Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo

49.6K 2.8K 465
                                    



HINDI pa rin ako mapakali sa mga sinabi sa akin ni Rushin kanina. Ngunit naiintindihan ko naman ang dahilan kung bakit kailangan ni Scion magkaanak. Ang bawat palasyo ay dapat magkaroon ng pagmamanahan dahil kung hindi ay mapupunta lang sa iba ang trono na matagal ng inalagaan ng pamilya na 'yon.

Iniisip ko tuloy kung magagawa ba ni Weiming na isuko ang trono niya at ang relasyon nila para lang mapanatili ang pagiging hari at emperador ni Scion?

Gaano kaya niya kamahal si Scion?

"Maari ka ng umuwi, Jia." Bungad ni Doktor Guryo. "Bukas ay tuturuan kita kung paano gumawa ng mga herbal."

Kating-kati na akong tanungin sa kanya ang kalagayan ng reyna pero baka magalit siya at mag-iba na ang pakikitungo niya sa akin.

"Maraming salamat po, Punong doktor."

"Guro, ayan ang itawag mo sa akin."

Sabagay mas maikli 'yon kumpara sa punong doktor.

Tumango ako, "Bukas na lang po, guro."

Nagpaalam na ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na ngingitian niya ako. Sobrang kakaiba na talaga siya sa Doktor Guryo na isinulat ko noon.

Dumaan muna ako sa pwesto ni Rushin bago ako umuwi. Dapat sabay kaming uuwi pero maaga akong pinauwi.

"Jia, anong ginagawa mo rito?"

Siniko siya ng katabi niya pagkatapos ngumisi ang mga kasama niyang kawal. Anong problema nila?

"Pinauwi na kasi ako ni Doktor Guryo. Nagpapaalam lang ako sa'yo. H'wag kang mag-alala, kaya ko nang umuwi mag-isa."

"Sigurado ka ba? Nag-aalala ako sa'yo, e. Gusto mo hintayin mo na lang ako?"

Umiling ako, "Gusto ko rin bantayan ang lola mo kaya hayaan mo na ako." Panay pa rin ang ngisi ng mga kasama niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, "May problema ba? Kanina pa kasi kayo nakangisi sa akin."

Tinignan sila ni Rushin at pinagpapalo ng kamay niya, "Ano ba kayo!"

"Pasensya na, kinikilig lang kami sa inyo. Matagal na kasi naming hindi nakikita si Haring Rushin na masaya."

"Hari?" Tanong ko.

"Ah! Ano kasi, para sa amin siya ang hari ng mga kawal sa palasyo dahil galing niya makipaglaban."

Binatukan siya ni Rushin, "Alam niyo puro kayo kalokohan! Nakakahiya kay Jia! Mabuti pa, mag patrolya na kayo!"

Namumula na ang pisngi ni Rushin at hindi siya makatingin sa mga mata ko.

Bigla ko tuloy na-miss sila Fashia na madalas ay malakas din mang-asar. Kamusta na kaya sila nina Cooper? Si Auntie kaya? Baka mamaya buntis na siya.

"Pasensya ka na, Jia. Mabuti pa at umuwi ka na nga talaga pero mag-iingat ka ha?"

Umalis na ako dahil baka asarin pa ulit siya ng mga kasama niya. Hari pala ang tingin nila kay Rushin doon, sabagay mukha naman siyang hari. Maganda ang tindig ng katawan niya at mukha namang malakas at matapang siya. Dagdag pa na mabait siya at matulungin.

Papalapit na ako sa labasan ng mga empleyado sa palasyo pero agad kong natanaw si Scion.

Ano naman kayang ginagawa niya sa gate na 'yan? May sarili naman siyang daanan na pang-maharlika.

May limang kawal na nakapalibot sa kanya habang nakatayo lang siya sa tabi ng malaking pintuan at para bang may inaabangan pa siya.

Hindi naman siguro ako 'yon no? Dahil ano namang rason niya para abangan niya ako. Ako na isang hamak na utusan lang dito.

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon