huminga nang malalim. Siguro ay kino-kontrol niya ang kanyang kapangyarihan.

"Paumanhin, kamahalan. Ako ay nadala ng aking damdamin," mahinahon niya iyong nasabi. "Kung maari lang ay pakawalan niyo na si Jia. Siya ay nasasaktan na sa inyong ginagawa."

Hindi ko makita ang mukha ni Scion pero nakahawak pa rin siya sa kanang kamay ko.

Sinubukan ko ulit na hawiin ang kamay niya. Lumingin siya sa akin at tinignan niya ako sa aking mga mata. Magkahalong asul at pula naman ang kanyang mata na hindi kagaya ni Rushin na puro pula lamang.

"Nasaktan ba kita?" Tanong niya.

Marahan akong umiling kaya inalis na niya ang pagkakahawak niya sa akin.

"Paumanhin... hindi ko sinasadya." Malalim ang mga hininga niya bukod doon ay kinagat niya ang labi niya, "Siguro nga panahon na para kalimutan na kita... Xiang." Mahina niyang sabi.

Ang kulay ng buong mata niya ay mabilis na nagbago sa dilaw. May kaunting tubig sa gilid ng kanyang mga mata... mga luha ba ang mga ito?

Sa isang iglap ay naglaho si Scion. Nag-shunyi siya sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Gayon pa man ay umulit ang huli niyang sinabi, "Siguro nga panahon na para kalimutan na kita... Xiang."

May kung anong pumatong sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga nang maayos.

Malungkot siya... nasasaktan siya.

Natulala ako habang paulit-ulit na nagri-reply sa utal ko ang mga kataga na iyon.

"Ayos ka lang ba, Jia?"

Hinawakan ni Rushin ang aking braso. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nag fa-fade na ang kulay nga mga mata niya papunta sa asul.

"A-ayos lang... ayos lang ako."

Tinignan niya ang magkabilang kamay ko. Medyo namumula ito dahil sa mahigpit na pagkakahawan ni Scion. Siguro ay hindi na niya napigilan ang damdamin niya.

"Pa-pano mo kami natunton dito?"

"Ah, iyon ba... ang totoo niyan sinabi kasi sa'kin ng kaibigan ko maaga kang umuwi kaya hahabulin sana kita pero may narinig akong bagay sa gubat kaya pinuntahan ko 'yon."

Sinabi ko pa naman sa kaibigan niya na mamaya pa sabihin ang tungkol sa pag-uwi ko nang maaga. Kung nagkataon pala ay hindi ko rin nagawa ang surpresa ko para sa kanya.

"May nakita akong mga yapak kaya sinundan ko 'yon at nakita ko kayong dalawa rito ng Mahal na Hari."

Buti na lang din at dumating siya dahil kung hindi baka mamaya ay napaamin na ako ni Scion sa totoo kong pagkatao.

Bagay na ayokong mangyari lalo na ngayon na sinabi ko kay Weiming na tutulungan ko siya kay Scion.

"Pinipilit ka na naman ba niyang umamin? Mukhang nasaktan ka sa pagkakahawak niya at ayaw mo lang sa akin sabihin."

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon