Kabanata 11: Pag-amin

48K 2.7K 445
                                    


PAANO niya nalaman ang buong pangalan ko gayong Xiang lang ang sinabi ko sa kanya noon? May nalaman ba siya tungkol sa akin nang mawala ako? At paano niya nalaman iyon?

"Sabihin mo, alam ko na ba talaga ang lahat tungkol sa iyo?"

Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng mga mata niya. Kulay pula pa rin ito at nakalitaw ang mga ugat sa gilid ng mukha niya. Umiigting din ang kanyang panga.

Umupo ulit siya ngunit hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Dahan-dahan akong naglakad para umupo sa harapan niya.

"Bago ko sagutin 'yan, paano mo nalaman ang buong pangalan ko?"

"Nalaglag nang isang araw ng Mahal na hari ang isang maliit na talasulatan at nakasulat sa unahan ang pangalan na Xiang Serenity. Naisip ko na ikaw iyon dahil sa pangalang Xiang. Hindi ko na naitanong ito sa'yo dahil hindi ka namin makita."

Isinulat niya ako sa isang talasulatan?

Sa mundo ng Zithea, ang taong mahal mo lang ang gagawan mo ng talasulatan. Nakalagay doon ang mga katangian na nagustuhan mo sa kanya at ang mga dahilan kung bakit mo siya minahal. At alam mo na si Weiming lang ang ginawan niya ng ganoon dati.

"Pero hindi iyon ang gusto kong itanong sa'yo, Jia. Gusto kong malaman kung bakit mo ipinakagat sa mga ahas ang mga kawal? Bakit wala ng maalala si Bonjo? Paano mo nagawa 'yon, paano mo nautusan ang mga ahas?"

Sa dami ng tanong niya, hindi ko alam kung anong una kong sasagutin. Ang nakakapagtaka ay nakita niya na pala ako kanina pero bakit hindi niya agad ako nilapitan? Matagal din kaming hindi nagkita.

Posible kayang natakot siya sa akin?

"Rushin... alam kong mali 'yong nagawa ko."

Kinagat ko ang mga labi ko. Halong kaba at inis ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil hindi ko alam kung anong gagawin ni Rushin sa nakita niya. Isusumbong niya ba ako sa konseho o hahayaan niya na ito? At inis, inis sa sarili ko sa katangahan na ginawa ko.

"Gusto kong humingi ng tawad sa mga kawal lalo na sa kaibigan mo na ipinagtanggol pa ako sa kapitan nila. Nataranta na kasi ako kanina dahil baka tuluyan na nila akong dalhin sa konseho at mapatawan ng kamatayan. Maniwala ka, hindi ko talaga gustong masaktan sila o mawala ang memorya nila."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Ngayon lang din kasi ako nakagawa ng isang malaking kasalanan sa ibang tao. Dagdag pa 'yong bigat ng dibdib ko ngayon dahil nandito na naman ako sa ibang mundo na kahit anong oras ay pwede akong mamatay.

Ngayon pa na magkakaroon na ako ng pinsan at kung kailan nalalapit na ang kasal ni Auntie. Ako pa naman ang made of honor, tapos ako pa 'yong wala. Paano kung hindi 'yong matuloy ng dahil sa'kin? Paano si Sir Raymond? Baka hindi na naman siya makatulog sa paghahanap sa akin.

"Gu-gusto... gusto ko lang naman bumalik sa mundo ko at hindi na bumalik dito. Gusto kong bumalik na buhay ako dahil gusto ko pang makita ang pamilya at mga kaibigan ko."

Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa. Ayokong isipin niya na nagpapaawa ako sa harapan niya para makatakas sa kasalanan na nagawa ko.

Lumapit siya sa akin at nanlaki ang mata ko dahil lumuhod siya sa harapan ko.

"H'wag kang umiyak, Jia. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Mahirap talaga kapag wala ka sa sarilo mong tahanan. Hindi kita isusumbong sa konseho dahil sa nagawa mo."

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon